Sunday, August 19, 2007

[none]

hmmm... agosto 19, it's a sunday... ngayong araw? as usual nag simba hindi na kami pumunta sa mall para mag grocery, kahapo na iyon eh... sale pa sa sm centerpoint upto 50% off daw pero ang pinagkaiba lng eh dumame ang mga nauto pero ganun parin ang presyo. bumili na nga pala ako ng bag kasi durugan na ang bag ko... pero nagpapasalamat parin ako dahil tumagal siya sa akin... dumaan na sya ng maraming surgery, tahi dito tahi dun... nagretire na siya at may kapalit na... nag pagupit din ako kahapon... kaya bagong tabas ang buhok... hahaha ang long hair naging short hair natakot kasi ako baka mag karoon akong kuto... mga alaga sa buhok na walang ginawa kung di magpakati ng ulo...

kanina nga nagsimba lng at ayun natapos ang araw na parang wala akong nagawa kung hindi maglaro ng sepak takraw... ang old school na futbol... soccer combined with volleyball. ang cool masyado ... hmmm namatay nga pala si kata.. ang isda kong may katarata... may weirdo na puting kung ano siya sa mata ... inassume ko nlng na katarata yun... patay na siya... nanghina tapos ayun wala ng buhay, wala akong nagawa kung di magluksa...  napunta na siya ngayon sa lugar kung saan napupunta ang mga isda... sa inidoro at sabay flush... sabi good bye and till we meet again... matagal na rin siya sa akin kaya parang kaibigan na siya...

kumain nga pala kami na parang nasa probinsya ngayon gabi, nakadahon ng saging tapos nakakamay... ulam namin eh inihaw na isda pero hindi si kata, kung hindi tilapya at bangus... tpoas may pork din hmmmm sarapsarap at hanggang ngayon eh busog parin ako... hindi na ako nagugutom... masyadong marami akong nakain/// hindi ako nagpalipas ng gutom ngayon so it's a record..

mag oonline nga pala kami para maka usap si itay ngayon... 9:20 daw ang usapan at ngayon ay 9:04... kailangan ko pa itong ipaste sa livejournal...

cge ipapaste ko muna...

<paste>

<flush>

No comments:

Post a Comment