Wednesday, August 20, 2008

tsk.tsk.tsk. dala ng katamaran ng tamad

actually dapat kahapon pa ako nag blog, ang kaso mo, walang kasing tamad ang katawan ko. marami akong naiisiip na pwedeng isalang dito. kaso, nawala na. ganun talaga.,. kapag may naisip ka tapos hindi mo kaagad inasikaso na isa papel. mawawala na lang at kahit anong hagilap mo sa utak mo, hindi mo na makikita. ang iniisip ko, ay dumadating na lang na parang bula, at nawawala na rin na parang bula.

pero swerte ko, may naalala ako kahit konti.

ang konsepto ng possibility at probability.

naisip ko ito dahil sa subject kong prob and stat. may probability. parehas lang ang concept ng probability at possibility, dun pumapasok yung chance. chance para tumama at chance para maging mali. kung sa coin, pag nag toss ka, kung fair ang coin [yung bagong gawa na flat parehas ang side] may 49.5% possibility na head at 49.5% na tail. yung .1 percent, na tumayo yung coin. kung gagamitin mo ang probability, walang percentage na tumayo yung coin. 50-50, flat. laging may chances, yung iba, hindi napapansin sa sobrang liit ng probability, yung iba wala daw posibilidad. pero meron at meron pa rin. ang isang maganda, matalino, matangkad. kung baga anghel sa lupa o beauty queen o pwede rin namang isang perpektong gawa ng diyos. ay meron 1X10^-3 million chance na mainlove sa isang mediocre, wlang asensong tao. parang kasing size ng probability na manalo ka sa lotto. maliit ang chance, pero meron parin.


concept ng probability eh parehas lang ng possibility, the difference is numerical aspect ng prob. merong numero ang pinagbabasehan. ang possibility nman ay parang chambahan pero meron parin na basis. minsan sa sobrang liit ng outcome eh malabo. kung sasabihin mo na ang pwedeng outcome eh sin liit na ng kuto ng kuto ng kuto ng dandruff eh meron parin. pure luck ang sinasabi pag nakuha mo tulad ng lotto. pero minsan ang akala mong malabo eh posible. minsan, may time na papanigan ka ng lahat ng  superpowers ng tadhana, so lalaki ang chance mo, dagdagan mo pa ng dasal at kung ano pa ang pwede mong mabili sa mga pampaswerte shops. baka sakali, kasi pwede, sumugal at matalo pero yun ang nagpapasarap sa pagkapanalo ng isang tao.

Friday, August 15, 2008

paano nga ba?

posible daw talagang tamarin ang tao kapag hindi niya gusto ang ginagawa niya. ang sabi nga ng mga kakilala ko eh. talagang ganun daw. tatamarin ka kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo. eh ang anong paano kung kailangan mong gawin. paano kung ang buong kapaligiran na ginagalawan mo eh sumasangayon sa kabaliktaran ng gusto ng katawan mo?

pero, meron paring part na gusto mong ituloy ang ginagawa mo kahit na mali, kahit na parang sa linya na iyon eh hindi ka magiging masaya. pilitin man at paikot ikutin man ang batok nito. hindi parin ii-swak sa panlasa mo.

kailangan mong gawin kasi yun ang gusto ng maraming tao at pagkatapos daw nun eh magiging ok ang lahat. pero alam mo sa sarili mo na hindi ka dun at marami kang mas magagawang maganda dun sa linya mo. mas magiging kapakipakinabang ka kung dun sa gusto mo ikaw lulugar.

ito na ngayon, hindi ka na makapili at parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa sa ngayon at desisyon mo nlng ang makakapgpabago sa mga pangyayari nito, pwedeng sa huli ay mag dusa ka o sa huli eh manalo ka.

ang kapalit ng second choice eh ulit ka sa umpisa pero maguumpisa ka na masaya dahil gusto mo ang gagawin mo at handa kang magsakripisyo ng kahit ano para lang dito, ang unang choice eh naumpisahan mo na konti nlng finish line ka na. ang kaso mo gumagapang ka na sa hirap , hingal na hingal ka na at konti nlng pipikit na ang mga mata mo.

ang isa pang circumstance ay kapos na kayo sa resources. pero kada oras na sinasayang mo eh baka mas malaki pa ang mawala sa iyo

may choices ka. at ang posibleng ibatong tanong sa iyo ay.

ano ang mas matimbang? laban o bawi?







hindi ako makapili, kaasar. choosy kasi ang tadhana. parang nakakapang loko.



Tuesday, August 12, 2008

totoo...

tagal n ring hindi nakakapagblog.... sauce... simple lang kasi... tinatamad ako sa maraming bagay...

tamad mag aral, tamad kumain, tamad maglaro, tamad sa lahat... kulang na nga lang eh tamarin ng huminga... grabe... kahit mag isip kinakatamaran na, yan ang gawain ng mga adik...

hindi ko alam, basta bigla na lang dumating ng walang sabi sabi... parang kabute na tumubo na lang sa kili kili ng hindi naliligo...

pero tulad ng kabuti, at tulad ng lahat ng bagay. meron kang makukuha, mapipitas. maganda man o panget, meron kang pakikinabangan... kahit papaano... problema, kasarapan. may makukuha ka o kahit na sa pinaka sira ulong tao sa buong mundo o pinaka gago manat sa pinaka matalino..meron at meron, nasa iyo nlng kung mumulat ka sa binibigay nila o pipikit na lang kesa dumugo ang ilong mo.

hindi ako magaling gumawa ng mga desisyon... masaklap. kasi laging sablay. ang pangit nga kasi madalas din na hindi ako maka hindi o hindi ako maka oo. mahirap kasi minsan naiipit ka ng hindi oras.

wala na yung kuting ng pusa namin, inalis na sa bahay dahil malupit mag dumi... dinala sa kung saan mang lugar ni inay. kailangan din kasi at alam ko namang nag alala lang siya. pero sa huli, lahat malungkot, kahit na yung mismong nanay ng mga kuting malungkot at naghihintay na baka nag laro lang at babalik ang mga ito pero hindi pala. sa huli, kahit na panalo eh parang mali din ang pakiramdam. wala na ang mga nagkakalat na kuting pero masaya sana silang pagmasdan kapag naglalaro, kahit papaano pang tanggal ng pagod sa mga bagay bagay sa araw araw.

lugi ka kapag wala kang laban, kahit na mag sumamo ka pa sa buong mundo na may gusto kang gawin o ayaw ma pahiwalay, lugi ka kapag ang mga taong pumapalibot sa iyo ay walang pakialam at ang concern lang ay ang mga sarili nilang alam, ganyan tumatakbo ang mundo, kung wala ka, wala kang palag sa gagawin sa iyo ng tadhana, wala kang palag sa mga bagay bagay at saka mo matatawag ang buhay na hindi fair. totoo, hindi talaga patas ang buhay, wala kang laban sa kawalan na kalaban mo simula pa lang nung pinanganak ka, kalungkutan, pighati, pasakit, saya, magaan. dumadaan yan, minsan sabay sabay, minsan isang malaking dagok, minsan akala mo hindi ka na makakabawi. minsan totoo, at minsan hindi. may laban ka man o wala, kung isa ka sa mga kilala o para kang kulangot sa tabi na pinahid sa pader. minsan mas gugustuhin mo pang malunod sa isang mundo ng panaginip at mamuhay na lang duon ng panghabang buhay, pero wala kang magawa dahil sa isang araw eh magigising ka na lang. minsan sa malungkot na parte ng panaginip at minsan naman sa masaya na parte. minsan lugi talaga, ang inaasahan ay hindi natutupad at ang hindi inaasahan ang lalabas. san ka ba talaga lulugar? magpapakabaliw sa tabi o lalaban ng sabayan kahit na hindi mo sigurado ang kakalabasan at sa huli, lugi at uuwi kang luhaan. lahat may hinahanap, mga bagay na hindi mahanap o kaya nman eh hindi talaga nagpapahanap. may nagsusumamo at naghahanap ng katarungan sa bagay na ipinaglalaban pero sa huli kahit na sabihing nakuha na nila ang hustisya, kulang pa rin. hustisya, isang salita na marami ang kahulugan, pwedeng totoo. at pwedeng hindi. mapapaiyak ka kapag wala nito [sabi ng iba] pero mapapaiyak ka kapag meron nito. lagi kang may choices, hindi parang kape kung hindi sa lahat ng bagay, papasa ka o babagsak. pagsigurado ka ng babagsak, babagsak ka ba ng todong todo o babagsak ng konti lang. pupunta ka ba sa kanan o sa kaliwa. may pagpipilian ka pero nakapikit ka kapag pumili, isa lang ang nakikita mo pero hindi mo pa nakikita ang isa. mahirap o madali, nabubuhay ka, dahil nandyan ka na. kung gusto mong magpakamatay, o mabuhay. kung gusto mong pumili o hindi. gusto mong magmukmok o hindi. hindi man o oo, lugi ka man o hindi, magulo man o maayos. buhay ka, humihinga, natutulog at nananaginip.

minsan mas ramdam mo na totoo ka kapag natutulog, mas masarap dahil parang isang tv na nakikita mo ang sarili. minsan kailangan mong pagtuunan na pag gising ka ay hindi totoo ang lahat at pag nananaginip ka ay minsan totoo... nasaraduhan lang ng tinatawag na 'standards' ang buhay at pananaw. malay mo baka ang totoong mundo ay ang panaginip at nabubuhay lang tayo sa kasinungalingan kapag gising. o baliktad. maraming posibilidad na sarado ang utak ng tao sa mga bagay na ito








.

kailangan ko ng bumalik sa tunay na mundo.

hindi gaanong madali pero totoo... -_-

Sunday, August 3, 2008

paano

ano kaya ang iba ng mga taong iba ang suot, iba itsura, iba ang amoy? ano ang pinagkaiba nila sa mga taong maayos ang suot, mapera, mabango? sa pisikal na anyo, marami, pero bakit lagi na lang na kailangang husgahan? bakit kailangang laitin, at lalo pang ibagsak? pag nasira ang ulo mo at tumabay o tumgenga sa tabi ng daan. maging madumi, mabaho? marami ang mandidiri, porke sira ang ulo, baka daw masaktan sila, baka may gawin silang iba sa iyo. takot silang madumihan o takot silang tumingin.

kailangan ba laging tama sa lugar, kung baga, right place at the right time. kailangan daw ng timing sa lahat ng bagay, set priorities. kaso ang labo kung walang sense of timing ang gagawa. paano kung hindi ka makadetermine ng right time at right place.

paano kung?

paano o baka sakali?

paano kaya..

minsan lugi ang tao, kahit na anong gawin eh mali, kahit anong gawin, pangit sa mata ng mga tao.

pero may laban, depende sa tao kung lalaban siya o hindi...

kaso nakakatamd.

paano nga kaya?