Sunday, April 1, 2007

pangalawang panulat

ngayong araw, sabog ako
bakit?
kasi madaling araw na ako natulog at gumising ako ng 9 am... waw ang lupet!
kaya ayun, buong araw na lumulutang ang utak ko, maaaring nakatingin sa langit at nag iisip, anu kaya ang mangyayari kapag si marvin agustin ang naging presidente ng bansa? sino kaya yung pauso ng tanong na 'ano nauna, itlog o manok?'

buti at kahit papaano ay nakakaraos ang aking livejournal kahit na dial up lang ang gamit ko, at habang nagtatype ako eh tinitignan ko pa rin ang picture ng aking crush sa internet, malungkot nga lang dahil taken na sya... takaw tingin lang yata talaga ako at masaya naman at least kahit sa panaginip eh nakikita ko sya. masaya ako para sa kanya totoo un kahit balak kong ipapatay yung kanyang bf... hehehe

inspirasyon ko sya sa lahat ng ginagawa ko kaya ayos. sad to say... mamayamaya lang pagkagising ko eh kuhaan na ng card... linsyak!!! kinakabog ang aking dibdib at dinadaga ang tyan ko... sana makaraos at walang maging problema.

sa mga susunod kong post baka umpisahan ko nang ikwento ang kwentong gawa ng isang malikot na isip at dahil narin sa pagkalipas ng gutom. pero una sa lahat ay gagawa muna ako ng kwento tungkol sa aking buhay na pang maalaala mo kaya para at least makilala ninyo ako.

gud mornight ulit mag-uumaga nanaman...

<signed off>

>.<

No comments:

Post a Comment