Monday, April 23, 2007

ang gulo-ng

nung friday, nabutas gulong ko, linsyak muntik na akong mamatay... seryoso, ganito yung nangyari...

magiihaw kami ng tilapia, walang uling kaya pumunta ako sa palengke, bago umalis tinignan ko yung bike labog yung gulong kaya binombahan ko... ayus... eh di yan nagbike ako paalis sa gate ng compound namin, nag check ulit ako medyo lumambot... nagtry parin ako pero bumalik kaagad ako, wala ng hangin yung gulong... bago ako lumiko, sumemplang ako, not once but twice... buti nlng at medyo malakas reflexes ko naagapan yung tuluyang pag tumba...

nag paayos ako ng gulong ngayon... waw... 70 pesos para sa interior at labor.... waw ano yun ginto.. pero pinaayos ko rin naman at nagagamit ko na ng maayos ngyon yung bike... kaso may nasira naman kapalit nung bike... bulsa ko...

bankrupt ako as of.. ngayon... palimos ng pero mga guys..

No comments:

Post a Comment