Wednesday, November 21, 2007

day dreaming

a new day, a new experience, a new realization...

sa pagumpisa ng panibagong araw, umuulan at masarap matulog... malamig eh, sayang humiga na lang sa kama at takasan ang buhay ng pagiging estudyante... as usual, hindi ko ito mataksan kasi kailangan kong gawin ito at medyo nagugustuhan ko na ng konti ang second sem, exept for one thing...

pag dating ko sa iskul eh maaga pa... may time para makipag usap sa mga kaclase ko... dumating si tina, oyeh! dala niya ang hinihiram kong libro, so this day is good after all... physics 2, ang unang subject, ayus naman at maganda ang umpisa ng araw namin... naiintindihan ko naman ang lessons...may konting takot lang kasi sa tuesday eh isang long quiz ang nagaabang sa amin... tapos susunod na subject. ang integral calculus... WAAAAAAAAA!!!! hindi ko alam kung bakit hindi kami magkabati ng subject na ito... nakakainis kasi hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba naman, ayaw pumasok ng mga tinuturo ni mam fernando sa utak ko.. kainis... bumabagsak na ako sa subject na ito. pero no choice ako kung hindi pag aralan ito at maglagay ng extrang effort sa pag- aral...logic! ang saya talaga ng subject na ito... well, besides sa magaling na professor eh ayus talaga ang mga tinuturo dito...

3 subjects sa araw na ito... uwian na...

well umuulan ng malakas, so medyo napasenti ako ng konti sa bus...

then, napansin ko, all in all, mahilig talaga akong magday dream.. a form of escape, nabubuhay ako sa mundong ito na kung saan, gustong-gusto ko. nalaman ko na duwag pala ako, dahil isa akong tanga na umiiwas sa problema...

time to shape up... to make a difference to myself, that's what i need.!!!!

No comments:

Post a Comment