Wednesday, October 5, 2011
Wednesday, September 28, 2011
scallywag!
senseless addiction, kasi bawat is isa sa atin, gusto maging sociable at makipag-konek sa mga kaibigan, kapamilya at kung sino mang chicks o hottie dyan sa tabi-tabi pero nothing's accomplished. magiging "friend" mo lang naman sila ulit pero ano pagkatapos ng konting mensahe at kamustahan?
anyway.
...
teka nakalimutan ko yung ibabahagi ko.
...
Thursday, September 22, 2011
september 23, 2011
masasabi ko na talaga na pakalat kalat ang kwento ng buhay ko (hahahahahahaha!), kasi naman meron akong blog dito sa internet, at kagabi, bago yung supposed to be na "idlip" na nauwi sa "tulog", nagsulat ako isa sa mga luma kong notebook, ng isang journal. pwede na ngang ituring na jigsaw yung mga nakasulat eh, pag nakita mo lahat ng aking mga pinagsusulat, pwede nang malaman kung sinu ata talaga ako. anyway.
nagkaroon kami ng isang maiksing paguusap ni mama kagabi.
napagusapan namin yung estado ng buhay namin
"parang ang ganda ng taon ngayon no?"
"oo nga eh parang ayus lahat, parang magaan sa pakiramdam"
tama naman, kasi matagal na silang parang nag-su"struggle" at ngayon lang parang naging maayos yung flow ng lahat para sa kanila. maraming salamat dahil nagkaganoon. maraming salamat o diyos dahil nakita ko na ganun magulang ko, they all deserve that.
pero hindi dun talaga yung kwento, ang kwento eh umikot sa time table ng buhay. sa pananaw ni mama, may time table ang lahat. tama naman, pero parang dun sumesentro sa time table na lang yung buhay, unending goals to reach.
tama naman diba?
totoong meron dapat, pero bumanat ako kasi ng..
kung puro time table na lang ang nasa isip mo, "dapat meron na akong ganito by this time", "dapat meron na akong ganun by this time"," maglolook back ka sa mga panahong nasayang mo". genuine ba yung happiness mo sa goals mo? kung imiikot sa pagpapayaman yung buhay mo? hindi ko na matandaan kung nakasagot siya eh. pero may pahabol pa ako nun eh.
"diba dapat ding iwasan eh yung mag lolook back ka at sabihing, worth ba nung lahat ng time na yun yung ginawa mo? at sa estado mo ngayon masaya ka ba? o may mga pinalampas ka na panahon para maging masaya ka?"
(letse, parang nalungkot ako amp. hahahhahahahahahaa)
pero hindi eh.as i notice in my life, lahat talaga is interconnected eh. kung hindi ako nagshift ng architecture, i'm stuck sa bagay na walang essense sa akin. kahit na ngayon eh naiisip ko na masarap nga sa engineering dahil mas malamang sila na nagsosolve ng problems kesa sa sandamakmak na projects. mas masaya pa din dito, ewan ko. parang mas hiyang ako dito sa architecture. mas may magagawa ako dito kesa sa ibang course. pinagpala din ako, sa mga magulang, sa kapatid, sa girlfriend, sa pagkakataon. lahat.
sa tingin ko, hindi ito dapat sayangin.. maraming salamat sa lahat, maiksi lang ang buhay pero oks na oks ito.
Saturday, September 3, 2011
whut ifs
Wednesday, August 31, 2011
gising
2:30 na ng umaga, isang malamig at maulang umaga. makalat na mesa, isang basong kape, at projects na nakatiwang-wang sa kung saan saan.
ang unang plano eh para magreview at gumawa ng plate. pero mas gusto ng isip at katawan ko na pumetix. walang disiplina sa sarili.
iniisip ko nga kung tama ba yung title ng blog na ito eh. rebirth ang huwala. tama nga siguro dahil parang namatay din yung paboblog ko dati, nahinto eh. marami kasing ginagawa at puro cheezy days lang ang mababasa ng mga mambabasa... kung merong nagbabasa.
isang tanong na biglang pumasok sa isip ko. bakit nga ba ako nagboblog, anong silbe nito. hindi ito yung mga blogs na nakikita ng tao tungkol sa lugar, sa tao, sa pagkain, at sa kung ano ano pa man na iba't ibang bagay na ine-endorse nila.
talaarawan. yan ang silbe nito para sa akin. labasan ng hinanakit sa mundo, sa mga naramdaman, sa lahat. wala akong ibang source ng output para sa lahat ng mga nakimkim ko. ito lang marahil at posible na ding isama mo na ang sound trip, pagkain, pagluto, pagsayaw. ay marami pala.
2:35 na. free flow lang ng utak. mas masarap pala yung ganito. saktong sakto sa timing, umuulan, medyo malamig, tahimik. solong solo ko ang mundo. wala akong ibang naririnig kung hindi yung tunog sa bawat pagtipa ng keyboard at mga patak ng ulan sa labas ng bahay. masarap sa pakiramdam, pero merong mga bumabagabag sa likod ng utak ko ngayon.
san kaya ako papunta?
hindi mamaya, dahil papasok ako. pero, san kaya ako papunta, patungo. san ako dadalhin. san at ano ang matutunan ko dito panginoon.
wala, itong talaarawan na ito ang sanggunian ko pag nawawala ako. madalas akong mawala. hindi alam kung saan pupunta, walang direksyon tulad ng ibang tao, na pagnangarap, yun yung tinatahak nila. gusto nilang maging engineer, gusto yumaman, gusto ganito, gusto ganyan.
pag ba simple lang ang pangarap, nawawala ang tao?
simple lang kasi ang pangarap ko. ang maging masaya, tunay na masaya. walang pressure galing sa magulang, sa kapatid, sa kaibigan, sa ka-ibigan.
maihahambing ko ang buhay ko sa kung paano ako kumain. mabilis kasi akong kumain, as in. ma-bi-lis. mga 5 minuto hanggang 10 minuto lang ako kung umupo sa hapagkainan. hindi ninanamnam ang pagkain. kain na parang hinahabol. pagkain na lumipas lang. pagkain na pantawid gutom.
hindi ko lang alam ha. kung ako lang yung ganito oh meron ding ibang tao na kagaya ko. pero ayun na nga. ganun yung buhay ko ngayon. habol ng habol, mabilis ang takbo, walang direksyon, hindi naeenjoy ang buhay.
natanga ako.
tumengga yung utak ko. 21 years old na ako ngayon. masasabi ko ba na nagenjoy ako sa buhay ko? paano ba madedefine na nagenjoy ako, hmmm, ang naaalala ko lang eh kapag umiinom ako kasama nung mga kaibigan ko, kapag kasama ko girlfriend ko. minsan, pagtahimik ako. siguro nga. mageenjoy ako kung magoobserve muna ako sa paligid ko. ewan ko.
2:45 am.
tama, simula ngayon. isasaisip ko na gumising ng madaling araw. para magblog. gigising ko yung natutulog kong utak.
marami pa din akong ginagawa, marami pa ding gagawin. pero hindi masamang ilagay dito kung ano ang nasa isip ko. pakiramdam ko nga, ganun at ganun pa din naman ang nilalaman nitong talaarawan na ito. pero ok lang.
september 1, 2011. simula ngayon. ayaw ko nang maging ningas kugon. iipunin ko lahat ng mga nasa isip ko at ilalagay ko dito sa talaarawan na ito. maaaring hindi araw araw. pero dapat madalas. para hindi rin maipon sa utak ko yung mga iniisip ko. pero mailagay dito, at balang araw
mabasa mo yung laman ng utak ko sa bawat panahon na ginugugol ko dito sa pagsusulat nito.
Sunday, April 17, 2011
untitled
dear buhay,
Ikaw ang bida sa sarili mong istorya.
Sabi nila “ganun talaga ang mga bida, sa umpisa nagpapagulpi at sa huli bumabawi.”
Sa mga pelikula ganun ang nangyayari, pero sa tunay na buhay? medyo magiisip-isip ka. Sa buhay natin, nagugulpi tayo ng kalungkutan, problema, mga bangungot na ayaw tayong tantanan. Aahon ka pa lang sa isa, andyan nanaman yung second wave. Minsan nga eh tandem pa sila ng tropahan nila at duduruin at pagtatatadyakan ka nila ng malupit. Yung mga taong inaasahan mo, wala. Akala mo magisa ka lang, lugmok. Ang mukha mo ay nakahilahod sa daan, duguan, hindi ka na makatayo sa dagok na ibinigay sa iyo.
Pero hindi ka din makakatiis, magtatanong ka sa sarili mo, san ka nagkamali? naging masama ka bang nilalang para parusahan ng ganun? Marami kang tanong habang tinutulungan mo ang iyong sarili na kahit papaano eh tumihaya. Sa daming tanong na pinakawalan mo, hindi ka nga hilahod ang mukha sa dumi ng daan, gulong-gulo ka naman. Hindi na masakit ang katawan mo, dahil unti unti nang nanoot ang sakit ng mga tanong mo sa loob ng katawan at isipan mo. Dahil ngayon, mas masakit na yung mga naiisip mo at tuluyan ka nang nilalamon nito, nang sarili mong kadiliman, ng sarili mong bangungot. Isa sa mga panahon na alam mong bibigay ka na. Pitik na lang, tiklop ka na.
Naaalala mo na yung, mga taong minahal mo, minamahal mo at mahal mo. Kasi alam mo sa sarili mo na importante sila sa buhay, na mas importante pa sila sa buhay mo. Pero ngayon, kailangan mong pansinin ang sarili mo, na hindi mo napansin pero napabayaan mo na pala yung sarili mo ng hindi mo namamalayan. Hindi ka sigurado kung tama ka o mali, pero ganun kasi sila kaimportante na kahit sarili mo ay mapabayaan mo maasikaso mo lang sila, dahil alam ng puso’t isipan mo, sila lang ang kaligayahan mo. Hindi naman siguro masama na pansinin mo din ang sarili mo paminsan minsan, pero ngayon, parang pansin mo, huli na ang lahat.
Kadiliman lamang ang nakikita mo, yung lakas na kailangan mo, wala na. Magisa ka na lamang sa krusada mo. Madilim. Nakakatakot. Magulo na ang lahat. Nakapikit ang mata mo, pero sa kinahihigaan mo, ramdam mo na patuloy pa din ang ikot ng mundo, hindi siya huminto para sa iyo. Nararamdaman mo na lahat ng tao sa paligid mo’y gumagalaw at dinadaanan ka lang. Ramdam mo na ang lahat ng galaw sa paligid mo ay slow-mo.
Madilim pero susuriin mo ulit ang sarili mo, kaya mo pa ba? Para sa mga mahal mo sa buhay? Babalikan mo ang mga nagawa mo na, at magiisip ka. Sapat na ba yun sa pinapangarap mo para sa kanila. Na kahit napabayaan mo ang sarili mo para sa ibang tao ay sulit naman pala ito. Kakayanin mo pa ba? Walang katapusang tanong ng simpleng nilalang na kagaya mo.
Masakit, mahirap, pero ginawa mo. Pilit mong tinaas ang kanang kamay mo, sinubukan mo. Hindi mo sigurado kung ano ang mangyayari, pero ginawa mo pa din.
May humawak ng kamay mo, isang tao na hindi mo naman kakilala. Inakay ka niya, at pagmulat mo. Nakita mo, maraming tao, may kanya kanyang laban. Na yung gumulpi sa iyo at ang libo libong iba pa ay mayroong katapat.
“hindi mo naman kailangang mag-isa eh”
Tumingin ka sa kanya at napansin mo ang ngiti sa kanyang mata.
“Andito lang naman ako lagi eh. Masyado ka lang ata naging busy sa pagiisa mo.”
“Pasensya na kung marami akong nagawang mali, nahihiya na kasi ako, sa dami kong nagawang mali sa buhay ko, andyan ka pa din. Na napapansin lang kita kapag may kailangan ako, pero pag masaya ako wala, nakakalimot din. Pasensya na sa lahat.”
Nagtanong ka sa sarili mo, kung kaya mo pa. Ngayon kahit papaano may liwanag ka na nakita.
04/18/2011
Saturday, April 9, 2011
10
Cold hearts and Hot heads never solved anything. I heard this quotation from my sp*cial s*meone. Sure short quote really means a lot to me, maybe to us.
Sure, trying to be logical while you are hurt is a really hard thing to do and being stubbornly cold is a lot easier. Sure, that making the other person guilty about what he/she had done to you makes you feel a lot better than eating your pride and letting that go.
But maybe one should think about what is more important, the thing that that person did to you or the person himself. No one is perfect for everyone has a flaw.
I know being hurt is really hard. It makes someone standing up turn into a person face down with a flick of a hand.
Love isn’t flawless either but for sure it’s worth it.
nothing is accomplished when revenge is put in mind, it’s just creating a cycle of hate towards each other.
out.