Sunday, October 18, 2009

kandila

may sinindihan akong kandila... medyo maliit lang at konti na lang. maliit na ung wick... 

unang sindi

namatay

 parang walang pagasa

dahil sa sobrang liit nung sisindihan parang hindi na aapoy


pero sinubukan ko ulit

medyo ok dahil  kahit papaano nagkaroon ng sindi

kinakabahan ako baka mamatay

pero kahit ganon pa man. tinitignan ko

sinusubaybayan ko 

para sa sandaling mamatay ulit ay sisindihan ko

hindi ko papalitan kasi hindi pa ubos

pakonti konti. nagbigay siya ng lakas

lumalaban para lumaki ang sindi.

iniwanan ko na. pero sinusulyapan ko ulit.

may tiwala ako na kaya niya.

pag namatay ulit. andito lang ako at ang posporo para bigyan ito ng ilaw.

No comments:

Post a Comment