Sunday, May 3, 2009

serbisyo publico lamang po.

At muli, ang Panawagan ni Bob Ong:

Para po sa kaalaman ng lahat:
Para po sa kaalaman ng lahat:
Ang mga (love) quotes na umiikot sa mga text message ay hindi galing kay Bob Ong, liban na nga lang kung nabasa niyo ito mismo sa mga libro niya. Ganon din po ang isang E-mail (Love Advice) ni isinulat ni Juan Ekis at ipinapaikot ng iba na galing daw kay Bob Ong.

Pakitama o pakipasa na lang po ito sa mga kakilala niyong biktima ng maling balita. Kaakibat ng kalayaan natin sa pagggamit ng teknolohiya ay ang responsibilidad ng pagpapasa lamang ng tamang impormasyon.Magandang New Year's Resolution ito kahit hindi New Year:Bago i-forward ang text o E-mail, balikan niyo muna ang nagpadala sa inyo at siguraduhing tama ang impormasyong natanggap at hindi lasing ang nagpadala.
Salamat po. Humayo kayo at magparami.



-BO
Book 7: KAPITAN SINO
Official Release on May... May... May konting delay lang, darating din yon! =P

4 comments:

  1. original message ni idol Bob yan no? kwela e. :D

    ReplyDelete
  2. pare hindi ko alam. pero serbisyo publiko. tulungan natin siya na malinis ang kanyang pangalan. =D

    ReplyDelete
  3. totoo yan..matagal ko na ngang napapansin to.. kung ano ano pinagsasasabi ng mga nagpapakalat ng mga love quotes, eh ang mga libro nya, kadalasan para sa bayan.. ginawa naman nilang emo idol ko e.. haha

    ReplyDelete
  4. haha, aus to, hinihintay ko din lumabas ung libro na to \m/ :))

    ReplyDelete