Friday, December 21, 2007

sojourn

kahapon. december 20, saya, unang araw ng walang pasok. gumising ng tanghali at pupungas-pungas na naghilamos, nag mumog at nag almusal. tapos nun, sinulit ko muna ang unang araw ng christmas break. sundo na ako kay micmic kasi 10 am ang dismissal nila kahapon. nung papunta na ako sa skul ni micmic, may umihip sa akin na simoy ng hangin. my golly pasko na pala. kaya maaga ang uwian ni micmic eh kasi christmas break nila. pagdating ko sa skul ni mic, nagulat ako kasi may malaking regalo sa tabi niya pero sabi ko, kay micmic kaya yun? pagtawag ko sa kanya, bigla niyang kinuha ang regalong malaki. sa kanya nga. nanalo daw siya sa raffle ng skul, and the prize is a turbo broiler. tapos hindi ko alam kung bakit kami nag super trip ng kapatid ko... lakaton kami papuntang bahay. christmas na nga... kahapo ko lang narealize. pagdating pa eh, tinulungan ko sa pag balot si ate zen... pagkatapos nun. konting higa tapos, trabaho na. tumawag ngayon si tita lulu, sabi daw eh pupunta na si lola dito sa bahay. akala ko konti lang ang dala , yun pala eh halos mapuno yung kalahati ng sala namin. ayus, isang balik bayan pero nanggaling lang sa antipolo. so, naglagay na ako ng wax, floor wax to be exact..... yung nasa lata ng pintura... meron nun, at kulay red pa! pampaganda ng sahig namin na panget. baka kasi may pag asa pa eh. tapos nun. dumating nga si lola, medyo nainis ako sa dami ng kanyang "bagahe" pero masaya din kasi tagal ko nang gustong puntaan si lola sa antipolo pero hindi naman magawa. walang time at short sa budget. so ayun. isa pang dumating kahapon ay si ate jeni (hindi ko sure yung spelling...), sumama siya sa amin sa pagsimbang gabi. nag paturo rin si micmic sa akin na mag chess... she's got talent, now, it depends on her attitude. talagang maganda naman ang araw ko for these reasons... sana ganun lang lagi.

ngayon naman, it's friday, maganda ang sikat ng araw at sulit dahil, scheduled laro namin ng basketball ng team kaplogs. grabe ang tagal ng hintayan sa may simbahan. ang dating planong pagpunta kila lex, nadivert na lang sa oz quadrangle. laro mode kasama si urot, lex, james, ako, keso, teddy, melwin, herwin... laro to the max kami at enjoy kahit na maraming casualties. saya naman at sabi daw eh baka maulit daw yun, next year na. nakakapagod nga ngayong araw eh, tapos nun, nagluto pa ako, nasermonan dahil sa sinaing nanaman. minsan nakakasawa, pero ayus din naman kasi ang pangit naman kapag walang thrill. yan ang na realize ko ngayon, habang nagtatype ng blog. na ang buhay, maeron talagang mga nangyayari out of hand, yan ang nagbibigay ng thrill sa buhay, ang problema. pag wala ka kasing problema, balang araw masasawa ka rin sa buhay mo at ikaw ang gagawa ng sariling mong problema. it's a challenge, not suffering, eventhough there are times na sobrang hirap ng buhay at susuko ka na, then something comes along to help you, to remind na you are the most brilliant living creature that had been made by god. life is just life but then; always you have a choice, a chance to be what you want to be. nasa iyo lang talaga if you will grab that opportunity. if you will settle for some, or if you will live you're life a little bit less ordinary...

im creating this log book, just like some bank, it's an investment that in some day i will earn from it. im doing this as a ritual, maybe to release some burdens and furthermore, to record events that in due time will be forgotten, i like to take pictures but sadly i don't have camera so it's the only way i can share what i see today, maybe in not such an ordinary eye. to, also share what i realize about life. that in some way it can connect to others.

tama na ang drama, maghuhugas pa ako ng pinggan kaya tama na muna ito... bukas nman.

....

No comments:

Post a Comment