Wednesday, December 19, 2007

possibilities... a picture perfect fitting



gumising nanaman ng isang araw na masaya. pumasok ako ng maaga kahit na walang vincentian studies at philippine literature. tapos next subject ay integral calculus... sa pag kakaalam ng lahat ng mga kaclase ko, may pasok pa bukas at mag ququiz pa. nababadtrip nga kami kasi akala ko na hindi naging bata si mam at wala rin siyang balak mag pasko. ina-nounce niya kanina na walang pasok bukas, merry christmas na daw. ang masiste niyan, bwenas ang aming first quiz sa kanya, unang meeting namin sa 2008.. walan joe... japunks talaga si mam.. pero at least. hindi na siya bitter at naramdaman na rin niya sa wakas na magpapasko na. tapos break namin. kain tapos laro kami ng nfs-most wanted... ayus din naman. tapos, physics lab na, parang tinamad na rin si mam dahil pasko na ... pinatritripan namin si marian kanina. hehehe, lakas tama namin kanina, siya lang kasi ang kaisa-isang babae sa group six sa physics lab kaya ganun... initiation para maging one of the boys na... pinagexperiment niya kami ng sandali tapos uwian na!!! ang saya naman nitong araw na ito... sana ganito na lang lagi at no worries. bago kami umuwi, punta muna kami sa sm at naghanap si lex ng tshirt... nagkahiwahiwalay na at niyaya ako ni lex para mag laro sa quantum... intial d kaso i lost count dun sa standing namin. pero sa huling laban namin talo ako... i admit defeat! maganda ang laban exciting... sa susunod...!

pauwi na kami, sumakay ng bus... dun na ako nagumpisang mabadtrip! tagal ng bus... trapik kasi sa daan! ginagawa ko na ang lahat para maaliw ako... walang epektib...kaya tinulugan ko na lang ang aking pagkainip... pag kagising ko, hindi ko alam kung ano ba ang dumapo sa akin para maalala ko ang philippine history class ko... nagkaroon kasi ako ng 0 (zero) na grade sa lecheng klaseng iyon eh. ang prof namin dun ay si mam padrilanan (pasensya na kung may ibang ms. padrilanan na makakabasa nito... kung hindi po kayo nag turo sa adamson at biglang umalis sa university... hindi po kayo iyon..) na walang ginawa kung hindi mag pareport... wala naman siyang ginawa doon kung hindi umabsent ng umabsent... binigyan niya ako ng zero grade sa subject niya... tinanong ko ng maayos kung bakiut nagkaganoon ang aking record. hindi naman ako nagkulang sa kanya... sabi niya aayusin daw niya... tapos bigla na lang na hindi siya pumasok... ayun... kaya hanggang ngayon nagdudusa ako sa kanyang ginawa. siya ang may kasalanan nito, hindi naman ako nagkulang sa kanyang subject, pero ano ginawa niya sa akin... sa tingin ko, hindi naman ako nararapat na makakuha ng ganoong paghihirap lalo na galing sa kanya. wala manlang pasubali basta umalis at nagiwan sa akin ng isang malaking bangungot na hindi maalis. hindi ko nga alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kapag nakita ko ulit siya sa kung saan. medyo naiinis na rin ako kasi ang tagal tagal ko ng inaayos ang problemang ito sa social sciences department pero sa hindi ko alam na rason eh hindi parin naaayos dito... matagal na akong naghihintay at nagpapasensya... summer pa last year, inaayos ko na yan at hanggang ngayon, mag susummer nanaman, baka hindi pa ayus ito... ang ikinakakaba ko lang ay baka ma terminate ang kasong ito at ipaulit sa akin... HINDI KO UULITIN YANG SUBJECT NA YAN!!! BANGUNGOT ANG NARANASAN KO DYAN!..

well. kinausap ko si inay about this and tanggap ko ang sasabihin niya... ang aming argumento ay naglead sa mas malaki pa. well, we set yung mga possible solutions for our problems... as of now, it is alpha tested.

papasok ba bukas o hindi... yan ang tanong ngayon. bahala na pag may papasok bukas... sama ako...

all problems has a solution, nasa iyo nalang yun kung i-mamaterialize mo yung solutions mo or you will let your problems as always problems and run away from them...

lahat nakasalalay sa iyo at walang relation ang destiny dyan or some sort...

it's all in you...

depende kung paano mo titirahin ng head shot ang problema,.,

5 comments:

  1. sinong prof mo sa phil lit?! Hehehe, yun lang.. Aral ka buti, kid! :)

    ReplyDelete
  2. si dr. santos. hehehe... cge ate.. tnx!

    ReplyDelete
  3. awww... ano huntingin n natin ung prof mo na yon... hahaha!:)

    ReplyDelete
  4. pag nagkita ko yun sa kung saan... baka ako pa yumari dun... bigyan ko yun ng isang malupit na zero sa palibot ng mata... joke lang... medy masama loob ko pero past is past.. the problem is... ako yung nagsusuffer hindi siya

    ReplyDelete
  5. pero deads talaga sa akin yun/// bwahahaha!!!

    ReplyDelete