Sunday, December 23, 2007

art of compromising

ngayong, araw ay first sunday ni lola sa bahay after a long time. separate ang pagsimba ngayon dahil last week, kasama si mic at si mama. today, hindi kaya dahil nag christmas party si mama kagabi. kabado nga kami kagabi dito sa bahay dahil biglang dumugo ang ilong ni micmic, ang asar pa duon ay wala si mama sa bahay kaya hindi namin alam ang gagawin. so yun lang (parang walang sense ah, talagang nagkwento lang). so ngayon, as usual simbang gabi kami ni ate zen. ang pinagkaiba lang ay kasama namin si ate riza which is kapitbahay namin. nagising ako ng 4:30, nagmadali na nga kami sa pagbihis para umabot. masaya naman kasi umabot kami before mag reading.

pag katapos namin mag simba, namalengke kami dito malapit sa amin (walking distance). sa pamamalengke, nakita ko si dr. santos ang prof ng phil. literature, namamalengke din kasama ang kanyan butihing asawa. angtagal mamili ni mama, parang gusto niya hahawakan muna lahat ng gusto niyang bilihin, pipindutin, at ookrayin kapag minsan. ganyan siya mag exagerate ng ' worth of money '. naisip ko lang na nakakabadtrip yun sa part ng nagbebenta, parang binabastos yung binibili mo. kahit na sinasabi nilang the customer is always right, meron din namang karaatang ang nagbebenta at ang kanyang binebenta na respetuhin. all needs respect. medyo madami rin ang napamili namin so mabigat dalhin pauwi. pagdating, ako nag luto ng almusal. sinangag, itlog, luncheon meat, ulam kagabi. yan ang menu kaninang umaga. ehdi kumain kami lahat. kung tutuusin, ayus ang lahat. para sa akin. natulog ako ng tanghali dahil sa simbang madaling araw. paggising ko umalis sila mama, lola at micmic para magsimba. naasara ako nung nalaman ko na kinontrata ni mama ang erpats ni miko (kapitbahay namin). ang sabi ko, bakit naman yun pa? pahabol ni ate zen eh, hindi ba alam ni mama na hindi sila pagbabayarin nun... grabe! on my side, nakakahiya yun kasi binulabog pa nila ang tatay ni miko para lang makapagsimba sila. pahabol pa ni ate zen na nagsesenti pa si lola nung palabas ng bahay. na mahina na daw siya at marami pang iba na nakakainis. dumating sila galing sa simbahan. at un nga ang nangyari. hindi nga sila pinagbayad. isang sampal!... magluluto na ako ng magyaya si mama na pumunta sa puregold walking distance parin sa amin. mag grogrocery daw. ... grocery...grocery..grocery. ayun! pagkatapos. pumipili siya ng dvd player. matagal na niyang sinasabi na bibili siya. pero wala namang nangyari as always. all things na sinabi niya, bihira mangyari mga 1 out of 20 ang natutupad.! yan ang ayaw ko sa pagpaplano lalo na sa art ko dahil kapag ako nagplano eh laging nabubulilyaso. i signifies na talagang totoo ang saying na somethings are better not said.

2 things that people, in my world, have.

first is ' the point of letting go'... ito ang nakakaasar na ugali. si lola, hindi niya matanggap na mahina na siya. this is one of the argument na inumpisahan ko nung papunta kami sa puregold. in my point, all has end, no one can erase it. kailangan lang nag gawin mo ang to the extent na makakaya mo pero hindi yung makakaperwisyo ka ng ibang tao. ang akin, buti sana kung may sasakyan kami na sarili, pwede naming maisama si lola sa pagsisimba. eh kaso ang masama dyan eh wala kaming sariling sasakyan at tignan mo pa yung perwisyo na nagawa sa erpats ni miko. sa akin, kahit ako na lang ang magbaba ng tv (isa lang kasi ang tv namin sa bahay, nasa taas pa iyon. hindi makaakyat si lola ... so... gets mo na yun...) every sunday para makapanood si lola ng mass on tv, it also the purpose of the mass in the tv. the intention of mama is good. the problem is that she is taking granted all the other thing around her. she's compromising the sake of others. it's good pero nawawala sa isip niya na nakakaperwisyo si mama ng ibang tao. to lola naman, she is 90 years old. im proud of it, malakas siya nung medyo bata pa siya pero ngayon. kailangan niyang magising sa katotohanan na mahina na siya. all things has an end. even strength.

next is the art of promising things. si mama, laging plano. i understand pero ang akin lang eh wag siyang magsasalita ng hindi siya sigurado. maraming beses na niyang ginagawa ang mga bagay na ito. i admit na at times eh ganito ako pero but not as much as mama. pagnangako yan. malabong mangyari at ang masaklap nun eh laging nangyayari... manhid lang siya masyado kaya hindi niya alam na nakakadagdag sa frustrations ko.

masaklap mang isipin pero ganito sa bahay, people are compromising others, all they want is for themselves only.

 hanggang buntong hininga na lang ako... i can manage. i think. nagpapasalamt parin ako dahil kahit ganito. i can stand the heat. maybe. kayang kong makipag sabayan sa abot ng akin makakaya. pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko gagawin ito.

all i can wish for is for the better. that i may step back from the edge, take a deep breath. that everything will be good.

someday.

3 comments:

  1. woah... may mga tao talagang mapilit, di natin maiiwasan, epal pa kung kamag-anak mo pa. siguro, alam niyang kaya pa niya at ayaw niyang maging pabigat kaya ganun ang ginagawa niya. pero ang bottom line: makulit ang mga matatanda..

    haha!! tama yang nangangako, bulilyaso naman parati!! ganyan din ako.. hahay.. naalala ko na naman yung 10,000 na dumulas sa kamay ko dahil sa pesteng kamag-anak na yan.. bastusan eh no? kaya ayoko nang pinababahala sa kamag-anak ko mga plano ko eh... paepal lang sila, feeling magaling.. sinusubukan nila akong i-own dahil nga naman up student ako... nyahaha!! sorry dito nako naglabas ng galit.

    tama na nga to.. alam mo, inuman na lang tayo!! kahit tig-2 bote lang! tutal P40.00 lang naman yun sa department store! Hahaha!

    ReplyDelete
  2. hahaha... toma to the max ba?.. tanggap ko na yun.. balang araw. mag iiba din sila.. balang araw pa nga lang.

    ReplyDelete
  3. kuya!!! nakakatawa yung part nung nakay micmic....seryoso ka ba?????? kuya, accept what people have???? (di ko alam kung ano yung ibigsabihin pero read between the lines) ganun talaga si lola don't change it mapilit siya.....and tanungin mo si micmic king pwede siya pumunta dito sa bahay kahit kailan basta tawagan mo kami when please!!!!!!!!!

    ReplyDelete