Showing posts with label exiled. Show all posts
Showing posts with label exiled. Show all posts

Saturday, November 20, 2010

11-21-2010; 10:15

sabi nila, ako'y isang normal na tao. 

perohindinilaalamnamaynagtatagongkabaliwansautakko.

seryoso. may dual personality ako, lalo na ata pag tumahimik ako. pasimpleng naghihimagsik yung utak ko. hindi nila alam, siguro may konting nakakaalam pero hindi lahat. pasimpleng umaalis yung utak ko sa katawan ko at naglalakbay sa kung saan saan. siguro nga isa akong timang. 

minsan ok lang

pero madalas, nakakawindang, nakakaasar.

puro isip, wala namang nagagawa, walang napapatunayan.

Monday, November 15, 2010

bumili ako ng pandesal... habang naglalakad ako pauwi.

bumili ako ng pandesal... habang naglalakad ako pauwi.

damn, nowadays, i admit it, i am being lazy as shit, bummed as never been before. i am accomplishing nothing, and just shitting around. 

kailangan ko nang magbago. 

yesterday, i auditioned in the university chorale, nervous as hell, cause i know that they are good and i think i'm not worth of joining them, i am being invited by my classmates to join the chorale since they are members of it. until now, i am not sure if i really want this. 

music had been my love ever since, i like to listen to it, i love to sing with it, i love to play instruments. it's like, cooking and drawing and living and people. i love it. i love them. it's just that since our love stories started, that frigging self confidence crushes through, in a negative way. i'm not confident in every part of myself, that's why i tend to screw up and just monkey around, pretending that this is a joke, escaping it. even though i know that deep inside, i want this very badly.

parang torpe na nagbigay ng bulaklak ng valentines day. nagsabi ng happy valentines sa crush niyang babae habang nangangatog. malapit nang maihi at masuka sa kaba. namumutla, pagkasabi.... run like hell.

yeh, so, i audition and while singing, because i'm nervous like hell. i squawked. ako po ay pumiyok, sa una kong piece, ako ay pumiyok. hahahahahahaha.  

siyempre, maraming tumawa, binawi ko na lang dun sa susunod na piece, nga pala, yung unang piece eh heaven knows. the second one is ako'y sa iyo at ikay akin lamang. na deliver ko naman yung second piece ng matino. ata. then, vocalization medyo ok naman, walang sabit. until dun sa mataas na. tapos hearing practice, the conductor will press some keys then using the voice, susundan mo yung pinindot niya. sabit din ako dun... in short. shit again men! sabit nanaman. then sabi, wait na lang ng text message kung makakapasok ako. then umupo na ako. 

dalawa kaming nag audition, first time sa chorale, the second one is emily, a colleague of mine, kapwa archi. everything went smoothly for her. yung timbre ng boses niya is talagang mala sitti. O_O . i'm happy for her, mukhang sure na siyang papasok. then, pinanood namin yung another two na mag o audition. damn, hindi naman sa nang shishit pero talagang nadown ako, naiingit. BAKKKIT AKO SUMABIT! hahahahaha. tapos, ayun. kala ko tapos na.

then pinasama kaming mga bago sa vocalization nila. then ngumiti sila jade at christian (parehas silang mga members na ng chorale at archi classmates ko) congrats daw, O_O weh... sabi maghintay ng text message eh. at until now naghihintay pa din ako ng text message, binigyan na din kami ng papraktisin, yung university hymn at lupang hinirang. so right now. 50-50 pa din ako, kung makakapasok.

so now, i'll be busy as hell, with designs, subjects, social life, duties for my family, chorale, self. 

i need to balance those things, seriously. i fuckin need a change in myself right now. i'm going nowhere, i need to do what i say, draw what is in my mind. i'm neglecting everything that is needed. bullshit i say to myself. you need to move, for others for that someone, for everything, but specially to myself. nothing will be accomplished when you just wish, day dream and only pray... wala pang nanalo sa lotto ng hindi tumataya.

i need to stop using facebook daily, i'm wasting time in nonsense. i will play when playtime, work in worktime, relax when needed.

my new professor in history of architecture 2 made an impression to me. i'm only in my second year. so, shit it is. 

"in college, we cannot give you everything that you need in the industry, but we will give you what we can give you, to prepare you in the industry. i don't tolerate laziness, i don't give handouts. i won't perform in this subject but you will. i will pinpoint and maybe add information to what's lacking to you. you will create your grades. if you fail to deliver, you'll fail in this subject".

and in the design subject.

"no late plates will be accepted. schedule will be imposed in this subject. pag nalate ka. sorry na lang."

these, in other students will be harsh, heartless, is a shit. but i really need this. i need to improve. i need this. I Want this. i need to equip myself for the future. i need to live my life. i will live one day at a time. 


at nakadating na ako sa bahay. mainit pa yung pandesal. 

binuksan ko yung computer para maitype ang nasa loob ko. inumpisahan ko yung blog, yung log, yung sulat para sa sarili ko. ang unang linya ay.



bumili ako ng pandesal... habang naglalakad ako pauwi.

Tuesday, November 2, 2010

recognition and friends.

basically, it's hard to weigh these to at a certain moment in our lives. recognition gives a mental boost at a certain time. it acts like a drug that stimulates you to do better, but also like drugs, it's just momentarily

so tama na muna ang english, nakakastimulate nga ng utak pero nakakastress din. hindi ako sanay at hindi nagiging spontaneous yung pagbo-blog ko.

so tulad ng sinabi ko tungkol sa recognition, blahblahblahblah, aminin mo man o hindi, masarap marecognize even sa mga maliit na bagay, binibigyan tayo nito ng ilang minuto sa tuktok ng mundo, proud tayo, astig tayo sa iba, angat tayo sa iba. 

kaibigan, friends ba. hindi tulad ng recognition, sa tingin ko, pangmatagalan to eh, ito yung magrerecognize sa iyo. actually, na aapreciate niyo yung talents ng isa't isa, natatanggap ninyo yung kahinaan ng isa't isa, suportahan, walang iwanan, maybe sa ibang aspects ng buhay magkakaiwanan pero, a friend is a friend, kahit na anong gawin mo, kung isa kang tunay na kaibigan, maiintindihan mo kung bakit niya nagawa yun. 

emo-ness aside, kaya siguro ako gumawa ng tumblr account, para sa recognition, gusto ko din naman maging sikat o kung ano man. well, yun yung second purpose ko dun, yung first, kagaya dito, magblog at pakawalan yung mga laman ng naguumapaw na utak kong ito (syempre ang yabang ko na nun kaya joke lang). dito sa multiply, dito ako nagkaroon ng mga kaibigan, si teej, si jonathan, yung mga alumni, at marami pang iba. yung mga tipong babasahin kahit kakarampot lang nung blog ko at kahit papaano may time na magreply. sa tumblr, like lang ang gagawin mo at reblog, konti dun magrereply pero karamihan wala lang. follow dito follow dun, pa follow back, at kung ano ano pa. kung magboblog ako ng pagkahaba habang blog na katulad nito dun, siguro may mga maiinis kasi hindi naman nila babasahin dito. 

followers+likes=recognition. walang definition ng self expression, pero hindi ito single out. meron pa ring ibang nageexpress ng sarili nila. sila yung mga nirerespeto. nagkakaroon ng haters pero yun talaga sila eh. sa ayaw at sa gusto mo. 

kahit siguro konti yung nagbabasa dito oks lang. sapat na sa akin yun, kahit na tumatumbling ako sa kabila, andito pa din yung sarili ko, yung part ko na konti lang yung nakakaalam at nakakaintindi. emong emo dating ko, pasensya na, yun ako ngayon eh. hindi ko feel magsalita gamit yung bibig ko ngayong araw, kamay na lang pagagalawin ko.

kung umabot ka dito, salamat sa iyo. 

Saturday, October 17, 2009

feel

a love too much suffocates

a love too less nulifies

love in no moderation destroys someone. it nullifies and yet suffocates.

a person endures this is a person that one day will become passive and don't know how to feel it

Saturday, October 10, 2009

i'm just looking around in youtube then




i stumbled with this one...

dick and rick hoyt.

the ironman challenge


A son asked his father, "Dad, will you take part in a marathon with me?" The father who despite having a heart condition, said, "Yes".

They went on to complete the marathon together. Father and son went on to join other marathons, the father always saying, "Yes" to his son's request of going through the race together.

One day, the son asked his father, 'Dad, let us join the Ironman together; to which his father said, "Yes", too.

For those who don't know, Ironman is the toughest triathlon ever. The race consists of three endurance events of a 2.4 miles (3.86 kilometers) ocean swim followed by a 112 miles (180.2 kilometers) bike ride and ending with a 26.2 miles (42.195 kilometers) marathon along the coast of the Big Island.

Father and son went on to complete the race together.

Based on the TV interview of Dick and Rick Hoyt, Dick, the father explained that Rick while still in his mother's womb, the umbilical chord was wrapped around his neck cutting off oxygen to the brain.

And when Rick was born, the doctor who was looking after Rick told Dick and his wife that Rick would never be able to walk nor talk all his life that it would be best that they put him away. But the Hoyts would not be willing to do such a thing and decided to bring him home instead and decided likewise to treat him just like anyone normal kid. So that when the family went for a swim, Rick went with them and so on and so forth.

It was one day while wathing TV (if my memory serves me right) that Rick saw a benefit marathon for a paralityc child and he wanted to be a part of the benefit marathon. And that started both father and son with their races even while Dick had a heart condition and Rick himself was not well all the time. In fact there were two years where they were not able to join the races because Dick had a heart attack and the other year was that (if I remember it correctly now, Rick was the one who had a problem.

And also based on an article that I read about them, both had so far completed 212 triathlons, 4 15-hour Inronmans. And that it was two years back from today, when Dick had his heart attack, and his doctor said, had it not been his good physical condition on account of the races, he would have died 15 years ago.

Both then via the races have served one another in a loving and wonderful way.

Dick humbly said in the interview when he was called a hero by the interviewer, "I just simply love my family".

And indeed, he loved them even as he loved Rick that much that he committed himself to do the tough physical demands of the races and the triathlons, the Ironman that his son may have the chance to enjoy the races and be a part of life. And in a return show of love and appreciation, Rick says this of his father, "Dad is my hero."

And to end my inputs on the father and son, I'd like to end what Rick says that he likes most...(Rick types using a special machine), he says, "The thing I most like is my dad sit in the chair and I push him once."

Monday, October 5, 2009

sasakyan...




leche.. nakakangawit... hindi talaga ako sanay gumuhit ng sasakyan... X_X

Sunday, October 4, 2009

compose blog entry

kailangan ko nang tumulog.

kaso andito nanaman ako... sa harap ng computer... bukas yung tv, balita yung palabas... naririnig ko yung huni ng aircon sa kapitbahay namin. tulog na yung mga kasama ko dito... ako? ito gising at tuloy tuloy na tinitipa ang keyboard... nag aassess... sinu nga ba talaga ako...

potah... hindi ko gusto tong pakiramdam na ito... maraming laman ng utak... konti ang lumalabas... 

dito? 

dito lang talaga ako tunay... lumalabas yung kulo na matagal nang nasa akin. hindi yung pabalat na masiyahin, matibay at hindi papatibag... 

mahina kaya ako... hindi lang halata. 

ano ginagawa mo sa buhay?

ito gumuguhet, nagcocomputer, bahay, skul, gawaing bahay, pagiging kuya, pagiging anak. guhet ulit. isip, txt? bihirang magreply, nasasayang nga ang unli sa akin eh. wala akong social life, pinako na ako ng magulang ko dito sa loob ng bahay

eh bkit hindi ka makalabas? san ako lalabas? san ako pupunta? papayagan ka ba? 

eh masaya ka naman ata eh...

maraming bagay ang madaling i fake... ngiti. tawa. saya. emotion. salita... lahat akala mo seryoso, akala mo may alam. pero sa huli wala kang alam. 

pinatay ko na yung tv. sawa na ako sa ingay.... ngayon pindot na lamang ng keyboard ang naririnig ko... tahimik... nakakabingi... 

hindi normal sa taong, papel, lapis, computer at mga kanta ang buhay... 

naniniwala ka ba sa diyos?

oo naman.. hindi ko ikakaila yan... pero wala akong pakialam kung ano man ang aking relihiyon... naniniwala ako... merong isang dakila na nandyan lang... gumagabay... history ng diyos o ng relihiyon? wala din akong pakialam... basta alam ko meron... ang gusto ko lamang malaman dun eh kung ano yung mga paniniwalaan ko... magulo

ngayon... pumasok sa isip na dork ako... talunan... isang weirdo... bkit? 

nagsasalita ako ng walang kausap.... madaldal kahit na walang sumasagot at hindi sigurado kung may papansin... 

pagibig? isang salita na hindi ko alam. pagibig sa pamilya. meron ata ako niyan kaakibat ng respeto. pagibig sa mga babae... hindi ko alam... wala akong alam. pero sigurado akong naghahanap ako ng kalinga... yakap? oks na ako dun... sulit na sulit.... 

hindi ko makuhang magbiro ngayon... hindi ko alam kung bakit... 

minsan iniisip ko din na paano kung mamatay kaya ako... may pupunta ba sa libing? pwedeng wala... pwedeng meron... 

eh paano kung mamatay yung mga kapamilya ko? 

yan ang hindi ko kakayanin.... hindi ko maisip ang mangyayari sa akin... kaya mas ok na kahit ako na lang ang mawala... wag lang ung isa sa mga kinakapitan ko

kaibigan... marami ako niyan... pero ilan lang ang may alam ng kakayanan ko... ilan lang ang nakakaalam ng kulo ko... ilang lang yung hindi nagiging oportunista sa mga kahinaan ko... 

minsan iniisip ko din yung mga kaklase ko nung highschool... sa mga litrato kong nakikita... parang ang saya saya nila... ako? napagiwanan ng panahon... ako yung mahina eh... minsan iniisip ko.... baka nagkulang ako sa talento... kinapos... malas... hindi ako naging maswerte sa bahagi ng buhay ko ngayon...

ano ba ang gusto mong gawin?

marami... gusto kong gumuhit ng muka ng tao... nang babae... dahil kahit sa anime lang hirap akong gumuhit ng babae... gusto kong makagawa ng mural.... gusto kong magluto... gusto kong magkaroong ng buhay... kahit konti... 

puro gusto mo naman... ang selfish mo naman pala...

hindi naman...hindi naman siguro masamang maging selfish paminsan minsan... 

kahit minsan lang

ayan... uminat ka muna... 

magaling ka ba? 

hindi... trying hard lang ako nu... hindi ako magaling gumuhet... hindi ako magaling kumanta... hindi ako magaling magsulat... 

hindi ko alam... parang lahat ng sa mundo... lumilipas. dinadaanan lang ako...kahit na anong sigaw ko... walang pumapansin... walang may pakialam

pagiging masaya? 

isang malaking katanungan... ito ba yung midlife crisis? 

magulo eh... 

hindi madali... nakakatorete... nakakayamot... 

yung cafe world mo! yung mga niluluto mo dun...

wala... mamaya na yun... tatapusin ko muna ito...

oo nga pala... gusto ko din gumawa ng music video. o kaya ng short film... kaso kapos sa materyales... laging kapos... bitin lahat... may kulang...

paminsan minsan gusto ko din kumuha ng mga litrato... mga bagay... tao... o kung ano pa man...

sinungaling ka ba? minsan kung kinakailangan pero madalas... lahat ng sinasabi ko totoo... seryoso akong tao...hindi lang halata... 

ano pa ba?

wala na muna siguro ngayon... medyo ok na ako..

pero kulang pa din eh... XD


Friday, October 2, 2009

this is what happens




kapag may kailangang gawin pero wala sa mood... nakakaasay... sumabay pa yung tantrums ng pagkaemo ko... T.T

Tuesday, September 29, 2009

Monday, September 28, 2009

when dragonflies fly near the tree

so andito nanaman ako sa harap ng computer. type type type... mainit ang ulo dahil sa napanood ko sa tv...

yung vice mayor na nakatira sa decastro village (lalaki at medyo may edad pero kaya pa eh) nakisakay pa sa rubberboat na nilaan para sa mga bata at babae at may sakit... yung tubig kayang lakarin ng lalaki...

ang kapal ng muka mo parekoy... ung mga kagaya mo ang hindi nirerespeto. baka nasapak ko na yun eh.


nanggaling ako kanina sa puregold agora. balak ko dapat humiram ng vcd sa video city... pinapahiram ako ni mama... wala akong choice kahit na wala ako sa mood manood... magchecheck din dapat ako ng balance sa malapit na bdo atm.

maraming naglalakad, maraming may dalang supot, busy medyo magulo. hindi normal

lakad pa... maraming nakapila sa atm ng ibang bangko... hmmm handa na akong pumila. kaso pagdating ko sa may atm, walang pila.... sarado, may problema daw sa koneksyon so inaadvice nila na pumunta sa broadway... malapit lang kaya hindi ako pumunta... baka abutan ako ng gabi... so tuloy lang sa video city... 

lakad lakad, kalat... oi may kalat pa... aw... meron pa ulit... yung mga kalat na yun ay mga tumpok ng basura. yung agora wet market na located sa ilalim ng puregold. sarado pa din. puno pa ata ng tubig, ang masaklap may mga bangkay daw sa ilalim nun. ngayn ko lang nakita yung bakas ng baha... mataas pala talaga. kung nandun ka sa baha... lulubog ka. yung wet market nasa plaza na... konti lang ang tinda. marami ang bumibili. trapik... iba ang pakiramdam ng kapaligiran... may tension... 

merong mga  fire truck na humihigop ng tubig sa lubog na palengke... nakita ko yung isang branch ng lbc... naglilinis. maraming sinasakay sa truck pero hindi mga idedeliver. mga basura... lakad lakad..dmating ako sa video city... oi bukas. kaso nakalagay close tinignan ko yung loob. nakakalat lahat ng mga vcd, dvd... sayang...

lakad lakad pauwi... nakauwi na ako 

hindi maganda yung mga nakita ko... mga bakas na iniwan ni ondoy.. sa amin hindi gaanong kita ang bakas pero sa ibang lugar.... posibleng 40 times ang hagupit. 

contemplate....

isip

bukas ng computer, nakita ko ung mga updates sa face book. 

mas malala... masakit man sabihin parang walangpakialam

ano na nangyari sa atin...

may pasok ba bukas?

yes walang pasok bukas...

movie marathon.

bilhin niyo ako sa friends for sale

tranformed their ugly duckling into a beautiful swan in FarmVille!

at ilan pang status tungkol sa pagibig


ano na... mga teenagers, masaklap man sabihin, dito din sa bahay ganun... 

may sarili nga tayong mga buhay... hanggang dun na lang?

may mga tutubi na lumilipad sa daan. nakita ko yung nung pauwi ako... so yung ibang hindi naapektuhan... patay malisya? 

sa mga hindi naapektuhan... hindi niyo talaga alam yung sitwasyon. hindi mo naranasan.ikaw kaya ang maglakad sa baha.. ikaw kaya ang mastranded sa bubong at kahit anong sigaw mo walang dumadating na tulong. hindi mo alam yung pakiramdam na basa ka buong araw...

kung ikaw ang maipit sa sitwasyon nila? at ang ibang tao ang sabihan ka sa muka mo na wala kaming pakialam... ano gagawin mo? ang saya no?

Saturday, September 26, 2009

september 26,2009

it was a simple day. unforgettable

6:46 "ay shet late na ako!"

i remembered it perfectly, 

pagmulat ko, dali dali kong inabot yung cellphone sa sidetable... linsyak ang lamig... masarap matulog. buong gabi palang umuulan kaya masarap matulog kasi last night 7 pm tulog na ako...AYUN! malupet.nagmamadali kong inabot yung  towel ko. takbo pababa ng hagdan para mligo. nakita ko si papa na naglalaba... ligo na ako kahit malamig. yun buti nakasurvive sa paliligo ng malamig. paglabas ko ng cr. tingin sa orasan. yes! 6:52... nagdalidali na akong mag ayos ng gamit at sumibat sa bahay... 

buti nlng yung nasakyan kong bus hindi marunong umapak ng break... palibhasa walang trapik dahil walang sasakyan sa daan. ayun... naka dating ako ng skul ng 7:16... nakita ko si classmate sa 7 eleven sa may skul... naghahantay kay rachel (isang classmate din sa aming art app) YUN around 7:20 dumating din at kami ay pumunta na sa cs gate ng adamson... kami ay naghintay sa mga tao para pumunta sa venue... kasama yung isang class ni sr. so masaya kahit na walang almusal... sumakay nga pala kami ng bus na papuntang pandacan sa harap ng sm manila. jumojoke tym pa nga kami eh... pag baba namin sa may church ata ng pandacan... ayeh! naglakad kami papuntang.... ahhh... hindi ko alam yun lugar eh... para sunduin yung parang mag aasist sa amin sa venue... tapos un... malakas na yung ulan eh... saya saya... naglakad ulit kami papunta sa binabaan namin... in short were back from where we started.... tapos sumakay kami ng jeep... 2 jeep yung sinakyan namin... comedy nga eh... puno at dalawa kaming sumabit... pag dating ko sa venue basa na yung damit ko kasi malakas yung ulan...XD tumengga pa kami sa venue pagdating namin. kwentuhan, chitchat...you get the point. after sometime. nagumpisa na kami sa aming dapat gawin... ang paggawa ng mural. may naglinis, mag nagdrowing, may nagsagawa ng art class sa baba ng venue kasama ang mga tsikiting... yung isa nga naming kaclase eh nadulas pa sa hagdanan... pero in the end kahit na masakit ang balakang naging ok naman... so thats good.

drawing drawing... tapos nag check ako ng cell... sabi cancelled ung praktis para sa g.a. pati g.a. cancelled kasi daw malakas ang ulan.... it was around 11... so dapat paalis na ako sa venue nun eh... tinuloy ko na lang sabi ko pa nga eh... sr. dito na ako buong araw...marami magagawa...but...

around 11:30... sabi ng prof namin.... stop na lahat kasi daw gagawing evacuation site yung ginagawan namin... so lahat na ng kalat niligpit namin... hindi ko napansin yung oras... oo nga pala kaninang umaga pa yung ulan.... pero naenjoy ko kasi yung paggawa and it's for charity...eh di yun.. lumakad na kami... yung mga may pera nag taxi... yung iba kasama namin... wala kaming masakyan paalis sa venue... wala akong hint sa mga pangyayari at tuloy pa din ang pag jojoke... since na matagal na kaming nakatengga.... nag decide na lang kami na lakarin hanggang taft... yan na.... WHOAPAK! baha pala... kung susumahin mga 15 kaming naglalakad... masaya kahit baha at umuulan... 6 kaming lalaki kasama yung prof... tapos rest girls na.... shempre kami ginaguide namin yung mga kasama naming gurls... lahat ng streets na daanan namin pata na yung height ng baha.... maraming tumitili.... ako jumojoke pa din at kahit na mukang wasted lahat... tawa lang...tumiklop yung payong namin palabas... tawa ulit...  marami naman kami eh... yung isa namin natumba sa baha... lahat basa pati prof... tulungan..walang iwanan at may kumuha pa ng footage habang naglalakd... solid! ... durogista pero oks lang kinausap ko nga yung isang manong may dalang mga tabo eh

"kua kamusta naman ang baha at ulan"

ito ang lakas basa na nga ako eh kanina pa

kami nga kuya may payong nga, hindi naman ramdam... XD


naghiwahiwalay kami sa sa quirino station. the class, si manong na may bitbit na tabo at ako... i made friends... but then i am alone again. naglakad papuntang adamson... tubig kahit san ako tumingin.... tuhod high ang baha... nang...

nakita ko ulit si maeko (other class ng art app na kasama namin) maglalakad din pala siya papuntang dorm sa nakpil.... lakad, yes may kausap na din... ganun pa din jumojoke at natatawa naman kahit na parehas basa... dumating kami sa kanila... at nagpahinga na muna around 2 pm na yun... maraming ngyari... sandaling panahon... 

kumain kami ng lunch... recharge ako ng lakas walang almusal eh... chit chat... si ate ay isang ba... kwento kwento... mataas ang baha eh. malamig na ako... nagbihis ako ng tshirt sa cr... basa pa din ang shorts ko... sauce! ayun natpos na kami at naglakad papuntang dorm nya.. tetengga pa sana ako kaso baka lumalim pa...need to move on.... may dumaan na bus...

linsyak hindi nagpasakay! magbabayad naman ako eh... ayaw leche

so lakad lakad sa taft. padre faura. un... malapit na ako sa adamson... habang naglalakad ako
may nakita nanaman ako na naglalakad... nakisabay at nakipagusap... ok lang pero hindi siya gaanong friendly kaya nag gm nlng ako kahit baha... 

tumechnic ako eh... sa gitna na ng daan ako naglakad... sa may island... kasi.... ahhh... yun iwas na sa mga bukas na manhole at malayo sa poste. mahirap na....

may mga lumulutang na dahon, sanga, condom at kung ano ano pa. madumi yung tubig. ok lang... hindi ako nandidiri... basura ng tao... basura ko... nakalutang. pgh... lubog. mukang lawa.... pwu... hindi ko kita pero lubog din... hmmmm.. nu pa ba? pcu ata... lubog din.... oi! nakita ko na yung un station... yeh! ginanahan ako ng malupit... malapit na ulit sa stop over... lakad lakad... oooopsss. montik ng madapa... muntik lang... lakad lakad lakad... WALKWAY! yun o.... lakad lakad... ay linsyak

baha ang sv pati sa may simbahan hanggang tuhod. ayus... cge lang... nampucha... lakad lakad... oy hangin... lakad pa... yun! umabot na din sa st...

ate pwede pa cr.... estudyante naman ako dito eh.... ah, cge pero sandali lang ah.... naglakad na ako palayo ng sinabi

id mo nga pala... pinakita ko ... 

cge cge...

sumi-ar ako (kailangan ba na kasama ito?) bumalik ng st gate... nakita ko ung ka vibes ko na guard...

kuya bukas ba yun cs gate? 

oo naman

pwede lumabas dun?

shempre

ayun pumunta ako ng cs... oppps... paglagpas ng falcon bridge...shet yung estero de balete... hindi na estero... ilog na... waw nag evolve eh... dumeretso ako ng jp... baka may pag asa eh... ayun nakita ko yung s.a. ng soc sci... nagaalangan na lumusong....

klasmet. ano tutuloy ka ba?

oo naman.

ahhh ok (smiles)

lumusong na din ako.... masaklap... hanggang bewang... pupunta ako sa btmt (beneath the mango tree) ang official na studio ng banda... kakilala ko kasi yung nandun... umaasa na makakasilong... aun! sarado pati yung boarding haus nila... waw... balik ako sa adu... walang pag asa eh... so ayun... tumengga na ako sa cs gate... ayeh! 

STRANDED yan ang gm ko.... kasi yun naman talaga ako eh... hindi malakas yung loob para sumagupa kasi pagod ako kakalakad sa baha... pahinga... si kuya guard na ka vibes ko... tinulungan ako magsampay ng basang tshirt at pantalon (nabasa yung pantalon ko sa bag... basa din yun shorts ko kaya handa na talaga akong matulog sa skul) tawag sa bahay... txt konti... may stranded din sa skul niya... si udre... kilala nung iba yun pero hindi pwede ibunyag baka magalit... so ayun... nandun sa cs gate yun s.a. ng archi, 3 guard... mga dumadaan na tao... basa... yung iba magsusundo ng highschool na anak niya.. sa labas, mga tumirik na trak, tumirik na jeep, tumirik na sasakyan... lahat  tumirik na, buti na lang walang tumirik na mata ng tao... awts...

naghintay ako... tanggap ko na na starnded nga ako... 

4:15. shet nilalamig ako... basa lahat ng gamit ko... basa damit ko... malamig ang paa ko.... yung mga guards ok lang friendly... yung sumasagot ng telepono... ng adamson...nagpabili ng tinapay. nagsasaing na sa rice cooker kasi hindi daw sila uuwi. may isang classmate... emo... hindi nagsasalita... dismayado sa panahon,,, ako... nagisip isip na... uuwi ba o hindi... tanggap na stranded pero para sa akin ba ito? nag cr ulit ako (again? kailangan ba talagang isama ito?) ngayon sa cs building... walang tao... nakita ko yung muka ng isang lugar na tahimik na madalas maingay, magulo at busy. malinis, tahimik. takbo papuntang cr sa third floor... dahil sa part na yun... ayb decide...

uuwi ako...

kahit na handa ako na matulog sa cs kasama ang mga guards at ung dismayadong klasmet... -_-... siguro kakayanin naman na umuwi... 

ewan ko, may certain feeling na pinapauwi ako... kaya ko daw eh... ~_~ 

dali dali na akong bumaba... sinabi ko kay ate... 

"pack up na ako... ahhhmmm... pupunta po ako sa dorm ng classmate ko"

palusot ng gustong lumusot... aba suportive sila... go daw... kung sa tingin kong kaya pag hindi... balik nlng daw ako... suntok sa buwan kasi shure na pag bumalik ako... basa. pero tuloy lang... si classmate dismayado... kinausap ko na

oi klasmet.. san ka ba?

ahhh ako, sa may tip lang...

aw, malapit lang pala so ano? ako sisibat na

sabay na din ako, kanina ko pa pipaplano kaso. alanganin eh... wala akong payong...

ako basta ako kahit basa uuwi ako, hindi kaya dito. basa na ako... lalamigin lalo ako. kaya imbis na mag paabot ako ng gabi... batsi na ako, kasi hindi ako sigurado na bababa tong baha bukas eh.

sabay na ako... magshoshorts n din ako

ayun! si klasmet dismayado ang kasama ko sumagupa sa second part ng adventure. hindi lang talaga siguro makapal ang muka tulad ko kaya hindi nag sasalita... umalis kami ng adamson... baha sa san marcelino. hanggang bewang... pero tuloy lang ang lusob... wag makakamali na sumuko. kasi kapag kahit konti na pag aalinlangan baka kung ano mangyari sa amin sa gitna ng dagat. as usual sa gitna ng daan ang tinatahak namin sa parehas na rason. si lester zaragoza ata yung name (klassmet emo) ece student... so kwinentuhan ko siya at inencourage sa course niya

magshift ka na... 

joke lang. shinare ko ang mga totoong experience ko sa kurso at sinabihan na kailangan niyang yakapin ang pagsosolve. hindi madali at hindi biro ang tatahakin mo. kailangan buo ang loob at desidido. nakalampas na ng matinding baha parang pupulikatin pero tuloy lang... lakad lakad. kwento kwento... hindi ako nainip, hindi humina ang loob... kaya yan... susulong talaga sa baha... andyan na... nakadating na siya sa paroroonan niya... lumingon kami eh... ako? 1/4 ng pakikibaka... lakad lakad... stranded stranded... baha, ilog, sapa at ocean... lahat bodies of water. cge lang... walang aayaw. think positive... kahit na nag iisa, walang kasama... isa lang ang nasa isip. pota... kahit na anong mangyari... titibagin ko to kahit malapit nang dumilim... kaya yan...

sa may mendiola... yes malapit na akong lrt... nagpapasakay kaya sila ng basa? lakad lakad... ang daming naglalakad... naramdaman ko na lang na... bumibigay na yung sira kong sapatos. shet... parang going merry... sabi niya sa akin kaya ko pa... lakad lang... tangna... solid talaga. may dumaan na truck ng softdrinks... marami nakasabit... tinanong ko yung isang nakasabit... 

manong pwede pang sumabit? 

oo lika, sabit na... 

yun kumapit ako sa isang rod sa may likod...shet hindi makaakyat... bigat na ng bag ko eh... may payong pa... talon talon... tangna hindi kaya... buti nlng inabot ako ni manong... tinulungan ako... yes umandar yung truck, tapos huminto... gumitna, may sumabit ulit at naapakan yung paa nung isang ale

aray ko paa yan

ay sori po

yung isa gumatong... akala daw luya... linsyak comedy eh

umandar na ulit yung service. umabot sa legarda... legarda na ako! yes (kahit na konti lang yung inandar ng truck... yung truck papuntang bustillos. sabi ko kay manong na kapwa ko nakasabit at tumulong sa akin

kuya dito nlng ako... lrt ako... salamat po

ngiti lang si manong...

tumalon ako sa truck (splash)... nakikita ko na yung lrt.. walang ilaw, shet baka hindi nagpapasakay o walang kuryente... pero tuloy pa din... nandun na ako eh... maraming sasakay... chineck un bag ko... aba... parang makakasakay ako ah.... pag akayat... tinanong ko yung kasabay ko... nagpapasakay po ba sila ng basa (kahit na basa ang marami... nabobo na ata ako dahil sa tubig baha) 

oo nagpapasakay sila ng basa. 

may byahe po kaya?

oo hindi naman brownout eh

yes makakasakay na talaga...pag akyat ako ng station, pinadiretso na kami ni manong guard ng station

"wala na pong ticket, diretso na po kayo. sa station kung saan po kayo baba, dun po kayo magbayad"

diretso sa taas. hintay ng tren. maraming tao... pagdating ng tren... siksikan... hindi na ako makasiksik... pero kumumpas ung guard na pumasok ako sa tren. nag give way ang mga tao... nakasakay ako, tnx god... makakauwi na ako... masaya... crap.. ibang pakiramdam...pero nung nakita ko yung dadaanan ko... halos maiyak ako... daming stranded. dumaan ng nagtahan, baha at may mga truck na ng militar. pureza, baha. stranded lahat ng sasakyan sa flyover at walang makadaan na tao... malamin... lagpas bewang... altura... baha... maraming stranded.. waist high ang baha... sta. mesa... nakakaiyak at kalunos lunos... walang makadaan kahit truck... baha at muka nang ocean... hanggang leeg ang baha. yung iba nasa second floor na... sm centerpoint maraming stranded... sa uerm, baha. lubog yung mga sasakyan... wala akong makitang tao. yung ilog malapit dun... umapaw na ata. dahil yung mga bahay sa gilid eh talagang wala ng makitang first floor... 

parang day after tomorrow ang eksena... nakakaiyak, nakakapangilabot...

station ko na... ok lang na mastranded ako... atleast malapit na sa bahay... pero nakita ko. walang baha... mataas pala talaga ang part namin... maiiyak na talaga ako kasi ang swerte... makakauwi ako at maiboblog ko ang nangyari sa akin... complete day was a gift... an experience... 

excited akong makauwi, maiyak iyak nagpapasalamat sa diyos. dumating ako sa bahay. madilim. sakto lang. umabot... salamat po talaga lord... hindi ako nagsasalita tungkol sa diyos sa madla... ngayon lang. 

basa lahat, shorts, jacket, pantalon, bag ko...buhay pa yung cellphone, yung soundtrip ko. buhay pa ako... yung iba. naglakad sa maduming lugar. hindi biro ang pinagdaanan ko at hindi biro ang dinadanasan ng mga nasa marikina... marami nawalan ng buhay... marami nasiraan ng sasakyan.. maraming natataranta. maraming malungkot...ang dami kong naging kakilala... pwedeng kaibigan... kung sa mga taong nagpapatakbo ng lahat parang isang skirmish game lang ito... subukan ninyo lumusong sa baha... try lang... 

salamat po sa lahat parekoy... may mga namatay... may baboy na naligtas sa bingit ng kamatayan... si ondoy? bagyo yan... ano ba ang mangyayari sa atin pag katapos nitong pangyayari na tila ay wala sa iba pero sa iba ay masaklap na pangyayari...

maraming stranded. maraming nawalan ng bahay... maraming na stranded sa lrt stations...sira ang mga sasakyan... 

ako... wala akong magawa... wala akong pera, walang kagamitan... 

dasal lang ang kaya kong gawin...

dasal...

september 26,2009 date ngayon... <sigh>


Monday, August 17, 2009

hingang malalim

tae naman. paano ka sisipagin na gumawa ng mas maayos kung sa effort na binibigay mo ngayon eh hindi ka mabigyan ng kahit konting respeto. 

manhid lang eh. 

tapos mag rereklamo pa?! eh bakit yung_______ , __ lang yung grade?! waw. bangis talaga... 

nakakawala talaga ng gana... 

ngayon na momroblema ako kung saan huhugot ng lakas...

leche....

panira ng momentum, kahit kailan!


Wednesday, July 1, 2009

it's been a while ~ staind

medyo matagal na nga akong nagblog. just finding something. everyone, everything has it's own time. very complicated kasi maraming pasikot-sikot at marami talagang daanan. mahihilo ka dahil sa mga pwedeng mangyari. 

i remember those days, when all seemed to be so easy. when the world's weight was just a line heavier than that of a feather. but as time passes. wrong roads seem to be those that one chooses. again time, it became so heavy that that certain one carelessly had been crushed under. it's hard. so hard that i almost popped out. no one believed. no one cared because from the start. no one is willing to understand the one that must be understood. the intention of those others are for there own good only. for there growth. in those times

"i am for eveyone, but is there anyone for me?"

all blind answers that by all means willing to forget. there are some, appeared. seemingly to help, but then, is this really true? those days are the extremes that seemed to be just a cotton, but inside, a small spec that is going to bury you alive. and when you're done in there eyes. it's over. 

there you are right now, face down, with your knees. shouting out loud, but no one is there to listen, all are just passer's by looking down on you. some only for the good times, and for some...

maybe somethings are not real. it was just a flick of a wild imagination. 

that all things are not meant to be used forever. 

it's all there. 

once i used a pencil to describe. for a reason that it has always an eraser. it's good, a creation that is wrong as it may seem can be corrected by erasing. 

it had been a nostalgic past.

those times that cannot be erased.

i am not the one to say that is already ended with a period.

now, it's a diary. that no mess can be erased. but used to be looked at. a thing of the past. 



i remember those days, when all seemed to be so easy. when the world's weight was just a line heavier than that of a feather. but as time passes. wrong roads seem to be those that one chooses. again time, it became so heavy that that certain one carelessly had been crushed under. 

there are those. still worth to fight for. those who are from the start are there. not only for the good times. thanks i say. 

it's a struggle to stand up. but then. all you can do is to move forward.

not will be erased. but to be written. 

BLG.

It's officially our turn, and my turn has only just started. TAYO MISMO!... [official motto of BLG]

Wednesday, June 24, 2009

vandal

it's too tiring and too troublesome. 
to shout at the top of your lungs
but then you've just notice that no one's listening.

it's exhausting 
to go to your daily routines
and yet no one is there to affirm

it's foolish to know in the end 
that from the start, 
that there's no one to turn to

it's devastating
that you work hard 
just to be a trash to someone's eye

it's heart breaking.
that someday you realize
you were just there for everyone
but.

the whole world collapses
in the event that you realized
you're nobody
in everyone's eye
and you can't do anything about it
because it happened already.

Sunday, June 14, 2009

meron akong kilala

pagod, init, pagod ulit tpos hindi ka pa makakauwi sa bahay. gising, trabaho, init pagod. kain trabaho. sa 3 araw at 2 gabi, pamatay na cycle para sa ilang araw na nagmimistulang walang hanggan.

konting kamusta, pero talagang sandali lang. ni hindi mo nga alam kung san natutulog o kahit saan manlang lugar naliligo. basta pagktxt tapos na.

sa kabilang banda, yung isang tungaw eh walang pakialam, hirap lang ang kanyang nararanasan. walang ni ha ni ho. basta kailangan yung akin masunod. no more no less. mali, akin pala yung more at sa iyo yung less.

sa isa pang sulok. mas magaling pag may kailangan at malayo pero pag andyan na parang wala. bili mo ako bili mo ako nyan, pero walang halo ni katiting na pagkilala.

sa may banda duon, may isa, parang tanga. andyan lang pero pilit na umaabot at umuunawa ginagawa dahil sa tingin niya ay tama, pero sa kapaligiran niya. walang bawi, walang laban.

pero kahit na ganun. natapos na ang lahat. bumalik na siya sa bahay niya, ayun. parang hangin lang. yung isa mag mamano, yung isa hindi at yung isa abala s kanyang ginagawa. hindi marunong makibagay, hindi marunong umintindi. yung isa kahit parang tuod

"mainit ba dun? tpos na ba trabaho ninyo? eh bakat kasi sa likod mo yung init eh"

nagkausap kahit sandali, kahit saglit. talagang pinilit na abutin kahit n alanganin na yung mga mata sa pagod. kukuha ng unan, at nagpapalit ng kobre sa taong may ginagawa.

"bkit? tignan mo nga ako ito ang pahinga ko may ginagawa pa din."

"oist. ako na, tama na yan"

sabat ng isang simpleng wlang karapatan, siya na sumalo para sumangkal sa paputok na pasiklab na. humito ang lahat at pagkatpos na palitan ang takip ng unan, kinuha na niya at pumunta sa kwarto na dinaanan ng buhawi.

hindi pa tapos ang paglilinis dito pero talagang ginagawan ng paraan ng taong walang karapatan. itutuloy niya ito bukas pagkat may bagong buhay siya kinabukasan nito. bago humiga ang pagod.

"ay butas yung punda? ok lang. hehehe'

"mainit, gusto mo ng electic fan?"

"ok na yan, buksan mo na lang yung pintuan"

ginawa nya ang pakiusap.

pagod, init, pagod ulit tpos hindi ka pa makakauwi sa bahay. gising, trabaho, init pagod. kain trabaho. sa 3 araw at 2 gabi, pamatay na cycle para sa ilang araw na nagmimistulang walang hanggan.

pagkauwi at tutulog na,

kahit papaano, siguro naabot.

"gud nyt"

"gud nyt din, pabayaan mo maayos ko din tong kwartong to"

Friday, May 22, 2009

mark this day.

at this moment.

this is that time that all the heat had been frosted out and being thrown away.

i wonder if it will come back?

i hope not.

Wednesday, May 13, 2009

05/14/2009

ewn ko ba kung bakit ba ako pinanganak ng tamad. haays. ito nanaman balik sa dati. naghahabol ng hiningang hindi nag papahuli. parang gago lang eh. ako ngayon eh nagdadasal na maayos na yung sigalot na meron ako sa buhay. nagsisisi sa mga kamalian na nagawa.

ang tanong eh paano mo malalaman na tama ang gagawin mo at hindi mali, na sa huli eh kahit papaano makakangiti ka at hindi nanaman malulubog. paano mo alam ang gusto mo kung sa itatakbo ng panahon eh magbabago din to. paano mo malalaman kung kulang na ang oras mo.

lecheng mga tanong to. nakakagago.

higit sa lahat


sigurado ka ba sa ginagawa mo? at kakayanin mo hanggang huli.


05/13/2009

your face it burns me once i see your dark brown eyes
that face. it sinks and creates a loop hole that in the end i will fell into.
why?

change topics. sa pagbabalik sa blog. masakit pa din yung leeg ko, stiff neck na gawa ng pagiging frontliner. ganun pala dun, iba yung pakiramdam at kumakain ng tao. kapalit lamang ng hindi pa sapat sa pamumuhay. bilib ako sa mga taong tumatagal sa ganung trabaho. isa silang mga idolo dahil kahit papaano eh nagiging panabla sila laban sa mga taong hindi nagugustuhan ang kanilang nakukuha. hindi na kakatuwa at hindi din nagbibiro.

mahirap magtrabaho lalo na s ganun. at para sa mga taong hindi marunong lumaban sa kanikanilang stress. hindi para sa amin yun. dahil kapag hindi kami umalis sa simple kalagayan na katulad nun. kakainin kami ng pakonti konti at sa huli. baka hindi na kami makaahon.

malapit na yung pagbabalik ko, excited na masaya na kinakabahan. paano kung hindi ko kayanin at maulit ang mga nakaraan. paano kung hindi nanaman kayanin. paano kung...
maraming tanong pero ngayon, pipiliin ko na sumagupa na mulat ang mata kaysa dati na pinapalampas ko lang ang lahat at parang walang pakialam sa mundo. nagising na lang ako ng ganun na pala ang sitwasyon ko. sasagupa pero sa ibang linya na. na kahit papaano eh alam ko na may ilalaban ako kahit papaano. hindi ako ang pinakamagaling. at aminado ako na wala akong alam kaya nga ako papasok eh. para magkaroon ng laman kahit konti ang utak at para masagot ang simpleng katanugan na paano? subukan muna bago tumalak

may panibago nanaman akong inaabangan. hindi na yung dati. kasi bago na. :D

once again. kahit pasulpot sulpot. signing in and at the same time. out.