pagod, init, pagod ulit tpos hindi ka pa makakauwi sa bahay. gising, trabaho, init pagod. kain trabaho. sa 3 araw at 2 gabi, pamatay na cycle para sa ilang araw na nagmimistulang walang hanggan.
konting kamusta, pero talagang sandali lang. ni hindi mo nga alam kung san natutulog o kahit saan manlang lugar naliligo. basta pagktxt tapos na.
sa kabilang banda, yung isang tungaw eh walang pakialam, hirap lang ang kanyang nararanasan. walang ni ha ni ho. basta kailangan yung akin masunod. no more no less. mali, akin pala yung more at sa iyo yung less.
sa isa pang sulok. mas magaling pag may kailangan at malayo pero pag andyan na parang wala. bili mo ako bili mo ako nyan, pero walang halo ni katiting na pagkilala.
sa may banda duon, may isa, parang tanga. andyan lang pero pilit na umaabot at umuunawa ginagawa dahil sa tingin niya ay tama, pero sa kapaligiran niya. walang bawi, walang laban.
pero kahit na ganun. natapos na ang lahat. bumalik na siya sa bahay niya, ayun. parang hangin lang. yung isa mag mamano, yung isa hindi at yung isa abala s kanyang ginagawa. hindi marunong makibagay, hindi marunong umintindi. yung isa kahit parang tuod
"mainit ba dun? tpos na ba trabaho ninyo? eh bakat kasi sa likod mo yung init eh"
nagkausap kahit sandali, kahit saglit. talagang pinilit na abutin kahit n alanganin na yung mga mata sa pagod. kukuha ng unan, at nagpapalit ng kobre sa taong may ginagawa.
"bkit? tignan mo nga ako ito ang pahinga ko may ginagawa pa din."
"oist. ako na, tama na yan"
sabat ng isang simpleng wlang karapatan, siya na sumalo para sumangkal sa paputok na pasiklab na. humito ang lahat at pagkatpos na palitan ang takip ng unan, kinuha na niya at pumunta sa kwarto na dinaanan ng buhawi.
hindi pa tapos ang paglilinis dito pero talagang ginagawan ng paraan ng taong walang karapatan. itutuloy niya ito bukas pagkat may bagong buhay siya kinabukasan nito. bago humiga ang pagod.
"ay butas yung punda? ok lang. hehehe'
"mainit, gusto mo ng electic fan?"
"ok na yan, buksan mo na lang yung pintuan"
ginawa nya ang pakiusap.
pagod, init, pagod ulit tpos hindi ka pa makakauwi sa bahay. gising, trabaho, init pagod. kain trabaho. sa 3 araw at 2 gabi, pamatay na cycle para sa ilang araw na nagmimistulang walang hanggan.
pagkauwi at tutulog na,
kahit papaano, siguro naabot.
"gud nyt"
"gud nyt din, pabayaan mo maayos ko din tong kwartong to"
koya pag nakagawa ka libro, pahingi ha.
ReplyDeleteay ung libro mo pala, wala talaga. wahaha