yung vice mayor na nakatira sa decastro village (lalaki at medyo may edad pero kaya pa eh) nakisakay pa sa rubberboat na nilaan para sa mga bata at babae at may sakit... yung tubig kayang lakarin ng lalaki...
ang kapal ng muka mo parekoy... ung mga kagaya mo ang hindi nirerespeto. baka nasapak ko na yun eh.
nanggaling ako kanina sa puregold agora. balak ko dapat humiram ng vcd sa video city... pinapahiram ako ni mama... wala akong choice kahit na wala ako sa mood manood... magchecheck din dapat ako ng balance sa malapit na bdo atm.
maraming naglalakad, maraming may dalang supot, busy medyo magulo. hindi normal
lakad pa... maraming nakapila sa atm ng ibang bangko... hmmm handa na akong pumila. kaso pagdating ko sa may atm, walang pila.... sarado, may problema daw sa koneksyon so inaadvice nila na pumunta sa broadway... malapit lang kaya hindi ako pumunta... baka abutan ako ng gabi... so tuloy lang sa video city...
lakad lakad, kalat... oi may kalat pa... aw... meron pa ulit... yung mga kalat na yun ay mga tumpok ng basura. yung agora wet market na located sa ilalim ng puregold. sarado pa din. puno pa ata ng tubig, ang masaklap may mga bangkay daw sa ilalim nun. ngayn ko lang nakita yung bakas ng baha... mataas pala talaga. kung nandun ka sa baha... lulubog ka. yung wet market nasa plaza na... konti lang ang tinda. marami ang bumibili. trapik... iba ang pakiramdam ng kapaligiran... may tension...
merong mga fire truck na humihigop ng tubig sa lubog na palengke... nakita ko yung isang branch ng lbc... naglilinis. maraming sinasakay sa truck pero hindi mga idedeliver. mga basura... lakad lakad..dmating ako sa video city... oi bukas. kaso nakalagay close tinignan ko yung loob. nakakalat lahat ng mga vcd, dvd... sayang...
lakad lakad pauwi... nakauwi na ako
hindi maganda yung mga nakita ko... mga bakas na iniwan ni ondoy.. sa amin hindi gaanong kita ang bakas pero sa ibang lugar.... posibleng 40 times ang hagupit.
contemplate....
isip
bukas ng computer, nakita ko ung mga updates sa face book.
mas malala... masakit man sabihin parang walangpakialam
ano na nangyari sa atin...
may pasok ba bukas?
yes walang pasok bukas...
movie marathon.
bilhin niyo ako sa friends for sale
tranformed their ugly duckling into a beautiful swan in FarmVille!
at ilan pang status tungkol sa pagibig
ano na... mga teenagers, masaklap man sabihin, dito din sa bahay ganun...
may sarili nga tayong mga buhay... hanggang dun na lang?
may mga tutubi na lumilipad sa daan. nakita ko yung nung pauwi ako... so yung ibang hindi naapektuhan... patay malisya?
sa mga hindi naapektuhan... hindi niyo talaga alam yung sitwasyon. hindi mo naranasan.ikaw kaya ang maglakad sa baha.. ikaw kaya ang mastranded sa bubong at kahit anong sigaw mo walang dumadating na tulong. hindi mo alam yung pakiramdam na basa ka buong araw...
kung ikaw ang maipit sa sitwasyon nila? at ang ibang tao ang sabihan ka sa muka mo na wala kaming pakialam... ano gagawin mo? ang saya no?
:(
ReplyDeletenagising naman ako.. whew
ReplyDeletepare masakit man pero totoo. miski ako naasar eh.. wala akong magawa sa facebook kung hindi magrepost lang ng mga numbers at magdasal... sana mas malakas ako,... sana may pera ako...
ReplyDeletenaaasar nga rin ako sa mga "sarap naman walang pasok" na post sa facebook eh
ReplyDeletemiski ako... sana may matauhan dito sa blog na ito... sana hindi selfish yung ibang mga estudyante... kahit san nag aaral... wala akong tinutumbok...
ReplyDeletesalamat sa pagdalaw kababayan
Kahapon din(Monday), yung mga nadaanan kong lugar e puro basura yung tapat ng bahay.. mga gamit na nasira.. mga carpet.. etc. meron pa nga isang bangketa punong puno ng basura.. halos napuno na yung dump truck na kumukuha dun sa mga basura e.. Pero mas kalunos lunos pa rin yung sinapit ng mga taga-Marikina, pasig at rizal.. :|
ReplyDeleteNakapagdonate na ko pero konti lang.. ngunit masarap yung feeling..
mabuti yun... walang marami o konti. walang mahal o mura... importante...nagdonate... may ginawa
ReplyDeletehindi katulad ng iba na sinasabi sa sa akin
"pre bilhin mo naman ako sa ffs"
X_X
GALING naman nito :) post mo rin sa fb.. para marami matamaan.. everyone just needs a snap for them to realize what they're doing.
ReplyDeleteh*** guacamole.. kwantalameeeellaaa..
ReplyDeletenapost ko na yung link...
ReplyDeleteh*** macaroni...
ReplyDeleteifudonteatulldie nirepost na namin nga pala ito sa fb
ReplyDeletei'm actually partially hurt. but i totally understand where you're coming from. condemn them, yes! condemn me, yes!
ReplyDeletebut tell me? just tell me, have you done anything than just experience it?
i'm intruding. spare me.
n.n
ooh! i forgot, i love the blog.
ReplyDeleteahmmm... ok lang yung pag intrude... no worries
ReplyDeleteanyway... nag volunteer kami ng mga kaibigan ko para mag repack at pumunta sa mismong site... hindi gaano kalaki pero i'm proud to say... hindi kami manhid... may nagawa kami... XD
check out na lang po yung ibang blog... merong posted dun tungkol sa mumunti naming nagawa...
toodles!
thanks for the appreciation
ReplyDeletehmmm, i thought you'd say, "i wrote this blog." kasi if i were you, that's what i'd say.
ReplyDeletenga pala, i published in our broadsheet, account numbers of organizations accept donations from kind donors.
n.n
pero hindi pa ako kuntento, gusto ko rin nga talagang mag-volunteer e.
ReplyDeletepero, hindi ko ginawa kaya shit talaga ako.