kaso andito nanaman ako... sa harap ng computer... bukas yung tv, balita yung palabas... naririnig ko yung huni ng aircon sa kapitbahay namin. tulog na yung mga kasama ko dito... ako? ito gising at tuloy tuloy na tinitipa ang keyboard... nag aassess... sinu nga ba talaga ako...
potah... hindi ko gusto tong pakiramdam na ito... maraming laman ng utak... konti ang lumalabas...
dito?
dito lang talaga ako tunay... lumalabas yung kulo na matagal nang nasa akin. hindi yung pabalat na masiyahin, matibay at hindi papatibag...
mahina kaya ako... hindi lang halata.
ano ginagawa mo sa buhay?
ito gumuguhet, nagcocomputer, bahay, skul, gawaing bahay, pagiging kuya, pagiging anak. guhet ulit. isip, txt? bihirang magreply, nasasayang nga ang unli sa akin eh. wala akong social life, pinako na ako ng magulang ko dito sa loob ng bahay
eh bkit hindi ka makalabas? san ako lalabas? san ako pupunta? papayagan ka ba?
eh masaya ka naman ata eh...
maraming bagay ang madaling i fake... ngiti. tawa. saya. emotion. salita... lahat akala mo seryoso, akala mo may alam. pero sa huli wala kang alam.
pinatay ko na yung tv. sawa na ako sa ingay.... ngayon pindot na lamang ng keyboard ang naririnig ko... tahimik... nakakabingi...
hindi normal sa taong, papel, lapis, computer at mga kanta ang buhay...
naniniwala ka ba sa diyos?
oo naman.. hindi ko ikakaila yan... pero wala akong pakialam kung ano man ang aking relihiyon... naniniwala ako... merong isang dakila na nandyan lang... gumagabay... history ng diyos o ng relihiyon? wala din akong pakialam... basta alam ko meron... ang gusto ko lamang malaman dun eh kung ano yung mga paniniwalaan ko... magulo
ngayon... pumasok sa isip na dork ako... talunan... isang weirdo... bkit?
nagsasalita ako ng walang kausap.... madaldal kahit na walang sumasagot at hindi sigurado kung may papansin...
pagibig? isang salita na hindi ko alam. pagibig sa pamilya. meron ata ako niyan kaakibat ng respeto. pagibig sa mga babae... hindi ko alam... wala akong alam. pero sigurado akong naghahanap ako ng kalinga... yakap? oks na ako dun... sulit na sulit....
hindi ko makuhang magbiro ngayon... hindi ko alam kung bakit...
minsan iniisip ko din na paano kung mamatay kaya ako... may pupunta ba sa libing? pwedeng wala... pwedeng meron...
eh paano kung mamatay yung mga kapamilya ko?
yan ang hindi ko kakayanin.... hindi ko maisip ang mangyayari sa akin... kaya mas ok na kahit ako na lang ang mawala... wag lang ung isa sa mga kinakapitan ko
kaibigan... marami ako niyan... pero ilan lang ang may alam ng kakayanan ko... ilan lang ang nakakaalam ng kulo ko... ilang lang yung hindi nagiging oportunista sa mga kahinaan ko...
minsan iniisip ko din yung mga kaklase ko nung highschool... sa mga litrato kong nakikita... parang ang saya saya nila... ako? napagiwanan ng panahon... ako yung mahina eh... minsan iniisip ko.... baka nagkulang ako sa talento... kinapos... malas... hindi ako naging maswerte sa bahagi ng buhay ko ngayon...
ano ba ang gusto mong gawin?
marami... gusto kong gumuhit ng muka ng tao... nang babae... dahil kahit sa anime lang hirap akong gumuhit ng babae... gusto kong makagawa ng mural.... gusto kong magluto... gusto kong magkaroong ng buhay... kahit konti...
puro gusto mo naman... ang selfish mo naman pala...
hindi naman...hindi naman siguro masamang maging selfish paminsan minsan...
kahit minsan lang
ayan... uminat ka muna...
magaling ka ba?
hindi... trying hard lang ako nu... hindi ako magaling gumuhet... hindi ako magaling kumanta... hindi ako magaling magsulat...
hindi ko alam... parang lahat ng sa mundo... lumilipas. dinadaanan lang ako...kahit na anong sigaw ko... walang pumapansin... walang may pakialam
pagiging masaya?
isang malaking katanungan... ito ba yung midlife crisis?
magulo eh...
hindi madali... nakakatorete... nakakayamot...
yung cafe world mo! yung mga niluluto mo dun...
wala... mamaya na yun... tatapusin ko muna ito...
oo nga pala... gusto ko din gumawa ng music video. o kaya ng short film... kaso kapos sa materyales... laging kapos... bitin lahat... may kulang...
paminsan minsan gusto ko din kumuha ng mga litrato... mga bagay... tao... o kung ano pa man...
sinungaling ka ba? minsan kung kinakailangan pero madalas... lahat ng sinasabi ko totoo... seryoso akong tao...hindi lang halata...
ano pa ba?
wala na muna siguro ngayon... medyo ok na ako..
pero kulang pa din eh... XD
:| naiisip ko din minsan yung iba mong naisip. haha, ang labo ko. lol
ReplyDeletewag kang mag alala... malinaw dating ng signal dito... XD
ReplyDeleteito may dagdag pa!...
ReplyDeleteemo... yan ang isang nakakayamot na salita na binabato ng tao... pagkatapos pukulin yang salitang yan sa iyo? anong gagawin nila? wala naman diba... isang pangasar galing sa mapanglait na tao...
ginagawang katatawanan... pero sa totoo lang... pandagdag lugmok sa taong pinatutunguhan...
walang silang pakialam...
parang wala lang.
dito na lang ako mag dadagdag.... tinatamad na akong mag edit eh
ReplyDeleteayyy sayang.. naunahan pa... hahaha! jokes.
ReplyDeleteDéjà vu.. @_@
ReplyDeletesige... bitawan mu yung salitang emo... T.T... kahit papaano may alam ako sa kalibre ng utak mo... XD
ReplyDeleteayan si Rocha. :D
ReplyDeletehaha. oi kala ko matutulog ka na?!
ReplyDeleteat kala ko ba gagawa na ako nung huling chapter?! XD
ahahaha...
ReplyDeletetotoo to. sobra. :| *teary-eyed* hahahaha
ReplyDeletetakte... hndi ako makatulog... hindi din ako makagawa ng plate... patay ako bukas... seryoso
ReplyDeletetotoo naman eh... madaling gawing totoo ang fake sa mata ng ibang tao... namaster ko na ata eh.. pero minsan sinubukan ko maging seryoso.. hindi nila alam gagawin nila eh...
ReplyDeleteoo nga.. sa totoo lang din, di ko na nga alam kung anong klaseng tao ba ako? kung isang taong masayahin at gustong makitang masya ang mga tao sa paligid ko, o isang taong sobrang sobrang lungkot sa loob? :( siguro both?haha..
ReplyDeleteako rin e.. kumakapit din ako sa pamilya ko..kahit na mejo loose thread na rin siya.hahaha
ReplyDeletehmmmm.... ok lang kahit loose thread...
ReplyDeleteako? hindi ako close sa nanay ko... sa tatay ko hindi din... wala akong close sa kanila...
kaya siguro parang sasabog ako.. congested lahat sa akin... walang lumalabas... walang paraan... ito lang...
bullcrap! ang negative ko grabe... lahat ata namagnet ko ngayon... sulit na sulit... hindi ako makaahon... powta
ReplyDeleteT__T Buti nga merong mga ganito e. At least nalalaman mong hindi ka nag-iisa... at may mga taong katulad mo rin.
ReplyDeleteay, ayoko nang dumagdag sa negativity na nararamdaman mo. dapat positive pala mga comments ko.haha
ReplyDeletemeron pa din namang mga positibo sa buhay mo.. wag mo ring kalimutan yun. hehe.
+1
ReplyDeletegawin mo na kasi.. may oras pa. wag na matulog..
ReplyDeleteang lumalamang kasi sa isip mo, puro negative ehh..
ReplyDeleteun lang nabubuhay ka, napakalaking POSITIVE na non oh..
kumpleto kamay, daliri, malinaw mata, nakakalakad, etc., masigla, walang sakit, energetic, healthy, mataba.. ay sorry haha
walang problema yun... i can management pa naman... hindi pa ako naglalaslas.. XD
ReplyDeletepekyow... XD minsan din kasi kahit nasa isip ko na yan... hinahatak pa din ako ng negativity.
ReplyDeletekaya walang use yung eports... ung landingan ng eplens
laban! cory. cory. ninoy. ninoy.
ReplyDeleteako rin di pa naglalaslas.. takot ako e. hahaha.
ReplyDeletegudnyt! lol.
hmmm, i want to comment. but there's really a f*cking long list of comments ahead of me.
ReplyDeletei don't even know you, Christsake!
if i write something like this, it would really be like this. ha!
XD... ok lang... tnx 4 reading...
ReplyDeletewalang anuman!
ReplyDelete