Sunday, October 4, 2009

september 26,2009 (late ang post...)

ang likod ng pinto.. 


It was a gray morning and they all wondered how they would fare.

isang linya sa kantang the general na kinanta ni bamboo... 

09-29-09. kami kami ay nagorganize kung saan kami pwedeng makatulong sa mga nasalanta ni 

ondoy. sa abs-cbn, ayn ang proposal ko. tinawagan ko yung sagip kapamilya. iniiiskedyul kami 

ng linggo ng umaga... malabo so hindi ako um-oo. usap usap sa conference. at napagdiskitahan 

ng grupo, tayo at lumarga bukas sa adamson!

yun marami pang nagulit ng oras na 8 am kita kits sa skul. 

dumating si inay nang gabi. pagod... sumegwey ako...

ma pwede bang sumama bukas? mag....

mamaya na... pagod ako

ayun barado... kaya bumwelo ulit at umahon muna sa kahihiyan. nung medyo ok na.... nag 

paalam na ako. nung una ayaw pa eh... pero pumayag na din kasi gusto din niyang tumulong sa 

mga nasalanta ni ondoy. sabi ko kahit isang supot lang ng damit ok na... so nag prepare siya 

ng isang bag natapos siya ng 11 pm... ok na... lalarga na ako bukas.... oo nga pala nag 

skedule ng jogging mamayang madaling araw....

ang kaso mo... 

nag stretching na ako... handa na akong tumakbo eh... kaso mo 5:30 am... paglabas ko ng 

bahay... balik ulit sa loob. 

ma, wag na nating ituloy, naambon baka magkasakit pa kayo hindi kayo sanay na maambunan 

eh... 

so aun...bumili na lang kami ni mic mic ng pandesal para sa almusal. 

6:30 am hmmmm... prepare na ako sa pag alis eh... ayaw ko din malate..7:15 umalis na ako ng 

bahay... excited... pers taym ko tumulong... gusto ko sana sa maaksyong lugar... kasi idol 

ko ang pawer reyngers sa pagiging maaksyon.... so ayun... dumeretso muna ako sa loob ng 

skul. naghahanap kung saan ilalagay yung dala kong isang supot ng damit. so nakita ko si 

shuvaker (palayaw na binigay ng iba kong ka batch) si alvin na vp ng student government pati 

yung prof namin sa logic na nagaayus. 

pinaiwan sa akin yung mga damit sa office ng prof namin... tapos tumuloy na ako sa meeting 

place. sa gilid ng simbahan.

. .. dumating ako sa meeting place. 7:59... hanepan kasi yung bus na nasakyan ko... hindi 

marunong umapak ng break, palibhasa walang trapik... wala ding sasakyan sa daan. 

hintay hintay... 

ayus  si mark jemil cable... poging pogi ang arrive at himala hindi gaanong late... so 

aun... kwento kwento... usap usap... nagkwento ako ng aking amporgetable experience kay 

ondoy.. ung mga panahon na naginom kami ni ondoy... siya sagot sa drinks... 7:30... hanep 

yung mga kausap namin leyt... ayaw pa naman namin ni fafa jemil. lols.. so hintay hintay pa 

ng konti... tapos may dumating na hindi namin inaasahan... si tsup.... dumating,,, hindi 

kasama sa confe... may dalang isang supot ng de lata.... ang malupit, napansin ko eh may 

resibo pa yung binili niya... XD so pinatanggal ko... medyo nakakahiya kung makikita pa ng 

mga bibigyan yung resibo... tapos dumating si leoben. un batsi na kami papunta sa venue...

ang daming taong tumambad sa amin... ahhmmmm.. hindi pa ata lalagpas ng 25.3... so aun... 

hintay hintay... kwento kwento... kahit papaano nadadagdagan... sila paul, melwin, arwin, 

mariu... basta dumadagdag kahit papaano... tapos. nag attendance kami para sa mga nagdala ng 

goods... 

kung hindi maaksyon dito... sa st. paul na lang tayo sabi ni cable

oo nga... kailangang kailangan nila ng manpower dun... para sa pag rerePACK.

oo nga pards... pwede din sa st. scho

tama... basta sa all girls... kailangan nila talaga ng manpower para sa pagrerePACK

tama... maganda dun... pwedeng isahan. dalawahan... pila pa sila

walang hidden agenda sa panchichicks... purong kawang gawa lang at may halong 500mg ng 

kalokohan... wala kaming magawa eh... hindi pa nag uumpisa ang maaksyong pagrerepack... maya 

maya... pinatawag na para sa briefing ng gagawin ng mga gustong magvolunteer... mga 

naghahanap ng aksyon.... kami yun... ang maaaksyong bata (patok na patok sa araw na yun yung 

word na maaksyon eh... hindi ko alam kung impluwensya ng power rangers)

sa opening words ni mam ragos, hindi ko alam kung anong posisyon niya sa skul... pero admin 

siya, sabi. nangangailangan siya ng tulong para mag assess ng mga casualties ng skul... 20 

students daw... si alvin yung pinaghanap ng tao since na vp siya... kami ang 

napagdiskitahan... ok lang sa amin pero sana, gusto namin yung maaksyon na sa labas ng 

skul.... maputik, madumi yung tipong pagkatapos namin dun... wasted kaming lahat....

pero tinanggap na din namin kahit na medyo alanganin... ok lang... pang warm up... so 

ayun... dinala kami sa office... briefing para sa gagawin naming class c mission... si mam 

ragos eh ok naman... kahit na medyo pang family size siya... ok lang... maayos kausap. may 

paninindigan ang mga bawat salita... lahat ng mga kasama ko ece... ako former... at 

currently... archi.. at ang lokong si mga kaibigan ko... ginatungan pa... simple lang ang 

pinagawa sa amin.. buddy buddy , pupunta sa mga assigned na buildings at specific 

departments para magbigay ng form, na fifill-upan naman ng mga nandun sa dept...pag walang 

tao...ilagay "out" tapos iiwan yung form... at pagbalik kay mam. siya na daw bahala 

sumentensya (sound effects:thunder crashes)... natapos kami eh around 11:26:32 am (barbero 

amp) sa briefing at pinag meryenda muna kami bago madispatch... ang ka buddy ko si fafa 

jems... hindi namin ramdam yung pinagawa maswerte kami kasi sa 2nd floor kami... parang 

walang nangyari... ang nasalanta talaga eh ung nasa 1st floor... dun natoka sila jemil... 

kami natapos kami kaagad at binalik na namin kay mam ragos.tapos tambay...

kanina nag attendance kami... may libre palang lunch yun... ayus... hindi talaga kami 

gagastos ng kahit ano... nag uumpisa na din ang pagrerepack... marami na din ang mga tao... 

lahat excited... natoka kami sa bigas.... tawag nga sa amin eh bigas boys... may taga salok 

ng bigas. taga bukas ng supot na lalagyan ng bigas... at may taga buhol ng supot na may 

laman nang bigas... ako yung taga buhol... XD simple lang yun trabaho pero mabilis ang 

phasing ng bigas boys... kaya kahit papaano medyo nakakangawit din... ang kaso mo... mga 

isa't kalahating sako ng bigas lang ang nandun... konti lang yung trabaho namin... bitin.... 

ito na ba yung aksyong hinahanap namin? parang bitin... 

ayun nabitin nga kami... wala nang dumating na bigas. picture picture muna ako.. tapos 

tingin sa ibang mga classmet na maganda... XD... tapos kain na kami ng lunch... dinadasal na 

namin na sana masama kami sa field.... 

pagkatapos namin kumain... tumambay ulit kami... medyo napagod din... hakot ng mga goods.... 

ikot ikot... kaya pahinga muna kami... tapos

mga chong! sulat kayo dito... yung mga gustong mag field

yun o. maaksyon! yahoo... tara na at mag signup.

kaso... kami yung naghahanap ng aksyon. kami yung maaga... medyo huli pa kami 

nakapagsulat... hmmm... ayb gat a bad piling abawt dis... pero tinawagan ko na din sila inay 

just in case na matuloy kami. XD pumayag naman so tuloy kami sa adbenchur. kaso... tambay 

muna. tapos sabi maya maya ni alvin na yung mga sumama daw punta na sa carpark... ayun... 

natae kami ni jemil... kasi magrerefill pa kami ng tubig. baon para sa pag lalakbay. ayun 

dali dali kaming tumakbo papuntang drinking fountain... tapos nag refill na kami ng tubig... 

pagbalik... 

AY linsyak... asan na sila

pare iniwan na tyo..

takbo kami papunta ng carpark... parang eksena sa amazing race... kami ang kulelat....maya 

maya... nagtatalo talo na kung san sasakay kasi gusto sana namin sama sama... hindi na 

sumama sila rico at jean... nagdate ata... so kami kami nalang... may kasamang isang muse... 

si ever ni leoben.. so ayun... dapat sa van kami... kaso may mga nauna... sawsawers... puno 

na... leche... san kami sasakay... later on. sabi ni shivaker na sa bus daw kami sasakay... 

punta na daw sa kbilang building...

lakad lakad... excited... nagmamadali pa kami ng konti lang

kaso pag dating dun... we're dissimated... leche... mga narsing istudents yung nakasakay... 

puno na... paano kami? medyo hindi na malinaw ang lahat... makakasama ba kami o hindi? 

actually umurong na ako sa likod eh... naisip ko na kung kulang ang isa sa amin... hindi na 

lamang ako sasama... isa pa... baka mas kailangan yung mga nurses dun... ok na sa akin... 

kung baga...kung hindi kami makasama ok na... solb na kasi nakatulong kami kahit sa maliit 

naming makakaya...

matagal tagal din kaming naghintay.... at nakakabwisit pa... yung ibang sawsawers nadagdagan 

pa... kung sinu ung matagal naghintay... mukang hindi pa makakasama.... grrrr... pero buti 

na lang.... andun si cacut... alam niyang maaga kami dun para pumunta sa site... binigyang 

priority kami na makasama... nasakay kami kahit na nakatayo sa bus... ok lang... atleast 

kami ay sasabak... masaya na excited na medyo pagod na din. 

nagdasal kami sa umpisa ng trip...[pause] natapos yung dasal....

nakatayo ako... actually kami... XD nakakangawit.. anxious sa makikita... ano kaya ang 

nandun.... may footprint kaya ng daynosaur... pero iniisip ko din... na sana makatulong 

kami.. kayanin kahit medyo pagod... konting stolen shots, kwento kwento... ako lang ang 

maingay sa amin. haayz... hindi ko din alam... pero maxadong tahimik... may tensyon... may 

tulog. 

nlex... yan na malapit na sa site... hindi ko na nalalaman kung nasan kami... wala lang... 

patingin tingin sa daan... jumojoke... parang wala lang... sila jemil at mario nasa may 

harap... tinitira yung nova chips nila... pinasa naman... nakaramdam ata... kaso hindi din 

ako kumuha... baka mauhaw ako eh... nung maputik na yung daan... lumipat ako sa may pintuan 

para mas makita ko ng maayos. 

crap! maputik nga ...waw,.. may tsiks na dumaan... tapos maputik ulit.. madumi ang daan... 

magulo... naglilinis ang mga tao... matatagalan pa... pero kaya.. yung mga sasakyan binaha 

din... kalunos lunos. hindi magandang pangitain... at... wala pa kami sa site.

nag stop over... may sumakay... taga site... tuloy ulit and drive.... kaso hindi sinara yung 

pintuan... parang kunduktor tuloy ako ng bus... gumatong pa si jemil na bidang bida daw 

ako... XD.... may sumigaw na ale sa labas... 

ay adamson! punta ba kayo sa site? maputik dun... sabi ni ate na may dalang kaldero

ngiti lang ako...

taga site nga sila nakita ko sila dun eh



dumami na yung mga tao. yan na ang site.... sa bungad medyo malinis pa eh... bumaba na kami ng bus at tumambay lang ng konti... tapos naglakad na papunta sa base... isang open lot... may sumisigaw na na


salamat kahit na wala pa kayong nagagawa...

anu ba naman yan... ang pupogi ninyo at pinapaaral kayo ng magulang ninyo tapos tutulong lang kayo dito sa amin.. at mapuputikan [paxenxa na hindi accurate yung memory ko eh...hindi  ko matandaan yung sinabi pero samting layk dat]

yun... excited kami at ibababa na sana namin yung mga relief goods na ni repack namin... kaso pinapabalik... mamaya pa daw yun. bago umalis... so ayun... nag briefing muna... ang gagawin namin eh pupunta sa mga bahay bahay... tapos checheck kung may mga injured at ieendorse sa aming mga nurse... tapos kamustahin yung mga nandun at nasalanta... ang balik sa base ay 6:15

so ayun na... nag aassign na ng mga lugar... buddy buddy daw para hindi magkawalaan at para mas madali mamonitor. maputik talaga at may tendency na mag super slide kaya alalay lang sa paglalakad... naaalala ko tuloy nung highschool days... larong soccer sa isang maputik na field... so tuloy... lakad lakad... maraming hindi na ata mapapakinabangang damit na nakakalat sa labas... may mga bahay na walang laman... na assign kami sa lot 18..  sila ate wilma at juliet... sa labas ng bahay nila andun yung apo ata... o anak... hindi ko madistinguish eh... pero yun... 

noong una naghesitate pa kami pumasok... pero wala akong hiya pati na yung kasama ko.. kaya pinasok na namin yung bahay...pero in a good way... hindi para tumira ng gamit... 

kita sa lagay nila yung hirap... pagkalumo sa mga pangyayari... 

una sa lahat. puro babae sila... asan yung mga asawa? ewan ko lang

pangalawa. walang tubig. kailangan pa nilang umigib sa poso na babayaran pa nila, o kaya naman mag pupunta sa improvised falls sa malapit na pader ka may factory ng tela...(yung pinaghugasan ng mga tela pero ok lang naman daw... kasi malinis)

yung kariton nila na pang igib sana ng tubig... hindi daw sila sigurado kung tinira o natangay  ng baha na may putik... pero may intuition sila na tinangay yun... TINIRA! linsyak na mga tirador yun... kahit sa mga panahon ng sakuna... hindi nakalimutan na magsalba ng gamit... ng iba..

at

pangatlo... lahat ng gamit nila nabasa sa lagpas tao na tubig baha na rumagasa kung san. 

at may alipunga pala sila dahil sa matagal na pagkababad sa putik. walang din silang pagkain dahil walang nahingi sa may skul na malapit

yung nagbigay daw ng relief goods bago sa kanila. nilampasan daw sila.kaya un tomguts na yung mga bagets (wTH? was wid da sentensing) .. naawa kami ni jemil kaya nangako kami na pipitik ng relief goods at kami mismo ang magbibigay... 

tinignan ko yung paligid... madumi pero hindi ako nandidiri dahil.. . hindi ako nandidiri... bakas pa sa loob yung linya kung saan umabot ung tubig.. basa yung bag na ginagamit nung mga bata... sa sahig, nakahiga at natutulog yung 2 bata... walang underwear... si ate wilma ata ... nanlulumo at mangiyak ngiyak habang nagkekwento... may orasan... hindi naman gumagana... yung mga plato at kaldero nakatambay sa isang lugar.... walang tubig kaya hindi maasikaso... yung likod ng pintuan... may kalendaryo ng tanduay... nakapose ung babae... in short... lahat kalunos lunos... hindi maipinta... hindi kaya... 

tinanong ni jemil kung ano ang maitutulong namin... 

sabi nila... wag na daw... kulang sa oras... at baka mabitin lang... kaya sabi nila... balik daw kami kinabukasan. kaso inexplain namin yung hirap ng pagsama.... baka hindi kayanin... pero gagawin namin ang aming magagawa... 

6 something na pala... fall back na kami papuntang site... pero nangako kami na babalik para sa pinitik na relief goods... so ayun nagmamadali na kami pumunta sa aming base... on the way nakita namin yung isang partner... sila mariu at arwen... ma nainjured sa site nila... nabubog.. mabentang mabenta yung si classmate nurse... maraming tinitignan... si mario takot sa dugo kaya hindi niya tinignan yung paglinis ng paa nung casualty... ako as usual naki chuchu... XD 

lumakad na kami sa site... para sa pag didistribute ng relief goods... handa na kaming pumitik... grrrr... nahuli kami.. linsyak! powtaragis... paano na sila wilma... abangan sa susunod na kabanata...







kinausap namin si mam eupenia... inexplain namin yung lagay ng napuntahan namin... hindi namin nakumbinsi na titirahin namin yung relief goods bilang daw yun nung block rep... kaya hindi pwedeng pitikin... nangangamoy anumalya... 

pero stay put lang daw kami. maya maya... si mam... 

pumitik ng nilagang itlog para ibigay sa amin 

para ibigay sa lot 18... ayus... nilagay namin sa bag namin yung mga itlog ni mam.. marami rami din un... kasya para hanggang bukas... 

yahoooo... nasolusyunan na yung aming mumunting problema... nagtransform na kami sa pagiging maaksyon dahil binigyan kami ng 5 minuto para makabalik... paalis na daw.. baka maiwan kami...hindi namin pinaalam sa iba dahil baka mag kainggitan.. masama na... 

takbo kami pabalik ng lot18... medyo delicated... kasi madilim at maputik... not to mention na may mga balakid pa.. pero go lang... the clock is ticking... nakadating kami lugar na pakay... humingi kami ng paumanhin dahil hindi kami nakapitik ng goods at itlog lang ang dala namin... 

pero nagpasalamat sila dahil kahit papaano bumalik kami at hindi nagpaasa... mission accomplished pero naiwan kami ng bus...


joke

umabot kami sa base at pag dating namin saka kami nag fall back sabay sabay... 

lahat ng pagod umurong. gutom? wala na... pawis at pagiging amoy shivaker namin lahat? ok lang sulit lahat ng oras... picture picture ang mga yagit... naghintay kami kung papaano babalik sa bus... medyo malayo at gabi...

siniksik kami sa van... para makapunta sa bus... ok lang... lahat everything is good... pagod kami... tiklop... pero sulit....


maswerte kami... kami yung may lakas tumulong...

hindi nasayang yung panahon na walang pasok... inilaan namin kahit konting lakas namin sa araw na iyon... hindi kami tumiklop at kinaya namin... 

solid! 

\m/

16 comments:

  1. mas detailed pa to sa blog ni jemil. haha. :) mahusay..

    ReplyDelete
  2. WTF! HAHAHA basahin ko nalang next weekend! :))

    ReplyDelete
  3. bkt iba logo sayo nung multiply.. ang taba nung tao. WAHAHAHA

    ReplyDelete
  4. alam ko si Arwin ung takot na takot sa dugo..

    ReplyDelete
  5. natapos mo... bayaan mo sa susunod... gagawin ko ang lahat para mapaiksi yung blog... medyo mahaba eh

    ReplyDelete
  6. ahahaha... parang kalbaryo kasi para matapos .XD

    ReplyDelete