it was such a bad day. i woke up na may feeling na merong mali, hindi ko lang alam pero parang meron.
nowadays, gumigising ako ng medyo tanghali na. medyo masarap kasing matulog eh. so ayun. tanghali na rin kaming kumain ng almusal at tanghalian. tipid. kasabay ang dalawang meals. grabe, ngayong araw tinatamad ako at hindi ko na gustohan ang mga ito. lumipas ang ilang oras. wala pa rin akong nagagawa, ang masiste pa niyan eh madaming kailangan gawin sa bahay. meron mind set, pero ang problema, ayaw sumunod ng katawan. gusto laging tatanga. my golly. nakakaasar. around 3 pm na ata ako nag start mag defrost. parang ang dalidali pero mahirap kasi inabot ako ng almost 6 pm sa pag gawa nito. so ayun, tinanggal ko muna sa saksakan ang ref bago ko nilinis. ang hirap mag linis kasi ang daming tinanggal. punas dito, punas doon. tapos, linis dito, linis duon. all is done. medyo sumaya na ako ng to the point na ipu-plug ko na agn ref. AMP! kaasar! yung plug sira, nag matagal na palang nagshort circuit ngayon ko lang napansin. takbo ngayon ako kay kuya labs. ang resident, carpenter, electrician, tubero at marami pang iba. humihingi ako ng tulong. ang sabi niya eh bumili daw ako ng heavy duty plug na 220 v sa hardware. ANAK NG PATO! 6 na...sarado na ang hardware. so tumkbo na ako pauwi sabay kuha ng wallet. lakad to the max ako papuntang hardware baka sakaling may maabutan pa. pag dating ko sa hardware. just as i suspected. sarado na mga repa men. i've gots no choice. ayun. takbo ulit ngayon naman ang destination eh sa puregold malapit sa amin. SA HANDY MAN... ayun bukas.! sa wakas. pero kailangan kong bilisan kasi ang deadline eh bago dumating si inay sa bahay. so hanap naman kaagad ako ng plug. dalawa ang nirecommend sa akin. kinuha ko na lang parehas just in case na hindi pumwede yung isa. pag punch nung isa, ayus. pag dating ndun sa pangalawang plug. ayun. HEAVY! walanjoe. bagong product daw so kailangan ko daw maghintay para mailagay sa database nila... HALA! nagmamadali na nga ako tapos ganun pa ang nangyari. so it's now a test of patience. kahit medyo badtrip kasi kailangan pang palitan ang plug. sige parin. hintay. after ilang minutes na tapos na ang aking paghihintay at ngayon eh nag rush na ako pauwi. tapos sabi ko kay kuya labs. na paki kabit. alam kong ikabit pero kanina pa ako na pepressure baka sumablay ang pagkakakabit ko at masira pa yung ref. so. pagkatapos. malinis na ang ref. umaandar na. success!!! weeeee. so nilabas ko muna yung halamang nasa loob ng bahay, diniligan at naglaro kami, actually nag joggle lang ako ng soccer ball na as always eh ginagawa ko.. wala lang, naeenjoy ko lang eh. so ayun.... dumating si inay, so pause muna sa paglalaro . kumain at...
nabadtrip. dahil sa paghuhugas na iyan na nung sa huli ay ako din ang gumawa... napamura ako at narinig ni inay. montik na akong sampalin. hindi ko nga alam kung bakt ako napamura. siguro sa sobrang badtrip lang kasi, kapagod hu kayang maglinis at maglakad para makaabot sa deadline tapos gagawin ko pa ang pinaka ayaw kong gawin tapos mag uutos pa si mama na buksan yung computer, tapos ang bagal pang gumalaw nung kapatid ko na parang walang naririnig. talagang montik na akong makasapak kanina sa sobrang galit ko. tinapos ko ang paghugas at lumabas ng bahay para magpalamig. oyeh!
walang tao sa labas. so nagsolitude muna ako at awa ng diyos medyo lumamig ang aking ulo.
- ikaw ang nakakaintindi, so kailangan ikaw ang magpasensya
- kung tense ka na at sobrang pressure. huminga lang ng malalim at mag dasal.
- patience is really a virtue... tried and tested yan...
- kailangan make the most out of the situation. kung paano mo gagawin ang sirang araw mo na maganda...
- you always got choices. nasa iyo kung ano ang pipiliin mo.
- time much precious than gold. pag dumaan ang oras. hindi na ito ang babalik kung hindi ikaw ang hahabol
- dahil sa kinuwento ni miko tungkol sa kanyang pagtambay sa starbucks... lalo na akong nag isip... hindi pala kasi talagang totoo. na ang starbucks eh pang mayaman... pag ako napunta dun at nakabili ng kape... tititigan ko lang at baka ilagay ko pa sa stante... gagawin souvenir...
grabeng kape yan... ang mahal... kaya kong magtimpla ng kape at naaayon sa pang lasa ko...
pasensya na kasi. nilagang kape ang iniinom ko... at sariling timpla... pasensya na pang tambay lang ang class ko... hahaha...
medyo naiirita pa ako pero i can management. kaya ko pa. i hope i can extend this patience.
the problem now is that. parang bumabalik nanaman ang anxiety complex ko. sana wag naman.
always remember.
you can do what you believe upon. kaya mo ang mga bagay-bagay kailangan lang na maniwala ka.
gots to sleep.
No comments:
Post a Comment