Thursday, December 13, 2007

a part calm... more of a rage

maganda ang gising sa umaga, hindi gaanong malamig at tama

lang ang pakiramdam para maligo sa umaga... pumasok at

kumuha ng pagsusulit sa physics 2, nakasagot naman kahit

papaano. natapos ang pagsusulit na dumudugo ang aking ilong.

pagkatapos ay calculus, ako ay kumopya ng kumopya ng mga

isinulat ng aming propesor. may naintindihan pero lamang ang

walang naintindihan. gaya ng highschool pag hindi mo

maintindihan ang itinuturo ng iyong guro, mag drowing na lang

ng mag drowing. mapupuno na nga ang cover page ng aking

notes ng drowing, iginuhit dito ang mga nasa isip, tulad na lang

ng pinoy kisses (yung tsokolate). pagtapos ay may roon kaming

break na trenta minutos. napagdisketahan namin nila lex at

arwin ang pagkain ng kwekkwek sa likod ng eskwelahan.

habang kami ay kumakain ay aking napansin ang mag ama, di

nalalayo sa aming kinakainan... hindi ko na napigilan ang

aking sarili. tanong ko kay manong na may-ari ng kwekwek

stand " matagal na po ba silang tambay dito? (kahit na alam ko

na ngayon lang sila doon dahil suki na rin ako sa mga lutuin ni

manong.)" sumagot si manong " kawawa naman yung bata no?"

tama naman si manong at noong bubunot na ako ng perang

pambili ng kanilang makakain, bununot na si lex sabay sabi "

manong bigyan niyo po ng anim na hotdog yung bata, sagot ko",

?!?!?!?! naunahan ako sa aking charity work. medyo nainis ako

pero part narin na pasasalamat kay lex dahil sa kanyang

ginawa. kahit na hindi ako nakatulong naisip ko nalang na baka

hindi pa ako handang tumulong sa iba at kailangan ko munang

tulungan ang akin sarili.

bumalik kami sa aming silid at dumating na rin ang aming

guro. logic nanaman. ayus. naudlot at na postponed ang aming

quiz kanina, gaya ng dati, masaya at nagdiwang ang lahat. nag

karoon ng kaonting debate kung totoo daw ba na ang pera ay

nakakapagpasaya sa tao. may sumagot ng oo, at marami sa

hindi. parang sa pula o sa puti. kamuntik na kaming mag away

ng aking kaklase na si keso dahil sa pangyayari na iyon. pero sa

ngayon isa lang talaga ang masasabi ko. ang pera ay hindi

makakapagpasaya sa tao kung hindi ang mga posibilidad na

mabili mo sa pamamagitan nito. maganda at masaya ang loob

mo kapag nakakatanggap ka, pero mas masaya ang pakiramdam

at magan ito kapag pinakawalan mo ang pera, at ipinamahagi

mo sa mas nangangailangan. tulad na lang ng pangyayari sa

kwek kwek stand ni manong.

 hanggang sa labas ng silid nag aaway parin kami. paglabas

namin. uwian na at nakita namin si crizel sa labas ng silid.

ayun. no comment na Lang. ( pEro ang hint Ko mayroon na hindi

maliligo ng iSang taon dahil.... )

paglabas ng eskwelahan, naghiwahiwalay na kami ng aming

mga landas. sila jemil, keso, at arwin patungo sa sakayan ng lrt

at nagmamadali ng mag palevel. kami nila lex at tina papunta sa

kabilang panig ng mundo

pag uwi. pagod sa lahat ng ginawa. pagdating sa bahay... !@#$!

walang sinaing. gutom na ako. o hindi. nahuhuramintado na

ako sa bahay. ang akala daw kasi ay hanggang hapon ako.

kakain ako ng cup noodles. !@#$! walan joe. walang mainit na

tubig. ubos. WAAAAA! nag init na lang ako ng konting tubig,

nagpalamig ng ulong busog sa inis, at nambitin ng gutom na

bulate sa tyan. ika nga ni keso. "NAG SA-SMACK DOWN NA ANG

MGA BULATE KO SA TYAN". pagkainit ng tubig na pang lagay sa

aking noodles. kumain na ako ( alangan naman na titigan ko

lang).... noodles at natirang pandesal galing sa panaderya

kaninang umaga. pag kakain ko. nagsundo na ako sa aking

nakababatang kapatid. paakyat na ako sa isang bundok ng

nakita ako ni manong drayber ng tricycle. suki na kami nun

kaya kilala na kami eh. eh di yun. hindi na ako pinaglakad at

isinabay na rin ako papuntang eskwelahan. tapos nung pauwi

na sa kanya parin kami sumakay bilang utang na loob.

pagkauwi ko ay nag bukas ako ng pc. mag boblog na muna ako.

pampatangal antok... noong panahon na ipopost ko na ay sa

KALOKOHAN NG MERALCO. NAGBROWNOUT at nawala lahat ng

iti-nype ko at KAKABWISIT! walan joe. itinulog ko na lang ang

aking inis. badtref. pag gising ko nag wawala si ate zen! ayus

badtref ako natulog, badtref parin nung gumising. ayun..,.

buti nalang at umalis sila so nagpatugtog ako ng malakas sa

bahay... tanggal ang badtref at tanggal pati tenga ko.

nandito ako ngayon nag tatayp... sana hindi mag brown out.


yes nakapagpost na rin!!!! OYEH!!!

gagawa na ako ng mga takdang aralin... ika nga eh ito ay

pampainit pa lang... nakatulog naman ako kaya magagawa ko

ang mga iyon...

ang tanging hiling na lamang ay

sana hindi ako malate sa vincentian studies

exam namin bukas!

CTR+C

CTRL+V

No comments:

Post a Comment