Tuesday, June 24, 2008
wala na sira na yata buhay ko
kahit self esteem
wala na ring gana.
tamad na akong pumasok
tamad na akong maglaro
medyo nakakasawa na rin
hindi naman talaga masaya.
wala din naman akong magawa sa ganitong buhay
nagsasabi na ako na hirap na ako
wala namang nakikinig
hindi lang alam ng iba kung gaano kahirap.
kelangan ko na yatang magpatingin sa psychiatrist
Sunday, June 22, 2008
titleless
i don't know what to do...
now i'm lost
i simply don't know what to do
hindi ako emo
bahala ka nang mag judge
iba ang sinasabi ng ibang tao sa mga kaya nilang gawin. iba din ang kaya mong gawin kaysa sa sinasabi mo.
lahat daw may kayang gawin... eh paano kung wala kang self esteem at wala kang bilib sa sarili mo dahil sa samutsaring pinagbabatao sa iyo ng mga taong nasa paligid mo?
paano kung ang pangarap mo na lang eh ang hindi gumising ng isang araw at malaman pala na may nag aalala sa iyo...
na pag nawala ka eh may iiyak...
may dadalaw at may manghihinayang.
Wednesday, June 18, 2008
unibersidad
tatawa, makikinig, may magjojoke, may mangbabara, may manghuhuli ng long hair, may mangaasar pag bagong gupit ka
magaaral, tatambay, maglalaro, kakain, iidlip sa library, tutulog sa classrum...
may matanda, may bata, may abnormal, at may mukhang ewan, may mga seryosong scholars, may seryosong prof. at marami din ang hindi sumeseryoso sa mga taong katulad nun.
may nagboboard, may bedspace, may uwian kahit sa sulu pa nakatira. at may nalalate kahit na sa tabi lang ng unibersidad.
may pumupuntang computer shop para mag research, may pumupunta dun para mag laro at may ibang merong sariling computer sa bahay at may laptop pa.
may mayaman, may mahirap pa sa daga, may magandang dinudumog ng tao at may mga panget na minsan eh naaapakan pa sa paa....
may mga groupies, may mga misfits at merong mga misfits na nasa groups...
may astig, may emo, may rakista, at may mga simple lang.
lahat dumadaan sa hirap, lahat dumadapa kapag hirap na. may mga kumakaya at may mga kakayanin. may hirap pero ngumingiti. at may ngumingiti para matakpan ang hirap... may kulang ang budget at may sobra sobra... may pinagpala dahil sa lahat ng grasya ay nasakanila at may hindi mga pinalad. may mga kumpleto araw kapag nakita crush nila at meron mga taong hindi kumpleto ang sem at magkakacancer pag hindi nakapagbagsak ng estudyante. meron din na nagiging kaibigan ng mga estudyante.may working student at meron din na tambay lang. minsan nagaaral. at minsan hindi. may malakas ang boses at meron ding saksakan ng hina. may magaling at may talunan.
lahat niyan nasa university... oo... nakikita ko eh.. malikut lang mata ko... pero mas marami pa akong nakita keysa sa entrance lang na ginagawang exit...
totoo pero medyo sinungaling din..
medyo malinaw
pero sa huli malabo pala
---- good things happen to those who wait.
Tuesday, June 17, 2008
... tutong ...
may tumama yata sa aking sakit eh. hindi ko alam kung katam o talagang pag kasira lang ng tuktok.
bata palang ako nag aaral na ako, 2 years sa pre, 6 sa elem, 4 sa highschool at ngayon sa college. nag aaral pumapasok, e.c.e ang course ko. mahilig akong magdrowing, mag-imagine at magsulat kaya hindi ko ngayon makita ang logic ng pagpasok ko sa ece? kuryente, maraming math... seryosong nagaalangan ako ngayon sa course na kinuha ko. gusto kong magshift pero hindi naman pwede kasi wala naman kaming pera. lugi ka talaga kapag mahirap ka, lalu na ngayon. kung sa langaw eh langaw ka na dumadapo lang sa tae at hindi sa pagkain sa loob ng 5 star restaurant. hirap ka dahil walang pambili ng gamit, hirap ka dahil minsan kulang pamasahe, mahirap kasi nga mahirap nga eh.
sa tingin ng tao, maayos ka, sa iba, gago ka, at sa iba wala lang talaga. kasi nabubuhay tayo sa mundo na ang sinusunod ng tao eh yung trip niya. kanya kanyang trip kung baga.
may tama, may mali. mahirap manimbang. hindi mo alam kung san ka sasama, hindi mo rin alam kung ano iniisip ng ibang tao sa iyo. mahirap minsang tumulong dahil baka sa ibang tao eh mali at ang mangurakot at magdamot ang tama. minsan bawala mag tapon sa daan, pero minsan pwede, pag walang nakakakita. eh ano ang pinagkaiba? iba ang tingin ng mahirap sa mahirap at iba din ang tingin ng mayaman sa mahirap. yung iba 2 yung tingin kasi duling.
paglumipat ka ng course pangit, minsan pag hindi ka lumipat ng course pangit parin.
umpisa palang ng 3 year. patiklop na ko, parang pumasok ako sa mundo na nung una eh kala ko kaya pero nilalamon na pala ako ng pakonti konti.
mahirap na walang inspiration. mahirap na limitado ang pera mo. pero kinakaya. hirap lang...
titiklop na ako ng pakonti konti. hindi alam ng iba pero ikaw. hindi ko din alam.
siguro nga chamba lang yung simula 1 year hanggang ngayon. parang nga nung pinanganak ako eh tsumachamba na ako.
nakakaiyak na hindi ka naman maiyak. asar ka na sa mundo pero tinatawanan ka parin. nagdadasal ka. umaasa. na sana kahit papaano eh kaya. hindi lang naman ako ang hirap kung hindi marami pa pero iba yung pakiramdam na sa iyo yung lahat ng sisi. malaking responsibilidad na masakit sa batok. tinitiklop na lang ang mata pero lumalaban. nakakataranta pero parang wala lang. hindi ko nga alam kung san patutunguhan ko eh. gusto ko lang eh simple pero ang ipinagpipilitan ng marami eh kumplikado. nakakaasar na sa iyo nakatutok lahat ng bungaga at nakatingin ang mata. wala kang kasama kung hindi ang kahihiyan na sasaluhin mo pag bumagsak ka. walang kang excuse. wala kang ibang sisisihin. hindi ko alam kung masasama ako dun sa tao eh balang araw eh walang napatunayan sa sarili at sa mundon tumatawa sa kanya. hindi ka takot tumawid sa ilalim ng truck kahit naka go. hindi ka takot na maglakad sa gitna ng daan kahit nakagreen ang stop light. hindi ka takot bumato ng mga biro kahit na sa likod ng ulo mo eh baka walang tumawa. hindi ka takot pumikit. hindi ako lumuluha kahit kailangan, minsan wala akong pakialam. minsan hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. parating nakatulala sa hangin...
takot ako na baka hindi ko alam ang gagawin ko. takot ako na baka hindi na ako makaramdam.
takot ako na wala akong magawa sa dikta ng buhay...
na hindi lumaban
kahit konti lang.
Sunday, June 15, 2008
the continuation...
nung bata ako, hindi ko ikinakahiyang nakatikim na ako ng kulangot, bata eh... sinubukan ko at parang nicotine na muntik na akong maadik, pero sa huli pinigilan ako ng magulang ko dahil ang sabi nila konti lang daw ang nutrtional values nito hindi tulad ng junk foods na maraming vitamin V (vetsin) at candy na sagana din sa vitamin A (asukal)...
mahilig akong maglaro, kumain, manood ng power rangers (hanggang ngayon), magtatakbo at kung ano ano pa... kaya naoperhan ako sa appendix. adik eh. kaya simula nun incomplete na ako. mahilig din akong magkulay ng libro nun, magdrowing at kung ano ano pa. ayus. hindi ko alam kung talent yun pero sa tingin ko hindi. gusto ko lang siyang gawin.
jack-of-all-trades. may pagka ako na parang hindi. maraming nadadaan sa tsamba at ang iba eh sa simpleng pagsunod. marunong ako ng maraming bagay simula noon. naaksidenteng natuto lang. pero ayus din.
mahirap na masarap maging iba, sa pananamit, paglakad at kung gusto mo na rin eh sa pagkain. masaya. ang bounderies mo lang eh yung mga taong nagdidikta sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.... na hanggang ngayon eh nararanasan parin ng isang simpleng tao katuld ko. masarap daw mabuhay.
baka nga...
baka balang araw makisabay din ako sa usapang yan...
baka nga..
iba yung feeling pag yun yung iniisip mo
baka nga.
may ibang taong hindi nakakaintindi nito
baka nga
moooooooo...
galing sa dodo ng cow...
Friday, June 13, 2008
ang kwento sa loob ng kaldero 1
minsan nagtatanong ako ng mga bagay bagay... marami, nakakahilo, nakakasuka, at nakakatulili ng tenga.
nung bata ako, tinanong ako kung ano ang gusto ko sa buhay, at dahil sa mga bata eh hindi uso magsinungaling, ang sinagot ko... ung totoo. maniwala ka man o hindi, ang sinagot ko eh, basurero, policeman, o kaya farmers (hindi yung establishment sa cubao kung hindi sa bukid nagtatrabaho...) pinagtawanan ako, at ang masaklap niyan hindi ko sila maintindihan kung bakit. nakakaasar kasi hindi nila naiintindihan yung nasa-isip ko. simpleng malinis lang talaga ang pangarap kong trabaho hindi tulad ng ibang mga bata na ewan ko kung scripted na pinanganak na ang gusto doctor, nurse, architect, presidente at magnanakaw. hindi ko alam, ngayon ko lang napansin na medyo iba pala ako dahil yun ang nasa isip ko. totoo. hindi madaling maging ganoon dahil samusaring batikos na ang nakuha ko sa magulang ko at mga nasa amin. mali sa tingin ng iba, tama naman sa akin. nagkaroon ng conflict. sabi sa akin ng magulang ko, mangarap daw ako ng mataas. eh siraulo ako simula pa ng pinanganak ako. kaya ito ako ngayon. bata ako nun walang laban at talagang kailangan lang na makisabay sa agos ng buhay. kuto lang sa mundo ng mga matatandang tao... yun ako. kita mo yung significance? ako hindi...
mahirap pag naiiba ka lalo na kung parang kulangot ka lang.
(next time nlng time na ako sa internet shop)
Friday, June 6, 2008
tirador ng kaning lamig
isang pagkakamaling isinilang ako sa mundong ibabaw... niluwa na ako ng lupa... akalain mo yun sawa na sa akin yung impyerno kaya ayus siningaw ako ng lupa...
1995:
<ang laki ng taong tinalon ano?>
yan ang natatandaan ko na pagkamulat ko ng ulirat... akalain mo iyun..sa span ng limang taon eh wala akong naintindihan kung hindi kain, tulog, laro, ligo, nood ng power rangers at pagtyaga sa mga pagkakataong walang ulam eh mang tomas lang ang sabaw sa kanin...
nasa elementary na ako nun... marunong nang sumagot na hindi pabalang sa mga guro, marunong magsulat ng A B C... marunong din magsalita ng malakas na A B C... at marunong mangopya... sa blackboard. wala pa akong kabalbalan na alam nung kung hindi malaro lang ng mag laro.
1996:
sa pagkakaalam ko (dahil hindi naman ako magaling umalala ng mga dates).... nag karoon ako ng appendicities... isang irregularity sa appendix... ayun naoperahan at natanggalan ng appendix. isang linggong walang kain at puro inum lang ng isang kutsaritang tubig... pagkatapos maconfine at pag dating ko sa bahay na inuupahan namin... may mga taong sumalubong sa akin at nagtatanong kung kamusta daw ako... parang celebrity o isang politiko na sa labas ng pangangamusta ay nagsasabi sa loob ng kanilang mga isip na "waw incomplete siya... buti buhay ka pa?"
umabsent ako sa iskul ng matagal tagal din pero sa awa ng diyos hindi ako nag repeat...
1997:
seven years old ako
<another super jump sa kadahilanan na hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko dun>
2000:
millenium nun... masaya sa pagpasok ng Y2k... unang beses kong nagtry na mag paputok... nakakatakot. nakakaexcite. masaya. ibang feeling sa pagpasok ng bagong taon. ang saya saya ko masyado dahil sa isang achievement na sa wakas eh ang tapang ko na... pagsindi ng paputok sa kandilang nakatayo... sabay hagis... ayus!!! kumpleto na buhay ko... nakangiti din at nagsabi din ng welcome ang paputok...
"HAPPY NEW YEAR!"
-watusi
lahat yan pagkabata... actually ngayon bata parin ako... batang isip.. elementary ako niyan. masaya... wlang problema.
tinaya ako ni jemil... leche napilitan///
THINK BACK ON your 1st year in high school.
Let's see how much you remember and how much you regret.
What section were you?
120- kowalski
Who were your seatmates?
hindi ko na matandaan... basta mga bakal boy <pero nung mga panahon na iyon wala pa akong alam sa mga bansag sa mga estudyante...>
Still remember your english teacher?
si mam... bernardino.... kala ko nakalimutan ko na
What was your first class?
homeroom.... hahaha...
Who were your bestfriends?
sila paolo...
Who was your crush back then?
walang babae sa amin kaya wala pa na ka batch namin/ mga bata ang gusto ko tulad nila... camille prats... at ate luds at si madam auring... ayun
Made friends with the higher years?
sempre lalo na nung 3rd and 4th year.... ayeh... mga drafting boys
Had an admirer/s?
wala... walang baklang humahanga asa akin
How was your class schedule?
ayus naman pare-parehas ang pasok, pare-parehas ang uwi pero minsan talagang nalalate lang....
Made any enemies?
yung... wala naman... yata
Who was/were your favorite teacher/s?
si sr. aguilar... siya yung bukod tanging nakapag bato ng teachers table sa sobrang inis sa akin
drawing club...
Back then, do you always buy your lunch?
minsan lang ako bumili dahil walang mintis na nagbabaon ako... kaya naranasan kong matapunan ng ulam sa bag...
no match kayo dun...
pati bag sa sobrang high tech... kumakain
Were you a party animal?
hindi ako pumupunta sa mga party... pero animal ako simula nung pinanganak ako
Were you well known in your school?
hindi naman ako sikat....
Did you have close friends that were girls?
wala eh... gays nga wala asa ka pa na babae.
SKIP CLASSES?
hindi... except dun sa mga times na naeexcuse dahil sa mga pinapagawa sa akin... bait ko ho kaya nun<ubo>
Did you get suspended/expelled?
hindi.... mabait talaga ako nun
Can you sing the alma mater?
nung mga panahon na iyon oo... ngayon hindi na... kahit nga panatang makabayan hindi ko na alam eh...
What was your favorite subject?
shop practice at drafting
What was your school's full name?
Where did you go most often during breaks?
kung hindi sa futbol field. canteen. sa harap ng gym...
If you could go back in time and do it all over, would you?
gusto ko... ayus yun...
What other things do you remember most about 1st yr?
yung masaklap na private warning dahil sa late... at ang mga pamatay na field trip at marami pang iba.
<nakalimutan ko lang talaga>