ok nga naman din maging iba. iba manamit, iba umasta, iba... kung baga, ang gamit mo sa deodorant eh para sa leeg hindi sa kili-kili. hindi ka takot sumubok ng iba, hindi ka takot pero may sense na natatakot ka pero hindi naman pala.
nung bata ako, hindi ko ikinakahiyang nakatikim na ako ng kulangot, bata eh... sinubukan ko at parang nicotine na muntik na akong maadik, pero sa huli pinigilan ako ng magulang ko dahil ang sabi nila konti lang daw ang nutrtional values nito hindi tulad ng junk foods na maraming vitamin V (vetsin) at candy na sagana din sa vitamin A (asukal)...
mahilig akong maglaro, kumain, manood ng power rangers (hanggang ngayon), magtatakbo at kung ano ano pa... kaya naoperhan ako sa appendix. adik eh. kaya simula nun incomplete na ako. mahilig din akong magkulay ng libro nun, magdrowing at kung ano ano pa. ayus. hindi ko alam kung talent yun pero sa tingin ko hindi. gusto ko lang siyang gawin.
jack-of-all-trades. may pagka ako na parang hindi. maraming nadadaan sa tsamba at ang iba eh sa simpleng pagsunod. marunong ako ng maraming bagay simula noon. naaksidenteng natuto lang. pero ayus din.
mahirap na masarap maging iba, sa pananamit, paglakad at kung gusto mo na rin eh sa pagkain. masaya. ang bounderies mo lang eh yung mga taong nagdidikta sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.... na hanggang ngayon eh nararanasan parin ng isang simpleng tao katuld ko. masarap daw mabuhay.
baka nga...
baka balang araw makisabay din ako sa usapang yan...
baka nga..
iba yung feeling pag yun yung iniisip mo
baka nga.
may ibang taong hindi nakakaintindi nito
baka nga
moooooooo...
galing sa dodo ng cow...
No comments:
Post a Comment