Friday, June 13, 2008

ang kwento sa loob ng kaldero 1

simple lang naman talaga ako... eh ang kaso mo talagang magulo lang ang isip ko at dito ako nag bubunton ng galit ko sa mundo...

minsan nagtatanong ako ng mga bagay bagay... marami, nakakahilo, nakakasuka, at nakakatulili ng tenga.

nung bata ako, tinanong ako kung ano ang gusto ko sa buhay, at dahil sa mga bata eh hindi uso magsinungaling, ang sinagot ko... ung totoo. maniwala ka man o hindi, ang sinagot ko eh, basurero, policeman, o kaya farmers (hindi yung establishment sa cubao kung hindi sa bukid nagtatrabaho...) pinagtawanan ako, at ang masaklap niyan hindi ko sila maintindihan kung bakit. nakakaasar kasi hindi nila naiintindihan yung nasa-isip ko. simpleng malinis lang talaga ang pangarap kong trabaho hindi tulad ng ibang mga bata na ewan ko kung scripted na pinanganak na ang gusto doctor, nurse, architect, presidente at magnanakaw. hindi ko alam, ngayon ko lang napansin na medyo iba pala ako dahil yun ang nasa isip ko. totoo. hindi madaling maging ganoon dahil samusaring batikos na ang nakuha ko sa magulang ko at mga nasa amin. mali sa tingin ng iba, tama naman sa akin. nagkaroon ng conflict. sabi sa akin ng magulang ko, mangarap daw ako ng mataas. eh siraulo ako simula pa ng pinanganak ako. kaya ito ako ngayon.  bata ako nun walang laban at talagang kailangan lang na makisabay sa agos ng buhay. kuto lang sa mundo ng mga matatandang tao... yun ako. kita mo yung significance? ako hindi...

mahirap pag naiiba ka lalo na kung parang kulangot ka lang.

(next time nlng time na ako sa internet shop)

3 comments:

  1. anung meron sa title? walang koneksyon sa buhay mo nung bata a.. ang cool mo pala e.. kakaiba ka

    ReplyDelete
  2. hahaha... minsan ok.... pero minsan hindi

    ReplyDelete