Friday, June 6, 2008

tirador ng kaning lamig

1990:

isang pagkakamaling isinilang ako sa mundong ibabaw... niluwa na ako ng lupa... akalain mo yun sawa na sa akin yung impyerno kaya ayus siningaw ako ng lupa...

1995:

<ang laki ng taong tinalon ano?>

yan ang natatandaan ko na pagkamulat ko ng ulirat... akalain mo iyun..sa span ng limang taon eh wala akong naintindihan kung hindi kain, tulog, laro, ligo, nood ng power rangers at pagtyaga sa mga pagkakataong walang ulam eh mang tomas lang ang sabaw sa kanin...

nasa elementary na ako nun... marunong nang sumagot na hindi pabalang sa mga guro, marunong magsulat ng A B C... marunong din magsalita ng malakas na A B C... at marunong mangopya... sa blackboard. wala pa akong kabalbalan na alam nung kung hindi malaro lang ng mag laro.

1996:

sa pagkakaalam ko (dahil hindi naman ako magaling umalala ng mga dates).... nag karoon ako ng appendicities... isang irregularity sa appendix... ayun naoperahan at natanggalan ng appendix. isang linggong walang kain at puro inum lang ng isang kutsaritang tubig... pagkatapos maconfine at pag dating ko sa bahay na inuupahan namin... may mga taong sumalubong sa akin at nagtatanong kung kamusta daw ako... parang celebrity o isang politiko na sa labas ng pangangamusta ay nagsasabi sa loob ng kanilang mga isip na "waw incomplete siya... buti buhay ka pa?"

umabsent ako sa iskul ng matagal tagal din pero sa awa ng diyos hindi ako nag repeat...

1997:

seven years old ako

<another super jump sa kadahilanan na hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko dun>

2000:

millenium nun... masaya sa pagpasok ng Y2k... unang beses kong nagtry na mag paputok... nakakatakot. nakakaexcite. masaya. ibang feeling sa pagpasok ng bagong taon. ang saya saya ko masyado dahil sa isang achievement na sa wakas eh ang tapang ko na... pagsindi ng paputok sa kandilang nakatayo... sabay hagis... ayus!!! kumpleto na buhay ko... nakangiti din at nagsabi din ng welcome ang paputok...

"HAPPY NEW YEAR!"

-watusi



lahat yan pagkabata... actually ngayon bata parin ako... batang isip.. elementary ako niyan. masaya... wlang problema.

2 comments:

  1. ganyan din nung ako umuwi d2 sa bahay.. may mga umalalay pa sakin e.. kala mo matandang uugud ugod na ko.. haha

    ReplyDelete