sabog ako, nagaalangan, at mukhang sa lagay kong ito walang patutunguhan. seryoso na parang nanggagago.
may tumama yata sa aking sakit eh. hindi ko alam kung katam o talagang pag kasira lang ng tuktok.
bata palang ako nag aaral na ako, 2 years sa pre, 6 sa elem, 4 sa highschool at ngayon sa college. nag aaral pumapasok, e.c.e ang course ko. mahilig akong magdrowing, mag-imagine at magsulat kaya hindi ko ngayon makita ang logic ng pagpasok ko sa ece? kuryente, maraming math... seryosong nagaalangan ako ngayon sa course na kinuha ko. gusto kong magshift pero hindi naman pwede kasi wala naman kaming pera. lugi ka talaga kapag mahirap ka, lalu na ngayon. kung sa langaw eh langaw ka na dumadapo lang sa tae at hindi sa pagkain sa loob ng 5 star restaurant. hirap ka dahil walang pambili ng gamit, hirap ka dahil minsan kulang pamasahe, mahirap kasi nga mahirap nga eh.
sa tingin ng tao, maayos ka, sa iba, gago ka, at sa iba wala lang talaga. kasi nabubuhay tayo sa mundo na ang sinusunod ng tao eh yung trip niya. kanya kanyang trip kung baga.
may tama, may mali. mahirap manimbang. hindi mo alam kung san ka sasama, hindi mo rin alam kung ano iniisip ng ibang tao sa iyo. mahirap minsang tumulong dahil baka sa ibang tao eh mali at ang mangurakot at magdamot ang tama. minsan bawala mag tapon sa daan, pero minsan pwede, pag walang nakakakita. eh ano ang pinagkaiba? iba ang tingin ng mahirap sa mahirap at iba din ang tingin ng mayaman sa mahirap. yung iba 2 yung tingin kasi duling.
paglumipat ka ng course pangit, minsan pag hindi ka lumipat ng course pangit parin.
umpisa palang ng 3 year. patiklop na ko, parang pumasok ako sa mundo na nung una eh kala ko kaya pero nilalamon na pala ako ng pakonti konti.
mahirap na walang inspiration. mahirap na limitado ang pera mo. pero kinakaya. hirap lang...
titiklop na ako ng pakonti konti. hindi alam ng iba pero ikaw. hindi ko din alam.
siguro nga chamba lang yung simula 1 year hanggang ngayon. parang nga nung pinanganak ako eh tsumachamba na ako.
nakakaiyak na hindi ka naman maiyak. asar ka na sa mundo pero tinatawanan ka parin. nagdadasal ka. umaasa. na sana kahit papaano eh kaya. hindi lang naman ako ang hirap kung hindi marami pa pero iba yung pakiramdam na sa iyo yung lahat ng sisi. malaking responsibilidad na masakit sa batok. tinitiklop na lang ang mata pero lumalaban. nakakataranta pero parang wala lang. hindi ko nga alam kung san patutunguhan ko eh. gusto ko lang eh simple pero ang ipinagpipilitan ng marami eh kumplikado. nakakaasar na sa iyo nakatutok lahat ng bungaga at nakatingin ang mata. wala kang kasama kung hindi ang kahihiyan na sasaluhin mo pag bumagsak ka. walang kang excuse. wala kang ibang sisisihin. hindi ko alam kung masasama ako dun sa tao eh balang araw eh walang napatunayan sa sarili at sa mundon tumatawa sa kanya. hindi ka takot tumawid sa ilalim ng truck kahit naka go. hindi ka takot na maglakad sa gitna ng daan kahit nakagreen ang stop light. hindi ka takot bumato ng mga biro kahit na sa likod ng ulo mo eh baka walang tumawa. hindi ka takot pumikit. hindi ako lumuluha kahit kailangan, minsan wala akong pakialam. minsan hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. parating nakatulala sa hangin...
takot ako na baka hindi ko alam ang gagawin ko. takot ako na baka hindi na ako makaramdam.
takot ako na wala akong magawa sa dikta ng buhay...
na hindi lumaban
kahit konti lang.
o para dumami comment! tutal ako lang madalas magcomment e.. kahit d ko pa nababasa...
ReplyDeletehaha
oops 1 down
anak ng....
ReplyDeleteAldrin baguhin mo nga pananaw mo sa buhay..
feel na feel mong di mo kaya e.. masyado kang negative..
negative infinity ka ba??
tae! ikaw nga pumasa sa EQE nyeta ka naman o..
feeling mo ikaw si superman na pasa mo responsibilidad ng buong mundo e!
umayos ka! kaya natin 'to.. maniwala ka lang..
osya gusto mo pang napangangaralan e.. o trip mong pangaralan ka lagi?
o baka masaktan ka sa mga nasabi ko a.. payong kaibigan pare..
sige ingat2.. God bless us Ü
gay gay gay... lol
ReplyDeleteemp... ambaet. haha
ReplyDeletehoy rocha.. wag ka ngang magpakaEMO dyan.... tae ka. sabi ni cable basahin ko eh.. so eh masakit ulo ko..kaya di ko maarok. okoOK
ReplyDeleteako nga naeexcite na e! feel na feel ko na Engineering pinasok natin e! lufet! sarap ng majors!
ReplyDeletetrip ko nga course natin!
sana talaga d ako matanggal sa course natin! :)
hahahaha.... masakit sa bangs pero salamat mga repa... hirap lang mag isip. konti konting sumasabog utak ko eh... wala...
ReplyDeletesiguro
magbrebreak down na ako. sinyales na...
pumipitik na yung utak ko.
ang hirap po kaya.... walang emf para umandar ang electrons sa buhay ko...
hindi naman ako emo eh...
wala lang sigurong inspiration....
ewan magulo utak ko ngayon sobra...
walang emf para umandar ang electrons sa buhay ko...
ReplyDeleteamp nerdo -__-' ede bili ka energizer o(",o)
pumasa ka naman pala e. pero d mo gusto ginagawa mo?
medyo... sabog lang ako at parang magbrebreak down dahil sa lupet ng expectations nila inay at itay...wag mu papabasa sa kanila to ha
ReplyDelete