Wednesday, June 18, 2008

unibersidad

i lab you... yan ang madalas na sinasabi ng magsingirog... kasama niyan ang mga tawagan nila tulad ng sampaloc at panis na gatas... yung mga tipong pangtandem na tawagan. kanya kanyang labidabs at pakikipaglampungan yan sa daan para sabihin na swit silang dalawa at pwede ng langgamin... yang ang nakikita ko sa bus, daan, at sa marami pang lugar... malufet. basta kanya kanyang taguan ng mga baho yan.... observant lang ako dahil wala naman akong alam sa mga bagay na katulad niyan, kahit saan naman ata eh wala akong alam.

tatawa, makikinig, may magjojoke, may mangbabara, may manghuhuli ng long hair, may mangaasar pag bagong gupit ka

magaaral, tatambay, maglalaro, kakain, iidlip sa library, tutulog sa classrum...

may matanda, may bata, may abnormal, at may mukhang ewan, may mga seryosong scholars, may seryosong prof. at marami din ang hindi sumeseryoso sa mga taong katulad nun.

may nagboboard, may bedspace, may uwian kahit sa sulu pa nakatira. at may nalalate kahit na sa tabi lang ng unibersidad.

may pumupuntang computer shop para mag research, may pumupunta dun para mag laro at may ibang merong sariling computer sa bahay at may laptop pa.

may mayaman, may mahirap pa sa daga, may magandang dinudumog ng tao at may mga panget na minsan eh naaapakan pa sa paa....

may mga groupies, may mga misfits at merong mga misfits na nasa groups...

may astig, may emo, may rakista, at may mga simple lang.

lahat dumadaan sa hirap, lahat dumadapa kapag hirap na. may mga kumakaya at may mga kakayanin. may hirap pero ngumingiti. at may ngumingiti para matakpan ang hirap... may kulang ang budget at may sobra sobra... may pinagpala dahil sa lahat ng grasya ay nasakanila at may hindi mga pinalad. may mga kumpleto araw kapag nakita crush nila at meron mga taong hindi kumpleto ang sem at magkakacancer pag hindi nakapagbagsak ng estudyante. meron din na nagiging kaibigan ng mga estudyante.may working student at meron din na tambay lang. minsan nagaaral. at minsan hindi. may malakas ang boses at meron ding saksakan ng hina. may magaling at may talunan.

lahat niyan nasa university... oo... nakikita ko eh.. malikut lang mata ko... pero mas marami pa akong nakita keysa sa entrance lang na ginagawang exit...

totoo pero medyo sinungaling din..

medyo malinaw

pero sa huli malabo pala


---- good things happen to those who wait.

No comments:

Post a Comment