Monday, December 31, 2007

minutes away from 2008

it's already a year... parang mabilis na hindi ko na namalayan ang mga araw. well, this year is not too good for me and yet not too bad... some experiences leaves a scary that eventually was turned into a weapon for self improvement. napakasaklap ng first 8 months ng year... i am too much burning myself in somethings i don't even know. parang napakabigat ng mga bagay-bagay para sa akin at walang balak ang tadhana para makisama. pero atleast, mapapatunayan ko na kahit na ang lahat ay wala nang pagasa, there is sometime na maaayos ang lahat, in due time... you just have to wait. ang saya ng last day, kahit na burned out na ako sa mga gawaing bahay dahil wala naman ibang gagawa eh sulit... this are time na ang mga gawaing bahay eh nagiging enjoyable para sa akin. kahit pagod, may sense of fulfillment. tumawag si papa kaya pawi lahat ng pagod. nakakamiss na nga siya but the only thing that i can do is to pray and do my best... 4 lang kami sa bahay ngayong bagong taon, ako, si mama, si micmic, at si lola. it's what i have. gots to make this enjoyable... kailangan na mag cope sa mga bagay-bagay at gawin itong pabor sa iyo,; make the most out of it. now a days ang gaan na ng pakiramdam ko... parang may improvement in the ways that i see things. it's good and i feel good...

my body is down but i feel good.

time ticks fast, nasa iyo na kung paano ang gagawin mo para kahit na mabilis ang oras, may time ka pa para magenjoy... it's the life's essence... to be happy... walang pinanganak para malungkot. all deserves to smile.

maraming nasa isip ko,,, hindi ko alam kung ano ang itatype ko...

minutes aways from 2008... wala akong plano or newyears resolution., live life in days not in the future,,, hindi mo alam baka mamaya patay ka na...

im happy.,. and i pray for guidance this year... sana maging maayos ang lahat...

happiness, jumps right out of my chest...

ganon ako kasaya ngayon...

so,,,

happy new year to you....

salamat sa pagbabasa....

:D

Saturday, December 29, 2007

a.k.a. christmas party

today was the so called, birthday ni joaqui a.k.a. christmas party of the compound... kasama kami dun ng mga repapis dito sa compound... papunta palang dun eh nagkaroon na ng aberya dahil walang transpo papunta dun kaya nagpabalik-balik ang tatay ni miko para lang maihatid ang mga dadalo sa venue. grabe ang bait talaga ni tito para gawin ang mga bagay na iyon sa mga katoto at kapit bahay. sa aya ng diyos eh nakarating sa paroroonan ang lahat ng mga manlalakbay. so as usual kami ang pagulo sa compound, walang pinagkaiba sa christmas party... it's all good kasi naging masaya naman ang lahat.

namalengke kaninang umaga, naglaro ng soccer, pumunta sa farty, naglaro ng soccer. ayun. ayus naman ang araw. so far so good.

umalis na si ate zen papuntang probinsya... babalik daw siya sa january... bago pumasok... sana nga... so ang maiiwan sa bahay eh ako, si lola, at si micmic... ako ang magiging tactician sa mga araw na wala si ate zen... mamumuno sa pag laba, pagluto, paglinis ng bahay at kung ano ano pang side quests na dadating... with great power comes with great responsibility. so let's party all day long... joke... gots to be motivated that's what i need... kailangan ding pahabain ang aking pasensya sa mga bagay bagay...

dapat...

prepared for the worst...
be happy for the best...
hanggang ako ang mamumuno. meron dapat na sense of commitment ang bawat isa sa bahay...

patay tayo dyan... hahaha


gots to sleep... kailangang magising ng maaga bukas...

im praying for he safe trip of ate zen papuntang province...



my god guide her...







gots to sleep... medyo tinatamad ako mag blog kasi pagod... lost alot of sweat sa laro... as in.. na kayang pigain ang pawis galing sa damit (ewwwww)...

another day tomorrow.... but it's different because of much more responsibilities...

Friday, December 28, 2007

short circuit

it was such a bad day. i woke up na may feeling na merong mali, hindi ko lang alam pero parang meron.

nowadays, gumigising ako ng medyo tanghali na. medyo masarap kasing matulog eh. so ayun. tanghali na rin kaming kumain ng almusal at tanghalian. tipid. kasabay ang dalawang meals. grabe, ngayong araw tinatamad ako at hindi ko na gustohan ang mga ito. lumipas ang ilang oras. wala pa rin akong nagagawa, ang masiste pa niyan eh madaming kailangan gawin sa bahay. meron mind set, pero ang problema, ayaw sumunod ng katawan. gusto laging tatanga. my golly. nakakaasar. around 3 pm na ata ako nag start mag defrost. parang ang dalidali pero mahirap kasi inabot ako ng almost 6 pm sa pag gawa nito. so ayun, tinanggal ko muna sa saksakan ang ref bago ko nilinis. ang hirap mag linis kasi ang daming tinanggal. punas dito, punas doon. tapos, linis dito, linis duon. all is done. medyo sumaya na ako ng to the point na ipu-plug ko na agn ref. AMP! kaasar! yung plug sira, nag matagal na palang  nagshort circuit ngayon ko lang napansin. takbo ngayon ako kay kuya labs. ang resident, carpenter, electrician, tubero at marami pang iba. humihingi ako ng tulong. ang sabi niya eh bumili daw ako ng heavy duty plug na 220 v sa hardware. ANAK NG PATO! 6 na...sarado na ang hardware. so tumkbo na ako pauwi sabay kuha ng wallet. lakad to the max ako papuntang hardware baka sakaling may maabutan pa. pag dating ko sa hardware. just as i suspected. sarado na mga repa men. i've gots no choice. ayun. takbo ulit ngayon naman ang destination eh sa puregold malapit sa amin. SA HANDY MAN... ayun bukas.! sa wakas. pero kailangan kong bilisan kasi ang deadline eh bago dumating si inay sa bahay. so hanap naman kaagad ako ng plug. dalawa ang nirecommend sa akin. kinuha ko na lang parehas just in case na hindi pumwede yung isa. pag punch nung isa, ayus. pag dating ndun sa pangalawang plug. ayun. HEAVY! walanjoe. bagong product daw so kailangan ko daw maghintay para mailagay sa database nila... HALA! nagmamadali na nga ako tapos ganun pa ang nangyari. so it's now a test of patience. kahit medyo badtrip kasi kailangan pang palitan ang plug. sige parin. hintay. after ilang minutes na tapos na ang aking paghihintay at ngayon eh nag rush na ako pauwi. tapos sabi ko kay kuya labs. na paki kabit. alam kong ikabit pero kanina pa ako na pepressure baka sumablay ang pagkakakabit ko at masira pa yung ref. so. pagkatapos. malinis na ang ref. umaandar na. success!!! weeeee. so nilabas ko muna yung halamang nasa loob ng bahay, diniligan at naglaro kami, actually nag joggle lang ako ng soccer ball na as always eh ginagawa ko.. wala lang, naeenjoy ko lang eh. so ayun.... dumating si inay, so pause muna sa paglalaro . kumain at...

nabadtrip. dahil sa paghuhugas na iyan na nung sa huli ay ako din ang gumawa... napamura ako at narinig ni inay. montik na akong sampalin. hindi ko nga alam kung bakt ako napamura. siguro sa sobrang badtrip lang kasi, kapagod hu kayang maglinis at maglakad para makaabot sa deadline tapos gagawin ko pa ang pinaka ayaw kong gawin tapos mag uutos pa si mama na buksan yung computer, tapos ang bagal pang gumalaw nung kapatid ko na parang walang naririnig. talagang montik na akong makasapak kanina sa sobrang galit ko. tinapos ko ang paghugas at lumabas ng bahay para magpalamig. oyeh!

walang tao sa labas. so nagsolitude muna ako at awa ng diyos medyo lumamig ang aking ulo.

- ikaw ang nakakaintindi, so kailangan ikaw ang magpasensya
- kung tense ka na at sobrang pressure. huminga lang ng malalim at mag dasal.
- patience is really a virtue... tried and tested yan...
- kailangan make the most out of the situation. kung paano mo gagawin ang sirang araw mo na maganda...
- you always got choices. nasa iyo kung ano ang pipiliin mo.
- time much precious than gold. pag dumaan ang oras. hindi na ito ang babalik kung hindi ikaw ang hahabol
- dahil sa kinuwento ni miko tungkol sa kanyang pagtambay sa starbucks... lalo na akong nag isip... hindi pala kasi talagang totoo. na ang starbucks eh pang mayaman... pag ako napunta dun at nakabili ng kape... tititigan ko lang at baka ilagay ko pa sa stante... gagawin souvenir...
grabeng kape yan... ang mahal... kaya kong magtimpla ng kape at naaayon sa pang lasa ko...
pasensya na kasi. nilagang kape ang iniinom ko... at sariling timpla... pasensya na pang tambay lang ang class ko... hahaha...


medyo naiirita pa ako pero i can management. kaya ko pa. i hope i can extend this patience.

the problem now is that. parang bumabalik nanaman ang anxiety complex ko. sana wag naman.

always remember.






you can do what you believe upon. kaya mo ang mga bagay-bagay kailangan lang na maniwala ka.





gots to sleep.

Thursday, December 27, 2007

immaterial

december 27, 2007...


days are passing by and nagiging full pledged home boy na ako. yung mga araw bago magpasko, naglalagay ako ng tru coat sa sahig. ngayon, ayus. pagpintura naman ang gagawin ko... kung ako masusunod, hindi paint na pang pader ang gagawin ko... ang matagal ko nang gustong gawin eh pinturahan ng landscape ang pader... kaso hindi ko magawa, for the simple reasons na hindi amin itong bahay na ito, at kapag ginawa ko iyon eh mayayari ako at baka bigla akong suntukin sa face..., oh well. magagawa ko din yung balang araw...

ako yung taong may sense of accomplishment. not settling for less but i try my best to do things.  ang hindi ko lang talaga magets eh kung bakit may mga taong nagpapahirap ng mga simpleng bagay. why do people make things so complicated in some parts. katulad na lang ng integral calculus. kung sino man ang nakatuklas nito ay walang thrill sa buhay. maybe too stubborn to think for other's sakes. tulad ko ngayon, hindi parin makaligtas sa bangungot ng integral calculus kahit na bakasyon. im having a break, but it is a not so break kasi, if got to set priorities everyday. may household chores at aalis pa si ate zen papuntang province. in a sense. everything is taking shape on it's own. all has a place, with his/her own responsibilities. this is what is call  yung tamang break lang,  not to lacks and put my gurad down so much. i need responsibilities para kahit na  walang pasok, may sense of accomplishments. i am now happy.  i think my anxieties wore down a bit. at least it is good.

this christmas, hindi ako naghangad ng material things dahil sa estado namin ngayon, pero naging masaya naman ako lalo na sa mga ginawa ko. nung una, akala ko wala na yung christmas spirit at ang feeling ko panoon eh talagang magigignga malamig ang aking pasko. pero nung nagsisimbang gabi na ako, dumating na yung spirit na hinihintay ko. at least, natrapik lang siya... pero dumating. i am expecting somthing pero lahat ng bagay ay dadating talaga sa takdang panahon. all has time. material things and even those you can see only by heart. all i can say is that. lower your expectations but put your hopes up high as possible. silly but sounds true. real hapiness can be achieved in due time.

days past, i accomplish things. it's really good. i don't release money that much but i feel good. money can't buy you everything and that's true. nasa bahay lang ako, minsan libot ng mga lugar, ganun lang naman ako eh, simple lang. i don't hang out in star bucks, hindi pa ako nakakaapak sa moa, trinoma at disneyland, hindi ko pa nagagawa ang gusto ko. pero i feel good. sometimes, kailangan mo na ilabas ang potential ng isang bagay o event in such a way na wala kang nasasagasaan at magiging pabor sa iyo ang gagawin mo. hindi nman kailangan na complicated ang gawin mong mga bagay. the simpler that better. ..

pero i've got dreams not only for me but also for family and friends. na one day, makuha ko yung mga pangarap kong gawin, mabigyan ko ng magandang bahay magulang ko, na makagimik sa ibang lugar kasama kaibigan ko.

just set priorities. maybe i am just saying ang mumbling this things. na baka hindi matupad ang mga ito. if else. ayus lang. i think that some one just have better plans for me. but i am really dreaming for something.

just trying to do things

one
                    step

                                    at

                                                a
                                                                            time


another tomorrow...


"kailangan mong gawin ang mga bagay na gusto mong gawin sa araw kasi pag dumating ang bukas, it's another day, this day won't come back again. pag natapos ang araw na ito. tapos na. at ang bukas, pagsikat ng araw, isang panibagong araw para gawin ang mga panibagong gawain."


you just have to do things to have an accomplishment for the day.

11: 58 pm; a thursday... counting down before the start of a new year

Monday, December 24, 2007

inihaw at ispagetti...

nagumpisa ang araw sa huling simbang gabi... ayus! nakanumpleto ako ng 9 mornings na simbang madaling araw at ang sarap ng filing kapag ganun. pagkauwi, kain ng almusal, then after some time. tulog mode muna, kulang ang tulog eh. tapos nun, ang mind set ko ay talagan magtrabaho para sa araw na ito dahil december 24 na. disperas na ng pasko. so, may plano ako. at hindi ko malaman laman eh kung bakit ba pag nagpaplaano ako eh laging bulilyaso. ayus dahil pagkagising ko dumating sila tita nori kasama si lola sepa. may golly! grabe, kung sa artista at sa mga busing tao... sira ang schedule ko... matagal tagal din silang nagusap usap ni lola, hindi kasma si mama dahil may pasok siya ngayong araw. so natapos ang lahat ng 1:00 pm. patay, sirang sira talaga pati ang mind set ko pero on the other hand, masaya naman din kasi nagkaroon ng isang maliit na family reunion. kahit na nagkaganun ang lahat. nandun parin talaga ang aking mind set... so ayun, tinulungan kong maglaba si ate zen, naglinis ng bahay, nagpakintab ng sahig, nagluto at nag ihaw. medyo marami din at nakakapagod pero kinaya ko pa naman kahit na nandito ako ngayon at bumabagsak na ang akin mata dahil sa antok. masaya kami dito sa pag prepare at sa pagkain ng aming noche buena. all indifferences was taken away by the spirit of christmas. everyone was happy.

what's good today. all indifferences was taken away. all was happy and all was good. i also finished simbang gabi; it's a good omen. giving is really better than recieving. ang paminsanang pag tanggap eh magbibigay sa iyo ng sense of appreciation of small things that anyone has put to effort para mabili at maibigay sa iyo. masaya dahil lahat ng mga nagcacaroling (kahit na yung iba eh pumipiyok) eh nagenjoy sa pagkakaroling; ang masama lang eh yung ibang mga bata ginagawang business ang pagcacaroling... all strength is gone... but all was worth it... im tired. i am sleepy.

the important thing is. => sa pag aakala ko eh wala ang christmas spirit sa akin... yun pala, naghahanda para mag improve ang aking perception about christmas. ang pasko ay para talaga daw sa bata... it's just a grown up's perception about christmas... christmas is for everybody. no exeptions...

ang spirit of christmas... it varies kung paano ito i celebrate.

the concept is just simple..

being contented and happy for what ever you had and whatever you've done to others..

merry christmas to you... who just finished reading this...


it's now1:06 am in my clock december 25, 2007... gots to sleep... magsisimba pa ako bukas

gud morning

Sunday, December 23, 2007

art of compromising

ngayong, araw ay first sunday ni lola sa bahay after a long time. separate ang pagsimba ngayon dahil last week, kasama si mic at si mama. today, hindi kaya dahil nag christmas party si mama kagabi. kabado nga kami kagabi dito sa bahay dahil biglang dumugo ang ilong ni micmic, ang asar pa duon ay wala si mama sa bahay kaya hindi namin alam ang gagawin. so yun lang (parang walang sense ah, talagang nagkwento lang). so ngayon, as usual simbang gabi kami ni ate zen. ang pinagkaiba lang ay kasama namin si ate riza which is kapitbahay namin. nagising ako ng 4:30, nagmadali na nga kami sa pagbihis para umabot. masaya naman kasi umabot kami before mag reading.

pag katapos namin mag simba, namalengke kami dito malapit sa amin (walking distance). sa pamamalengke, nakita ko si dr. santos ang prof ng phil. literature, namamalengke din kasama ang kanyan butihing asawa. angtagal mamili ni mama, parang gusto niya hahawakan muna lahat ng gusto niyang bilihin, pipindutin, at ookrayin kapag minsan. ganyan siya mag exagerate ng ' worth of money '. naisip ko lang na nakakabadtrip yun sa part ng nagbebenta, parang binabastos yung binibili mo. kahit na sinasabi nilang the customer is always right, meron din namang karaatang ang nagbebenta at ang kanyang binebenta na respetuhin. all needs respect. medyo madami rin ang napamili namin so mabigat dalhin pauwi. pagdating, ako nag luto ng almusal. sinangag, itlog, luncheon meat, ulam kagabi. yan ang menu kaninang umaga. ehdi kumain kami lahat. kung tutuusin, ayus ang lahat. para sa akin. natulog ako ng tanghali dahil sa simbang madaling araw. paggising ko umalis sila mama, lola at micmic para magsimba. naasara ako nung nalaman ko na kinontrata ni mama ang erpats ni miko (kapitbahay namin). ang sabi ko, bakit naman yun pa? pahabol ni ate zen eh, hindi ba alam ni mama na hindi sila pagbabayarin nun... grabe! on my side, nakakahiya yun kasi binulabog pa nila ang tatay ni miko para lang makapagsimba sila. pahabol pa ni ate zen na nagsesenti pa si lola nung palabas ng bahay. na mahina na daw siya at marami pang iba na nakakainis. dumating sila galing sa simbahan. at un nga ang nangyari. hindi nga sila pinagbayad. isang sampal!... magluluto na ako ng magyaya si mama na pumunta sa puregold walking distance parin sa amin. mag grogrocery daw. ... grocery...grocery..grocery. ayun! pagkatapos. pumipili siya ng dvd player. matagal na niyang sinasabi na bibili siya. pero wala namang nangyari as always. all things na sinabi niya, bihira mangyari mga 1 out of 20 ang natutupad.! yan ang ayaw ko sa pagpaplano lalo na sa art ko dahil kapag ako nagplano eh laging nabubulilyaso. i signifies na talagang totoo ang saying na somethings are better not said.

2 things that people, in my world, have.

first is ' the point of letting go'... ito ang nakakaasar na ugali. si lola, hindi niya matanggap na mahina na siya. this is one of the argument na inumpisahan ko nung papunta kami sa puregold. in my point, all has end, no one can erase it. kailangan lang nag gawin mo ang to the extent na makakaya mo pero hindi yung makakaperwisyo ka ng ibang tao. ang akin, buti sana kung may sasakyan kami na sarili, pwede naming maisama si lola sa pagsisimba. eh kaso ang masama dyan eh wala kaming sariling sasakyan at tignan mo pa yung perwisyo na nagawa sa erpats ni miko. sa akin, kahit ako na lang ang magbaba ng tv (isa lang kasi ang tv namin sa bahay, nasa taas pa iyon. hindi makaakyat si lola ... so... gets mo na yun...) every sunday para makapanood si lola ng mass on tv, it also the purpose of the mass in the tv. the intention of mama is good. the problem is that she is taking granted all the other thing around her. she's compromising the sake of others. it's good pero nawawala sa isip niya na nakakaperwisyo si mama ng ibang tao. to lola naman, she is 90 years old. im proud of it, malakas siya nung medyo bata pa siya pero ngayon. kailangan niyang magising sa katotohanan na mahina na siya. all things has an end. even strength.

next is the art of promising things. si mama, laging plano. i understand pero ang akin lang eh wag siyang magsasalita ng hindi siya sigurado. maraming beses na niyang ginagawa ang mga bagay na ito. i admit na at times eh ganito ako pero but not as much as mama. pagnangako yan. malabong mangyari at ang masaklap nun eh laging nangyayari... manhid lang siya masyado kaya hindi niya alam na nakakadagdag sa frustrations ko.

masaklap mang isipin pero ganito sa bahay, people are compromising others, all they want is for themselves only.

 hanggang buntong hininga na lang ako... i can manage. i think. nagpapasalamt parin ako dahil kahit ganito. i can stand the heat. maybe. kayang kong makipag sabayan sa abot ng akin makakaya. pero hindi ko alam kung hanggang kelan ko gagawin ito.

all i can wish for is for the better. that i may step back from the edge, take a deep breath. that everything will be good.

someday.

Saturday, December 22, 2007

trucoat

just finished the application of trucoat to our floor... mas naging bahay kahit konti ang aming tinitirhan. nakakapagod kasi ang hirap i apply dahil yung wax eh medyo madikit sa floor. para ngang nasabugan ng kung ano ang akin kamy pagkatapos kasi puno ng wax ang kamay ko... well it's all worthed. maganda naman ang kinalabasa at bukas ay kailangan na lang mabunot yung floor para kumintab. sobrang nakakapagod ang araw, pag katapos kong magawa iyon, nagsundo kay mama. tapos naglaro ulit ng soccer at nangaroling. ayus nga kasi kumita kami ng tig40 pesos sa ilang bahay na pinuntahan namin... it's a very tiring day at kasabay nito ang kaliwa't kanan na sermon galing sa iba't ibang tao...

pagod ka na nga tapos bunganga pa ang sasalubong sa iyo... masakit na nga ang katawan ko dahil sa laro kahapon tapos eto pa... but then, for the last task for the day, is just washing dishes na pinaka ayaw ko sa lahat. many virtues play against my mind, i don't know. this always happen to me when my mind is idle. it's good actually. it's giving a good aura to me specially in times of this.

patience, is more than counting one to ten. it requires a great sense of imagination to divert your frustrations. it helps in handling delicate things. patience, is a hard practice... subukan mo ng malaman mo.

hardwork... i don't know if this is a virtue pero, this thing, for me, gives a sense of fulfillment. simple things in life are much appreciated with this. all things require work, it all has fulfillment but it's up to you to appreciate it or not.

lastly... sense of appreciation... this helps in having a good time in things the you do...

great power comes with great responsibility... yes it's true. virtues are power, and you have the responsibility to much more understand things, using this that only some can understand... in this point. all remains to you... to be responsible enough to use this.

medyo may amats na ako sa sobrang pagod.


inaantok na ako. kailangan na matulog para makabawi para bukas... magpipintura naman ako ng isang part ng bahay namin... ayus...

sinusulit na ata nila mama ang vacation ko...

im a student... part time boy...

but im doing this all for charity... walang bayad... dito lang sa bahay namin

bawal ang arkila...