Sunday, August 3, 2008

paano

ano kaya ang iba ng mga taong iba ang suot, iba itsura, iba ang amoy? ano ang pinagkaiba nila sa mga taong maayos ang suot, mapera, mabango? sa pisikal na anyo, marami, pero bakit lagi na lang na kailangang husgahan? bakit kailangang laitin, at lalo pang ibagsak? pag nasira ang ulo mo at tumabay o tumgenga sa tabi ng daan. maging madumi, mabaho? marami ang mandidiri, porke sira ang ulo, baka daw masaktan sila, baka may gawin silang iba sa iyo. takot silang madumihan o takot silang tumingin.

kailangan ba laging tama sa lugar, kung baga, right place at the right time. kailangan daw ng timing sa lahat ng bagay, set priorities. kaso ang labo kung walang sense of timing ang gagawa. paano kung hindi ka makadetermine ng right time at right place.

paano kung?

paano o baka sakali?

paano kaya..

minsan lugi ang tao, kahit na anong gawin eh mali, kahit anong gawin, pangit sa mata ng mga tao.

pero may laban, depende sa tao kung lalaban siya o hindi...

kaso nakakatamd.

paano nga kaya?

No comments:

Post a Comment