posible daw talagang tamarin ang tao kapag hindi niya gusto ang ginagawa niya. ang sabi nga ng mga kakilala ko eh. talagang ganun daw. tatamarin ka kapag hindi mo gusto ang ginagawa mo. eh ang anong paano kung kailangan mong gawin. paano kung ang buong kapaligiran na ginagalawan mo eh sumasangayon sa kabaliktaran ng gusto ng katawan mo?
pero, meron paring part na gusto mong ituloy ang ginagawa mo kahit na mali, kahit na parang sa linya na iyon eh hindi ka magiging masaya. pilitin man at paikot ikutin man ang batok nito. hindi parin ii-swak sa panlasa mo.
kailangan mong gawin kasi yun ang gusto ng maraming tao at pagkatapos daw nun eh magiging ok ang lahat. pero alam mo sa sarili mo na hindi ka dun at marami kang mas magagawang maganda dun sa linya mo. mas magiging kapakipakinabang ka kung dun sa gusto mo ikaw lulugar.
ito na ngayon, hindi ka na makapili at parang pinagsakluban ka na ng langit at lupa sa ngayon at desisyon mo nlng ang makakapgpabago sa mga pangyayari nito, pwedeng sa huli ay mag dusa ka o sa huli eh manalo ka.
ang kapalit ng second choice eh ulit ka sa umpisa pero maguumpisa ka na masaya dahil gusto mo ang gagawin mo at handa kang magsakripisyo ng kahit ano para lang dito, ang unang choice eh naumpisahan mo na konti nlng finish line ka na. ang kaso mo gumagapang ka na sa hirap , hingal na hingal ka na at konti nlng pipikit na ang mga mata mo.
ang isa pang circumstance ay kapos na kayo sa resources. pero kada oras na sinasayang mo eh baka mas malaki pa ang mawala sa iyo
may choices ka. at ang posibleng ibatong tanong sa iyo ay.
ano ang mas matimbang? laban o bawi?
hindi ako makapili, kaasar. choosy kasi ang tadhana. parang nakakapang loko.
No comments:
Post a Comment