tagal n ring hindi nakakapagblog.... sauce... simple lang kasi... tinatamad ako sa maraming bagay...
tamad mag aral, tamad kumain, tamad maglaro, tamad sa lahat... kulang na nga lang eh tamarin ng huminga... grabe... kahit mag isip kinakatamaran na, yan ang gawain ng mga adik...
hindi ko alam, basta bigla na lang dumating ng walang sabi sabi... parang kabute na tumubo na lang sa kili kili ng hindi naliligo...
pero tulad ng kabuti, at tulad ng lahat ng bagay. meron kang makukuha, mapipitas. maganda man o panget, meron kang pakikinabangan... kahit papaano... problema, kasarapan. may makukuha ka o kahit na sa pinaka sira ulong tao sa buong mundo o pinaka gago manat sa pinaka matalino..meron at meron, nasa iyo nlng kung mumulat ka sa binibigay nila o pipikit na lang kesa dumugo ang ilong mo.
hindi ako magaling gumawa ng mga desisyon... masaklap. kasi laging sablay. ang pangit nga kasi madalas din na hindi ako maka hindi o hindi ako maka oo. mahirap kasi minsan naiipit ka ng hindi oras.
wala na yung kuting ng pusa namin, inalis na sa bahay dahil malupit mag dumi... dinala sa kung saan mang lugar ni inay. kailangan din kasi at alam ko namang nag alala lang siya. pero sa huli, lahat malungkot, kahit na yung mismong nanay ng mga kuting malungkot at naghihintay na baka nag laro lang at babalik ang mga ito pero hindi pala. sa huli, kahit na panalo eh parang mali din ang pakiramdam. wala na ang mga nagkakalat na kuting pero masaya sana silang pagmasdan kapag naglalaro, kahit papaano pang tanggal ng pagod sa mga bagay bagay sa araw araw.
lugi ka kapag wala kang laban, kahit na mag sumamo ka pa sa buong mundo na may gusto kang gawin o ayaw ma pahiwalay, lugi ka kapag ang mga taong pumapalibot sa iyo ay walang pakialam at ang concern lang ay ang mga sarili nilang alam, ganyan tumatakbo ang mundo, kung wala ka, wala kang palag sa gagawin sa iyo ng tadhana, wala kang palag sa mga bagay bagay at saka mo matatawag ang buhay na hindi fair. totoo, hindi talaga patas ang buhay, wala kang laban sa kawalan na kalaban mo simula pa lang nung pinanganak ka, kalungkutan, pighati, pasakit, saya, magaan. dumadaan yan, minsan sabay sabay, minsan isang malaking dagok, minsan akala mo hindi ka na makakabawi. minsan totoo, at minsan hindi. may laban ka man o wala, kung isa ka sa mga kilala o para kang kulangot sa tabi na pinahid sa pader. minsan mas gugustuhin mo pang malunod sa isang mundo ng panaginip at mamuhay na lang duon ng panghabang buhay, pero wala kang magawa dahil sa isang araw eh magigising ka na lang. minsan sa malungkot na parte ng panaginip at minsan naman sa masaya na parte. minsan lugi talaga, ang inaasahan ay hindi natutupad at ang hindi inaasahan ang lalabas. san ka ba talaga lulugar? magpapakabaliw sa tabi o lalaban ng sabayan kahit na hindi mo sigurado ang kakalabasan at sa huli, lugi at uuwi kang luhaan. lahat may hinahanap, mga bagay na hindi mahanap o kaya nman eh hindi talaga nagpapahanap. may nagsusumamo at naghahanap ng katarungan sa bagay na ipinaglalaban pero sa huli kahit na sabihing nakuha na nila ang hustisya, kulang pa rin. hustisya, isang salita na marami ang kahulugan, pwedeng totoo. at pwedeng hindi. mapapaiyak ka kapag wala nito [sabi ng iba] pero mapapaiyak ka kapag meron nito. lagi kang may choices, hindi parang kape kung hindi sa lahat ng bagay, papasa ka o babagsak. pagsigurado ka ng babagsak, babagsak ka ba ng todong todo o babagsak ng konti lang. pupunta ka ba sa kanan o sa kaliwa. may pagpipilian ka pero nakapikit ka kapag pumili, isa lang ang nakikita mo pero hindi mo pa nakikita ang isa. mahirap o madali, nabubuhay ka, dahil nandyan ka na. kung gusto mong magpakamatay, o mabuhay. kung gusto mong pumili o hindi. gusto mong magmukmok o hindi. hindi man o oo, lugi ka man o hindi, magulo man o maayos. buhay ka, humihinga, natutulog at nananaginip.
minsan mas ramdam mo na totoo ka kapag natutulog, mas masarap dahil parang isang tv na nakikita mo ang sarili. minsan kailangan mong pagtuunan na pag gising ka ay hindi totoo ang lahat at pag nananaginip ka ay minsan totoo... nasaraduhan lang ng tinatawag na 'standards' ang buhay at pananaw. malay mo baka ang totoong mundo ay ang panaginip at nabubuhay lang tayo sa kasinungalingan kapag gising. o baliktad. maraming posibilidad na sarado ang utak ng tao sa mga bagay na ito
.
kailangan ko ng bumalik sa tunay na mundo.
hindi gaanong madali pero totoo... -_-
emo
ReplyDeleteahahaha... hindi emo yan... kasalanan yan ng malikot kong utak... pero seriously... hindi emo yan... at hindi ako emo men
ReplyDelete"tamad mag aral, tamad kumain, tamad maglaro, tamad sa lahat... kulang na nga lang eh tamarin ng huminga... grabe... kahit mag isip kinakatamaran na, yan ang gawain ng mga adik..."
ReplyDeleteButi hindi ka tinatamad mabuhay hehehe
medyo na rin... pero hindi na gaano kasi kahit papaano nakakabawi kada araw na pagsikat ni haring araw hanggang sa umabot sa pag lubog nito... [noseblood]
ReplyDeletenakakaiyak..... T_T
ReplyDeleteahahaha... parang isang malupit na eksena sa mga palabas sa telebisyon... X_X
ReplyDelete