Tuesday, July 29, 2008

therefore

katulad ng blog bago dito. wag mo na sigurong basahin kasi wala ka namang mapupulot. [isa pa sa mga basura]







bakit ba may pera? isang piraso ng silver [actually hindi siya puro] o mga papel na may mukha ng mga namatay na tao, may numero, may kulay. pero kung tutuusin eh isang piraso ng papel na drinowingan... kung dadaan sa subject na logic namin, it's the same.

papel din yan.

pero ang galing no, kasi marami kang magagawa pera, makakabili ka ng gamit, kailangan, pagkain, minsan kaibigan daw at tao. nakasalalay din minsan yung kung kailan ka mamamatay, kung may sakit ka n nakamamatay, pag mahirap ka, wala kang laban.

mahirap at mayaman, mga estado ng buhay na kung san eh tinitimbang sa pamamagitan ng simpleng papel. hindi ka makakapg aral kapag wala kang pera, hindi ka makakapunta sa paroroonan pag wla kang pera [maliban na lang kung masipag kang maglakad, may mararating ka kahit papaano]. marami talagang tinitimbang gamit ang papel na yan, minsan pati pagkatao na ng isang tao, nakasalalay na sa pera.

wala tayong magagawa, siguro yun ang uso. pera ang in, out ang tunay na sarili.

pag wala kang pera, hindi ka makakabili ng matitinong damit. dito nababase ang apperance ng isang tao, pag mabaho ka, pag gusgusin ka, wala ka ding bawi sa mga taong kabaliktaran mo na sige lang ang paghuhusga sa iyo.

kung titignan, magulo ang lahat, kanya kanya, at may mga nanggagago at may nag papagago at may pinanganak na yata talaga na gago.

therefore sa panahon ngayon, nababase ang pagkatao at estado mo sa buhay sa pamamagitan ng matinong damit at maraming pera.

kaya gusto ko simple lang ang lahat para kahit papaano, low profile, at hindi mapapansin ng iba.

ang tanong na lang dyan para sa iba eh, bakit ka magsusuot ng kagalang galang kugn hindi mo naman mapaninidigan.

No comments:

Post a Comment