warning!
hindi para sa tamad magbasa... so kung tinatamad ka ngayon palang at sa tingin mo walang patutunguhan ang pagbabasa mo nito [ na wala naman talaga ]...
gumawa ka na lang ng ibang pakipakinabang. tulad ng pagtingin sa kawalan hanggang magluha ang mata mo
-_-
gabi na at bukas pa rin ang mga mata ko, kelangang magsipag kahit na ayaw sumunod ng sariling katawan, sa pag aaral ng engineering na aminado akong napasubo lang, hindi ko pinagplanuhan pero isang araw, namulat na lang ako na eto na, 3rd year na pala ako
napalaban na wala akong dala kung hindi isang bolpen na walang laman. lugi! naguumpisa na ang ratratan, ito ako nakayupyop sa isang tabi. takot sa mga pwedeng mangyari.
tagal ko na ring hindi na kapag blog, maswerte na ako, kasi nakabili na kami ng cpu, back on the track na sa pag boblog kahit papaano, teka lang
weyt
para san ko nga pala ginagawa to?
actually hindi ko alam, basta dinadatnan na lang ng topak sa pagsusulat, kung sana ganito nlng ang pag aaral, kahit papaano, makakasuntok ako kahit isa. eh ang kaso mo, labanan ng utak sa pagkalkula ng mga numerong hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. nagsosolve ka ng mga problema na ang mga nakaharap sa iyo ay mga loko lokong letra na sinasabi eh 'pangalan ng mga numero'. mag dederive, maghahanap ng voltage, maghahanap kung saan ipapasak ang germanium na diode, isosolve ang voltage ripple, mag iintegrate, maghahanap ng general solution, at kung ano ano pang mga kalokohan na hanggang ngayon eh natataranta at wala pa rin akong alam sa mga pangyayari. ang lupet ng buhay na pinasukan ko, malupit! kasi, umabot ako sa lagay na ito ng hindi ko alam ang nangyayari, kahit papaano, nakakapasa, walang joe, pero hindi ko lang alam kung hanggang saan ang chamba ko. sabi nila, konti nlng daw, oo nga naman, konti nlng kasi 3rd year na ako, konting paghihirap nlng gragraduate na ako. sabi ng iba pero hindi nanggaling sa akin. lakas ng fighting spirit ang kaso mo, hindi ako yung may fighting spirit. sila para sa akin at hindi ako para sa sarili ko.
gusto kong kurso, may linya sa pagdodrowing, kahit paano may math din [pero hindi kasing saklap ng sa engineering], o kaya pagsusulat. wala akong laban sa pinasukan ko, basta ang alam ko gumigising ako sa umaga, naliligo, kumakain, umaalis at pumapasok. araw-araw. linggo-linggo hanggang umabot sa taon, hanggang ngayon.
pero hindi ko alam, bigla na lang nawalang ng gana sa lahat, pakiramdam ko babagsak ako ng hindi bababa sa 2-3 na casualties. tsktsk. hindi ko alam kung saan ko huhugutin ung hinahanap kong gana sa ginagawa ko. nagkakandaletse letse na nga ako eh. seryosong walang joke.,. mahirap, pero kinakaya ko... sana kayanin ko. hindi ako pessimistic pero ang hirap talaga eh. minsan mumulat ka nlng na imbis na excited kang pumasok eh, ang linyang lalabas sa bunganga mo eh 'putek na yan? papasok nanaman ako?'.
ang ibang mga tao, gustong gusto na pumasok sa eskwela, totoo nga siguro, na hindi mo talaga alam ang gusto mo, magiiba rin ung mga pinapangarap mo o visions mo pagdating ng panahon. kung ano ang wala ka, yun ang hahanapin mo. kung hindi ka makapasok sa kolehiyo, papangarapin mo na makatapos ka ng kolehiyo, pero ang iba pag nasa kolehiyo ka na, ayaw ng pumasok. mahirap eh. minsan masaya, pero pag nageexam, maraming asayment, nagpupuyat ka. bumabagsak ka, hindi na masaya
masasabi ba na masaya na ang isang tao kapg ngumingiti? pag tumatawa? o pag humahalakhak ng walang kapararakan hanggang sa ito ay umiyak? siguro, depende na lang sa tumitingin, makikita mo naman na masaya ang isang tao kapag nakita mo,., pero lagi lang natatandaan na hindi porke masaya ka sa labas ay masaya ka sa loob.
mag aaral pa ako sa mechanics kahit na alam ko na wala ring patutunguhan ito.
ngayon natandaan ko na ang silbe ng blog ko!
tapunan ng mga walang kwentang iniisip, basurahan, hindi ko alam kung may pupulot, hindi ko alam kung itatapon ulit.
labasan ng mga kung ano ano... ng walang pakialam ang ibang tao...
sa akin lang.
hindi mo iisipin ang ibang tao habang sinusulat mo, kung hindi, iisipin mo kung ano ang nasa isip mo. wala kang pakialam kung ulit lang. basta kahit papaano.
marunong kang magisip. kahit na walang koneksyon...
ang haba.. maya ko na basahin.......
ReplyDeleteoki tapos na.. haba talaga.. >.
ReplyDeletehahaha... natapos mo yun.... ang sipag naman magbasa!
ReplyDelete