Friday, June 13, 2008
ang kwento sa loob ng kaldero 1
minsan nagtatanong ako ng mga bagay bagay... marami, nakakahilo, nakakasuka, at nakakatulili ng tenga.
nung bata ako, tinanong ako kung ano ang gusto ko sa buhay, at dahil sa mga bata eh hindi uso magsinungaling, ang sinagot ko... ung totoo. maniwala ka man o hindi, ang sinagot ko eh, basurero, policeman, o kaya farmers (hindi yung establishment sa cubao kung hindi sa bukid nagtatrabaho...) pinagtawanan ako, at ang masaklap niyan hindi ko sila maintindihan kung bakit. nakakaasar kasi hindi nila naiintindihan yung nasa-isip ko. simpleng malinis lang talaga ang pangarap kong trabaho hindi tulad ng ibang mga bata na ewan ko kung scripted na pinanganak na ang gusto doctor, nurse, architect, presidente at magnanakaw. hindi ko alam, ngayon ko lang napansin na medyo iba pala ako dahil yun ang nasa isip ko. totoo. hindi madaling maging ganoon dahil samusaring batikos na ang nakuha ko sa magulang ko at mga nasa amin. mali sa tingin ng iba, tama naman sa akin. nagkaroon ng conflict. sabi sa akin ng magulang ko, mangarap daw ako ng mataas. eh siraulo ako simula pa ng pinanganak ako. kaya ito ako ngayon. bata ako nun walang laban at talagang kailangan lang na makisabay sa agos ng buhay. kuto lang sa mundo ng mga matatandang tao... yun ako. kita mo yung significance? ako hindi...
mahirap pag naiiba ka lalo na kung parang kulangot ka lang.
(next time nlng time na ako sa internet shop)
Friday, June 6, 2008
tirador ng kaning lamig
isang pagkakamaling isinilang ako sa mundong ibabaw... niluwa na ako ng lupa... akalain mo yun sawa na sa akin yung impyerno kaya ayus siningaw ako ng lupa...
1995:
<ang laki ng taong tinalon ano?>
yan ang natatandaan ko na pagkamulat ko ng ulirat... akalain mo iyun..sa span ng limang taon eh wala akong naintindihan kung hindi kain, tulog, laro, ligo, nood ng power rangers at pagtyaga sa mga pagkakataong walang ulam eh mang tomas lang ang sabaw sa kanin...
nasa elementary na ako nun... marunong nang sumagot na hindi pabalang sa mga guro, marunong magsulat ng A B C... marunong din magsalita ng malakas na A B C... at marunong mangopya... sa blackboard. wala pa akong kabalbalan na alam nung kung hindi malaro lang ng mag laro.
1996:
sa pagkakaalam ko (dahil hindi naman ako magaling umalala ng mga dates).... nag karoon ako ng appendicities... isang irregularity sa appendix... ayun naoperahan at natanggalan ng appendix. isang linggong walang kain at puro inum lang ng isang kutsaritang tubig... pagkatapos maconfine at pag dating ko sa bahay na inuupahan namin... may mga taong sumalubong sa akin at nagtatanong kung kamusta daw ako... parang celebrity o isang politiko na sa labas ng pangangamusta ay nagsasabi sa loob ng kanilang mga isip na "waw incomplete siya... buti buhay ka pa?"
umabsent ako sa iskul ng matagal tagal din pero sa awa ng diyos hindi ako nag repeat...
1997:
seven years old ako
<another super jump sa kadahilanan na hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko dun>
2000:
millenium nun... masaya sa pagpasok ng Y2k... unang beses kong nagtry na mag paputok... nakakatakot. nakakaexcite. masaya. ibang feeling sa pagpasok ng bagong taon. ang saya saya ko masyado dahil sa isang achievement na sa wakas eh ang tapang ko na... pagsindi ng paputok sa kandilang nakatayo... sabay hagis... ayus!!! kumpleto na buhay ko... nakangiti din at nagsabi din ng welcome ang paputok...
"HAPPY NEW YEAR!"
-watusi
lahat yan pagkabata... actually ngayon bata parin ako... batang isip.. elementary ako niyan. masaya... wlang problema.
tinaya ako ni jemil... leche napilitan///
THINK BACK ON your 1st year in high school.
Let's see how much you remember and how much you regret.
What section were you?
120- kowalski
Who were your seatmates?
hindi ko na matandaan... basta mga bakal boy <pero nung mga panahon na iyon wala pa akong alam sa mga bansag sa mga estudyante...>
Still remember your english teacher?
si mam... bernardino.... kala ko nakalimutan ko na
What was your first class?
homeroom.... hahaha...
Who were your bestfriends?
sila paolo...
Who was your crush back then?
walang babae sa amin kaya wala pa na ka batch namin/ mga bata ang gusto ko tulad nila... camille prats... at ate luds at si madam auring... ayun
Made friends with the higher years?
sempre lalo na nung 3rd and 4th year.... ayeh... mga drafting boys
Had an admirer/s?
wala... walang baklang humahanga asa akin
How was your class schedule?
ayus naman pare-parehas ang pasok, pare-parehas ang uwi pero minsan talagang nalalate lang....
Made any enemies?
yung... wala naman... yata
Who was/were your favorite teacher/s?
si sr. aguilar... siya yung bukod tanging nakapag bato ng teachers table sa sobrang inis sa akin
drawing club...
Back then, do you always buy your lunch?
minsan lang ako bumili dahil walang mintis na nagbabaon ako... kaya naranasan kong matapunan ng ulam sa bag...
no match kayo dun...
pati bag sa sobrang high tech... kumakain
Were you a party animal?
hindi ako pumupunta sa mga party... pero animal ako simula nung pinanganak ako
Were you well known in your school?
hindi naman ako sikat....
Did you have close friends that were girls?
wala eh... gays nga wala asa ka pa na babae.
SKIP CLASSES?
hindi... except dun sa mga times na naeexcuse dahil sa mga pinapagawa sa akin... bait ko ho kaya nun<ubo>
Did you get suspended/expelled?
hindi.... mabait talaga ako nun
Can you sing the alma mater?
nung mga panahon na iyon oo... ngayon hindi na... kahit nga panatang makabayan hindi ko na alam eh...
What was your favorite subject?
shop practice at drafting
What was your school's full name?
Where did you go most often during breaks?
kung hindi sa futbol field. canteen. sa harap ng gym...
If you could go back in time and do it all over, would you?
gusto ko... ayus yun...
What other things do you remember most about 1st yr?
yung masaklap na private warning dahil sa late... at ang mga pamatay na field trip at marami pang iba.
<nakalimutan ko lang talaga>
Sunday, March 30, 2008
ting
Post the rules:
*Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
*Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
*At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
*Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
ten random facts or habits:
1. i like blogging but sadly ... sira ang pc ko kaya hindi makapagblog lagi
2. i like always to sit alone... solitude
3. i like to draw...
4. my ulitmate dream is to draw in a huge wall... to create a mural
5. i like to read books
6. i like to cook
7. i hate math but my course is b.s. electronics and communications engineering
8. i don't know the feeling of being inlove
9. ingat lagi sa akin kasi lagi akong may topak
10. mahilig akong magmura pero marami din ang hindi nakakaalam kung bakit nga ba... pero i try to stop cursing...
my victimes:hindi ko alam basta .,.,.
Saturday, March 22, 2008
ideology
mindsets create confusion... many don't know it...
changes are part human lives... death is the end and can be the start of something much better than life...
many of us store things leaving nothing for others...
like a painter said
pain goes away
but
beauty endures...
Sunday, March 16, 2008
-_-
if they aren't there at the time you reaaly needed them
chances are... you won't be needing them again
Thursday, March 13, 2008
basag araw ko... kaya mong buuin?
basaga araw ko... actually simula pa kahapon... daming kamalasana ang mga nangyayari sa akin... haay., sabi nga ni jemil, kapag may mga time na minamalas ka, may time na seswertihin ka...
badtrip sobra mula sa bahay papuntang sul at pabalik ulit sa bahay., nakakafrustrate na ang lahat at wala nmn bumabawi. leche, naasar ako dahil talagang may mga taong insensitive... hindi ko rin sila masisisi dahil baka ganun din ako.,, nakakasama lang talga ng loob kapag laging sira ang araw mo, simula pag gising hanggang sa makatulog ka. minsan, mag hahanap ka ng kakampi o kahit na makikinig lang sa mga problema mo kaso mo... wala...
bdtrip sobra, durugista na talaga ang araw ko, pati ako wasted. maraming kailangang atupagin, kahit na hindi mo isipin eh mag sisiksik sa iyo ang mga problema... sa ayaw mo at sa hindi. hindi nga ako makabawi sa mga nangyayari...
nabasag araw ko at sana naman hindi na ito mabasag bukas... masaklap na yung 1 linggong kabadtripan... ayaw ko na... pls..
kaso... nagbabanta nanaman sa pagsikat ng araw na sumalubong sa akin ang isang panget na araw...haays!