Thursday, December 13, 2007

simbang gabi

Start:     Dec 16, '07 04:00a
End:     Dec 25, '07
Location:     church
simbang gabi, pero sa iba simbang tabi

a part calm... more of a rage

maganda ang gising sa umaga, hindi gaanong malamig at tama

lang ang pakiramdam para maligo sa umaga... pumasok at

kumuha ng pagsusulit sa physics 2, nakasagot naman kahit

papaano. natapos ang pagsusulit na dumudugo ang aking ilong.

pagkatapos ay calculus, ako ay kumopya ng kumopya ng mga

isinulat ng aming propesor. may naintindihan pero lamang ang

walang naintindihan. gaya ng highschool pag hindi mo

maintindihan ang itinuturo ng iyong guro, mag drowing na lang

ng mag drowing. mapupuno na nga ang cover page ng aking

notes ng drowing, iginuhit dito ang mga nasa isip, tulad na lang

ng pinoy kisses (yung tsokolate). pagtapos ay may roon kaming

break na trenta minutos. napagdisketahan namin nila lex at

arwin ang pagkain ng kwekkwek sa likod ng eskwelahan.

habang kami ay kumakain ay aking napansin ang mag ama, di

nalalayo sa aming kinakainan... hindi ko na napigilan ang

aking sarili. tanong ko kay manong na may-ari ng kwekwek

stand " matagal na po ba silang tambay dito? (kahit na alam ko

na ngayon lang sila doon dahil suki na rin ako sa mga lutuin ni

manong.)" sumagot si manong " kawawa naman yung bata no?"

tama naman si manong at noong bubunot na ako ng perang

pambili ng kanilang makakain, bununot na si lex sabay sabi "

manong bigyan niyo po ng anim na hotdog yung bata, sagot ko",

?!?!?!?! naunahan ako sa aking charity work. medyo nainis ako

pero part narin na pasasalamat kay lex dahil sa kanyang

ginawa. kahit na hindi ako nakatulong naisip ko nalang na baka

hindi pa ako handang tumulong sa iba at kailangan ko munang

tulungan ang akin sarili.

bumalik kami sa aming silid at dumating na rin ang aming

guro. logic nanaman. ayus. naudlot at na postponed ang aming

quiz kanina, gaya ng dati, masaya at nagdiwang ang lahat. nag

karoon ng kaonting debate kung totoo daw ba na ang pera ay

nakakapagpasaya sa tao. may sumagot ng oo, at marami sa

hindi. parang sa pula o sa puti. kamuntik na kaming mag away

ng aking kaklase na si keso dahil sa pangyayari na iyon. pero sa

ngayon isa lang talaga ang masasabi ko. ang pera ay hindi

makakapagpasaya sa tao kung hindi ang mga posibilidad na

mabili mo sa pamamagitan nito. maganda at masaya ang loob

mo kapag nakakatanggap ka, pero mas masaya ang pakiramdam

at magan ito kapag pinakawalan mo ang pera, at ipinamahagi

mo sa mas nangangailangan. tulad na lang ng pangyayari sa

kwek kwek stand ni manong.

 hanggang sa labas ng silid nag aaway parin kami. paglabas

namin. uwian na at nakita namin si crizel sa labas ng silid.

ayun. no comment na Lang. ( pEro ang hint Ko mayroon na hindi

maliligo ng iSang taon dahil.... )

paglabas ng eskwelahan, naghiwahiwalay na kami ng aming

mga landas. sila jemil, keso, at arwin patungo sa sakayan ng lrt

at nagmamadali ng mag palevel. kami nila lex at tina papunta sa

kabilang panig ng mundo

pag uwi. pagod sa lahat ng ginawa. pagdating sa bahay... !@#$!

walang sinaing. gutom na ako. o hindi. nahuhuramintado na

ako sa bahay. ang akala daw kasi ay hanggang hapon ako.

kakain ako ng cup noodles. !@#$! walan joe. walang mainit na

tubig. ubos. WAAAAA! nag init na lang ako ng konting tubig,

nagpalamig ng ulong busog sa inis, at nambitin ng gutom na

bulate sa tyan. ika nga ni keso. "NAG SA-SMACK DOWN NA ANG

MGA BULATE KO SA TYAN". pagkainit ng tubig na pang lagay sa

aking noodles. kumain na ako ( alangan naman na titigan ko

lang).... noodles at natirang pandesal galing sa panaderya

kaninang umaga. pag kakain ko. nagsundo na ako sa aking

nakababatang kapatid. paakyat na ako sa isang bundok ng

nakita ako ni manong drayber ng tricycle. suki na kami nun

kaya kilala na kami eh. eh di yun. hindi na ako pinaglakad at

isinabay na rin ako papuntang eskwelahan. tapos nung pauwi

na sa kanya parin kami sumakay bilang utang na loob.

pagkauwi ko ay nag bukas ako ng pc. mag boblog na muna ako.

pampatangal antok... noong panahon na ipopost ko na ay sa

KALOKOHAN NG MERALCO. NAGBROWNOUT at nawala lahat ng

iti-nype ko at KAKABWISIT! walan joe. itinulog ko na lang ang

aking inis. badtref. pag gising ko nag wawala si ate zen! ayus

badtref ako natulog, badtref parin nung gumising. ayun..,.

buti nalang at umalis sila so nagpatugtog ako ng malakas sa

bahay... tanggal ang badtref at tanggal pati tenga ko.

nandito ako ngayon nag tatayp... sana hindi mag brown out.


yes nakapagpost na rin!!!! OYEH!!!

gagawa na ako ng mga takdang aralin... ika nga eh ito ay

pampainit pa lang... nakatulog naman ako kaya magagawa ko

ang mga iyon...

ang tanging hiling na lamang ay

sana hindi ako malate sa vincentian studies

exam namin bukas!

CTR+C

CTRL+V

Wednesday, December 12, 2007

such a good day

such a good day....

little by little, now i realize what's wrong. well, it's just a step by step process. hindi ka pwedeng magmadali for the simple reasons that you might miss out something. now most probably, you cannot count the things you have not yet recieved...

a good day started cold...


pagkagising ko kaninang umaga, ang lamig sobra na to the point na ayaw kong maligo... sobrang malamig talaga... sarap tuloy matulog dahil puyat nung isang gabi, busy na gumagawa ng assignment sa physics lab... it's all right ang problema nga lang eh mahabang gawin... oh well, so pumasok ako kaninang umaga, late. medyo nasa plano na mag pa late dahil magrerebyu ako sa philippine literature, nag quiz kami kanina, ayun pumasa naman. eh di one down na. kaso nasacrifice yung theo 4
hindi gaanong maganda. next na nga eh yung physics lab. ang dami pa kasi sobrang irerewrite. so IT'S CRAM TIME... gawain ng isang kt boy nung highschool yan pati na rin ng mga batang lipas gutom nung college. hindi naman ako gaanong nagcram kasi nagawa ko na yung iba... ayus na.... natapos naman in time ng maayos... time for PHYSICS LAB QUIZ! nakasagot naman ako dahil gumawa ako ng assignment... tapos nun, ang balak ko eh pumunta na sa busko, dadaan lng ako... kasama ko sila marian at si lex sa sm. nilibre ako, at konting pakipot ako pero bumigay din... hahaha... matagal tagal din pero ayus naman... tapos pumunta ako sa busko... dalawang sakay ng jeep dun na ako... dami kong nakita, sila phillippe, marben, at si lukas... maraming salamat senyo dahil kelangang kelangan ko yun... well ang main objective ko is, paratumambay at batiin si mam diosa ng hapi berday... tapos, maraming ng yari....

euphoric.

that's the word today. masaya because ang experience today ay nakapagpagaan sa napakagulo kong buhay... (drama?!) well, today is good. and everyday i think will be...

salamat sa pari na hindi ko alam ang pangalan...

salamat sa mga nakasama ko kanina... tnx...

i appreciate it a lot. 

Monday, December 10, 2007

start of christmas vacation

Start:     Dec 22, '07 12:00a
the day when christmas vacation starts

levanter just blew hardly at my face

balik na ako...

well i've got to things inside my pocket.

impatience & a future that's not too good & has a risk of breaking and falling apart..

kung dati eh medyo matino at may konting clarity ang aking focus, ngayon wala na talaga. i think i am failing my subjects, wala na akong natututunan, i think of many things that i really don't know... nakakainis, i think i'm sealed in some space, and i don't know how to get out of it, or... i don't really know... dati kahit konting linaw meron ako, pero ngayon, wala na talaga ata, medyo tinatamad na nga akong mag aral pero i'm fighting, i'm living almost in the sense of only living it. marami ng mga bagay na talagang hinihintay ko o talagang kailangan ko, kaso hindi dumadating, hindi ko alam kung ng aasar lng o ano eh... hindi ko alam kung kakampi ko ba ang mundo o kalaban ko... literally.  ang hirap, dahil gusto kong magawa pero hindi ko magawa, may certain things na talagang kontra sa akin. im being impatient dahil sa mga bagay na iyon. i need strength, but strength won't go near me, ayaw pati inspiration, wala talaga. the whole world conspires to help you towards your personal legend... now i've got doubt about it. i dunno.. maybe i need a break, kahit ilang araw, as in break, pumunta sa ibang lugar o kung ano man. now at times, im crying for something i don't know. napapaisip nga ako kung ang ibang tao kapag nahihirapan eh ganito ka lala. ang naghihirap walang pera, pwedeng umutang kapag gipit pero sa lagay ko, hindi pwedeng umutang, dahil for simple things na hindi mo alam kung ano ang uutangin mo. things are against me, that's what i feel, in every aspect, every point where i turn. katulad na lang ni inay, all that i hear from her kahit na noong dati pa eh puro sermon, puro problema, lahat ng masasama, sa akin binabato. all efforts, walang effect, basta hindi maganda para sa kanya, REJECTED! i wish for acceptance, hindi naman dumating sa kanya kahit minsan, well, baka dumating ng ilang times, pero madaling natabunan lang ng kanyang halos araw araw na galit. ONLY I WISHED FOR IS A LITTLE ACCEPTANCE, AND NOW, THE LITTLE SELF ACCEPTANCE THAT I HARDLY EARN FROM EVERY BODY WAS LOST... im starting to hate everything. hindi na ako makapagjokes katulad ng dati. sobrang bigat ng feeling ko, and it's still geting heavier everyday that passes by. no improvements what so ever... gusto ko din sanang magkaroon ng kausap, kaso as usual wala parin. now time ticks and nothing is being done... starting to hate this cycle, starting to lose focus, starting to hate everyone. it all started on the time that i don't know... im seriously breaking down...

nawawalan na ako ng gana sa paggawa ng kahit ano... sa lahat.

everyday i cry, i think nobody notices it. pasimple lng pero effective... wala talaga akng makausap ngayon, na makakarelate ako sa kanya at siya sa akin

to sum it all up, im now living in a life that is full of suffering and sadly nobody is interested in helping me. IM LOOSING WHAT I WORKED FOR AND LOOSING SOME MORE FOR THINGS THAT I DIDN'T HAVE...

i hate this all...





Monday, December 3, 2007

.....

medyo pahinga muna ako sa mga blog... i dont know.. siguro for a change... just doing something different... well i will resume in due time...

well this is not my last ...


i live a day full events
i day that only i can carry
with friends and family
creating an event somewhat special

it was early in the morning
when i walk to the road
saying thanks for another day
that was given for a chance to make a change

then i ride on a bus
thinking of many things
school, things to do, and many more
preparing for whats to come

then i realized
im busy preparing for too many things
counting and somtimes, thinking for what will happen
then i forgot to live my life


.....

medyo pahinga muna ako sa mga blog... i dont know.. siguro for a change... just doing something different... well i will resume in due time...