Saturday, February 21, 2009

signs




napagtripan lang na ipost.

2nd day

family or friends?

isang tanong na itinanong sa akin.

family or friends.

pwedeng family

pwedeng friends.

ang sabi ko, sa gitna ako. family and friends. so pwedeng i give up ang family para sa friends/ ganun ba?

sabi ko, hindi naman. nasa gitna ako at hindi pweden pakawalan ang friends, hindi mo din pwedeng baliwalain ang family.

sabi niya, dapat family muna. saka na ang friends.

depende sa tao, kasi kung ang family eh sobrang close. talagang yun ang i-priprioritize. pero kung yung family eh hindi functional. syempre sa friends ka dedepende. hindi naman kasi lahat ng tao pare-parehas kaya hindi pwedeng i-compare yung sitwasyon ng isa sa isa. papasok yung individuality at uniqueness depende sa hinihingi ng sitwasyon.

para sa akin, hindi ko pwedeng pakawalan ang parehas. so what kung meron "you cannot have the best of both worlds?"

hindi naman naghahangad ng "best" of both

yung tama lang. nothing more nothing less

as of now.

kasi yan lang naman ang meron ako eh.

Tuesday, February 17, 2009

archive




nakita ko sa archives. mga pistures nung highschool.

quote unquote

when you are stuck loving someone, no matter how hard you try to forget that person , it's just not enough.

sometimes all we can do is stay away, and it does help a bit just for a while.

cause when that person shoes you even the smallest gesture of affection

all your efforts of moving on go down the drain and you are left alone again with nothing else to say but

"damn i just fell for that again."





Monday, February 16, 2009

-_-

kailangan, mag karoon ka ng goal sa buhay. kailan ba ikaw magiging responsable? dapat mag open up ka sa akin. dapat mag karoon ka ng self esteem. bakit ako nung tumungtong ako ditosa manila, hindi ako marunong magenglish at matigas ang accent ko. wlang madali. bkit hindi ka mag open up sa akin. sayang ang oras mo. ako kinaya ko yung dati, mahirap din pero kinaya ko.

bkit nga ba kaya hindi ako makapag open up?

kung titignan mo, malalaman mo ang sagot.


Sunday, February 15, 2009

offspring.

in every offspring, variances are created. there are one's born to be silent, some active, some responsible, some sensible, thus uniqueness is created and behind this, favoritism. in growing up, guiding are the parents, deciding what will happen to the offspring, combination thus formed, the inborn strength of that person and the traits imposed by that of the parents. moving forward, the offspring creates his/her future. walking forward to supposed to be, a future of his own creation.

for the first time, walking alone. but then again there are those parents who still impose what they want for the future of that offspring. pride is at stake every step they take. some walking with still but less guidance, on the other side, some are pushing to the flow created by the parent. persistent to continue a broken dream created by the past generation to compensate the things that they lack to themselves.

some of those are proud to the things even small triumphs and others
don't give a damn to the huge triumphs and still wanting, more ambitious to be at the top to feed pride. over doing being a parent and treating them not as an offspring but a medal, award and somethings shiny to become famous to those envious of them.

patience

patience is still a virtue...

habaan ang paxenxa

tina's fart 2




prom bus to tina's to bus again ito ang obyus na fart 2.. galing naman sa talagang source ng mga pictures.. si papa jems

Friday, February 13, 2009

tina's fart 1




isang session, fud trip at kung ano ano pang kalokohan, laughtrip. hindi pa editted yung captions.

galing sa bagong phone ni jemil XD HANEF!

Friday, February 6, 2009

ang sampung batas ng pagiging konyo

isang pakalat kalat na mga batas ng pagiging konyo, no offense pero talagang nakakatawa... naiiisip ko rin paano kaya kung sinasabi din ito ng mga konyong lalake. enjoy sa pag babasa. pasensya na pero nakakatawa talaga, at para sa akin, may halong pagkabanas. ayaw ko kasi nitong mga to eh pero nakakatawa. pasensya na sa tatamaan, kanya kanyang pananaw lang yan sa buong mga parekoy. :D

Ang sampung batas ng pagiging konyo.

1. Thou shall make gamit make plus pandiwa .

example

Let's make pasok na to our class!

Wait lang! I'm making kain pa!

Come on na, we can't make hintay anymore! It's in Andrew pa, you know?

2. Thou shall make kalat noh, diba and eh in your pangungusap.

example

I don't like to make lakad in the baha nga, no? Eh diba it's like, so eew, diba?

What ba: stop nga being maarte noh?

Eh as if you want naman also, diba?

3. When making describe a whatever, always say It's SO pang-uri!

example

It's so malaki, you know, and so mainit!

I know right? So sarap nga, eh!

You're making me inggit naman.. I'll make bili nga my own burger.

4. When you are lalaki, make parang punctuation dude, tsong or pare

example

Dude, ENGANAL is so hirap, pare.

I know, tsong, I got bagsak nga in quiz one, eh

5. Thou shall know you know? I know right!

example

My bag is so bigat today, you know

I know, right! We have to make dala pa kasi the jumbo Physics book eh!

6. Make gawa the plural of pangngalans like in English or Spanish.

example

I have so many tigyawats, oh!

7. Like, when you can make kaya, always use like. Like, I know right?

example

Like, it's so init naman!

Yah! The aircon, it's, like sira!

8. Make yourself feel so galing by translating the last word of your sentence, you know, your pangungusap?

example

Kakainis naman in the LRT! How plenty tao, you know, people?

It's so tight nga there, eh, you know, masikip?

9. Make gamit of plenty abbreviations, you know, daglat?

example

Like, OMG! It's like traffic sa LRT

I know right? It's so kaka!
Kaka?
Kakaasar!

10. Make gamit the pinakamaarte voice and pronunciation you have para full effect!

example

I'm, like, making aral at the Arrhneo!

Me naman, I'm from Lazzahl!

the end.

Tuesday, February 3, 2009

@

hindi lahat ng gyera ay napapanalunan lamang sa pag sugod (hindi ko alam kung ano ang example nito. pero sabi nila eh... oo nlng muna) yung iba napapanalunan sa pag atras.tunog magulo at pati ako naguguluhan pero sabi nila, may tamang panahon sa lahat... pag sugod man ito at pag urong...

alamin ang tamang panahon para sumugod at umatras...

T_T... bangag nanaman ako..

Monday, February 2, 2009

crap

you're more of an instructor than of a parent
you're treating me a trash than of a son
you're not just one... but two of you.
you don't know what i feel

so like what i knew
always respect your elders
so

f*ck you po.

!

mahirap mag umpisa... lalo na pag nakakatamad...

pero once na maover come mo na. mahirap naman magtapos... lalo na pag naeenjoy ka na...

kanya kanya talaga ng tadhana ang tao... may hindi naniniwala dito at meron nman na naniniwala, meron din na alanganin.

pwedeng ikaw ang gumawa ng sarili mong tadhana at pwede ka din namang maniwala na kahit papaano, may bwelo ka sa mga gagawin mo sa buhay.

may nagkakamali, may nadadapa, may sablay may magaling at may tumatayo sa pag kakalugmok. pwede din naman na tumengga ka buong buhay mo.. nasa iyo na yun.

sabi nila, gawin mo kung ano ang sa tingin mo eh dapat mong gagawin, kung ano ang gusto mo... dahil pangalawa sa may alam ng lahat ikaw ang nakakakilala sa sarili mo, kung ano ang gusto mo at kung ano ang ipaglalaban mo.

may mga taong alam ang sarili, gawin mo ang lahat para magawa ang alam mong dapat mong gawin. pagsikapan, pag hirapan, hindi mo kailangan na tumanga buong araw at walang gawin dahil sa katarantaduhan na tinatamad ka. pero kung tinamad ka na... piliting magbago para sa mga tao nahumuhusga sa anyo mo... pero higit sa lahat, para sa sarili mo. gawin mo para hindi mo pag sisihan sa huli.

sa mga tao nman na hindi pa alam ang sarili, wag mag madali. maaaring sa pag mamadali mo eh malihis ka... alamin ang sarili... hindi lahat ng bagay na dadaan sa madalian. panahon ang kaagapay mo para malaman kung sino ka.

hindi lahat ng sabihin ng ibang tao ay tama. pero hindi din naman lahat mali. depende sa pagkakataon, depende sa sitwasyon at higit sa lahat depende sa tao mismo... hindi lahat ng bumabagay sa iyo ay bumabagay din sa iba. matuto kang magisip sa lugar ng ibang tao lalo na kapag isa kang kaibigan, hindi madali ang magbigay ng payo at hindi din naman ito ganun kadali makapagkumbinsi ng tao.

pasensya, hindi sa isang iglap ito ay hahaba. katulad ng ibang bagay, pagsasanay ang kailangan nito. mas madalas mong gawin ay mas madaling masanay. hindi mo kailangan na malamig lagi ang ulo, at hindi mo lalo kailangan ng mainit na ulo... kailangan ay ibagay mo sa sitwasyon... ang sikreto ay hindi sa palagian pggamit kung hindi sa tamang pag gamit. lamigan ang ulo, sa mga kapanahunan na hindi kalamig lmig ng ulo. pag nakaisip ka na ng solusyon, saka gawin ito ng kainaman.

*tirador ng kaning lamig