mahirap mag umpisa... lalo na pag nakakatamad...
pero once na maover come mo na. mahirap naman magtapos... lalo na pag naeenjoy ka na...
kanya kanya talaga ng tadhana ang tao... may hindi naniniwala dito at meron nman na naniniwala, meron din na alanganin.
pwedeng ikaw ang gumawa ng sarili mong tadhana at pwede ka din namang maniwala na kahit papaano, may bwelo ka sa mga gagawin mo sa buhay.
may nagkakamali, may nadadapa, may sablay may magaling at may tumatayo sa pag kakalugmok. pwede din naman na tumengga ka buong buhay mo.. nasa iyo na yun.
sabi nila, gawin mo kung ano ang sa tingin mo eh dapat mong gagawin, kung ano ang gusto mo... dahil pangalawa sa may alam ng lahat ikaw ang nakakakilala sa sarili mo, kung ano ang gusto mo at kung ano ang ipaglalaban mo.
may mga taong alam ang sarili, gawin mo ang lahat para magawa ang alam mong dapat mong gawin. pagsikapan, pag hirapan, hindi mo kailangan na tumanga buong araw at walang gawin dahil sa katarantaduhan na tinatamad ka. pero kung tinamad ka na... piliting magbago para sa mga tao nahumuhusga sa anyo mo... pero higit sa lahat, para sa sarili mo. gawin mo para hindi mo pag sisihan sa huli.
sa mga tao nman na hindi pa alam ang sarili, wag mag madali. maaaring sa pag mamadali mo eh malihis ka... alamin ang sarili... hindi lahat ng bagay na dadaan sa madalian. panahon ang kaagapay mo para malaman kung sino ka.
hindi lahat ng sabihin ng ibang tao ay tama. pero hindi din naman lahat mali. depende sa pagkakataon, depende sa sitwasyon at higit sa lahat depende sa tao mismo... hindi lahat ng bumabagay sa iyo ay bumabagay din sa iba. matuto kang magisip sa lugar ng ibang tao lalo na kapag isa kang kaibigan, hindi madali ang magbigay ng payo at hindi din naman ito ganun kadali makapagkumbinsi ng tao.
pasensya, hindi sa isang iglap ito ay hahaba. katulad ng ibang bagay, pagsasanay ang kailangan nito. mas madalas mong gawin ay mas madaling masanay. hindi mo kailangan na malamig lagi ang ulo, at hindi mo lalo kailangan ng mainit na ulo... kailangan ay ibagay mo sa sitwasyon... ang sikreto ay hindi sa palagian pggamit kung hindi sa tamang pag gamit. lamigan ang ulo, sa mga kapanahunan na hindi kalamig lmig ng ulo. pag nakaisip ka na ng solusyon, saka gawin ito ng kainaman.
*tirador ng kaning lamig
No comments:
Post a Comment