medyo maalinsangan. kasing alinsangan ng panahon ang laman ng utak ko. endless what if's. playing scenarios endless thinking, like any normal day. parang naging addiction na yung pagiisip. magulo, magulo ang pagiisip ko, halo halo, makalat, parang bagoong. sa bawat bagay na ginagawa ko, nagiisip ako, kung ano ang makukuha ko dito, nagsisimba, nagmamasid, nakikipagtalastasan. trying to figure out something, something na hindi ko alam.
hindi natin napapansin na malaki ang influence ng social media sa takbo at pananaw ng isang tao sa buhay. kaya kung gusto mo na mabuhay sa buhay na talagang gusto mo at hindi dahil naiinggit ka sa ibang tao, friendly advice. wag mong sayangin ang oras mo sa panonood ng tv, or, piliin mo kung ano ang mga papanoorin mo.
nakikita ko sa local tv,
sa balita, all those bad news, edited to become more gruesome at maging mas lalong masaklap
ang sinasabi nilang pang-masa na shows, yung iba, nakita mo ba kung paano ang arrangement ng mga audiences? nasa harap yung mga may kaya, at nasa kasulok sulukan lang ang mga talagang nangangailangan. ang mga merong nakakalungkot na estado sa buhay, lalong nakakalungkot tignan. parang isang tao na nanlilimos sa bahay bahay sa pamamagitan ng pagdungaw sa labas ng malalaking gate.
pagnabiyayaan ka ng limos, sapilitan pa na pinapasabi na maraming salamat sa ganito. sa ganyan.
mga drama tungkol sa pagibig at buhay kuno daw. pero pareparehas lang naman ang nangyayari, may kontrabida, may bida. hindi uso ang tulungan, mas uso pa yung inggitan at papatay dahil sa inggit. mga baluktot na sistema ang pinagbibigyang halaga.
pugad ng chismoso at chismosa, walang takas kahit yung kuyukot na malakas magpawis... tutuligsain.
gumagawa sila ng pera, gamit ang mga ito, at aliw na aliw naman tayo sa ginagawa nila. parang hindi sadyang nabebrain wash ang mga tao. i can say that media can easily manipulate yung mga tao... minsan parang naiisip ko na ako din siguro.
tapos biglang pumasok sa isip ko...
are these all my thoughts don't have sense? XD
No comments:
Post a Comment