dear buhay,
Ikaw ang bida sa sarili mong istorya.
Sabi nila “ganun talaga ang mga bida, sa umpisa nagpapagulpi at sa huli bumabawi.”
Sa mga pelikula ganun ang nangyayari, pero sa tunay na buhay? medyo magiisip-isip ka. Sa buhay natin, nagugulpi tayo ng kalungkutan, problema, mga bangungot na ayaw tayong tantanan. Aahon ka pa lang sa isa, andyan nanaman yung second wave. Minsan nga eh tandem pa sila ng tropahan nila at duduruin at pagtatatadyakan ka nila ng malupit. Yung mga taong inaasahan mo, wala. Akala mo magisa ka lang, lugmok. Ang mukha mo ay nakahilahod sa daan, duguan, hindi ka na makatayo sa dagok na ibinigay sa iyo.
Pero hindi ka din makakatiis, magtatanong ka sa sarili mo, san ka nagkamali? naging masama ka bang nilalang para parusahan ng ganun? Marami kang tanong habang tinutulungan mo ang iyong sarili na kahit papaano eh tumihaya. Sa daming tanong na pinakawalan mo, hindi ka nga hilahod ang mukha sa dumi ng daan, gulong-gulo ka naman. Hindi na masakit ang katawan mo, dahil unti unti nang nanoot ang sakit ng mga tanong mo sa loob ng katawan at isipan mo. Dahil ngayon, mas masakit na yung mga naiisip mo at tuluyan ka nang nilalamon nito, nang sarili mong kadiliman, ng sarili mong bangungot. Isa sa mga panahon na alam mong bibigay ka na. Pitik na lang, tiklop ka na.
Naaalala mo na yung, mga taong minahal mo, minamahal mo at mahal mo. Kasi alam mo sa sarili mo na importante sila sa buhay, na mas importante pa sila sa buhay mo. Pero ngayon, kailangan mong pansinin ang sarili mo, na hindi mo napansin pero napabayaan mo na pala yung sarili mo ng hindi mo namamalayan. Hindi ka sigurado kung tama ka o mali, pero ganun kasi sila kaimportante na kahit sarili mo ay mapabayaan mo maasikaso mo lang sila, dahil alam ng puso’t isipan mo, sila lang ang kaligayahan mo. Hindi naman siguro masama na pansinin mo din ang sarili mo paminsan minsan, pero ngayon, parang pansin mo, huli na ang lahat.
Kadiliman lamang ang nakikita mo, yung lakas na kailangan mo, wala na. Magisa ka na lamang sa krusada mo. Madilim. Nakakatakot. Magulo na ang lahat. Nakapikit ang mata mo, pero sa kinahihigaan mo, ramdam mo na patuloy pa din ang ikot ng mundo, hindi siya huminto para sa iyo. Nararamdaman mo na lahat ng tao sa paligid mo’y gumagalaw at dinadaanan ka lang. Ramdam mo na ang lahat ng galaw sa paligid mo ay slow-mo.
Madilim pero susuriin mo ulit ang sarili mo, kaya mo pa ba? Para sa mga mahal mo sa buhay? Babalikan mo ang mga nagawa mo na, at magiisip ka. Sapat na ba yun sa pinapangarap mo para sa kanila. Na kahit napabayaan mo ang sarili mo para sa ibang tao ay sulit naman pala ito. Kakayanin mo pa ba? Walang katapusang tanong ng simpleng nilalang na kagaya mo.
Masakit, mahirap, pero ginawa mo. Pilit mong tinaas ang kanang kamay mo, sinubukan mo. Hindi mo sigurado kung ano ang mangyayari, pero ginawa mo pa din.
May humawak ng kamay mo, isang tao na hindi mo naman kakilala. Inakay ka niya, at pagmulat mo. Nakita mo, maraming tao, may kanya kanyang laban. Na yung gumulpi sa iyo at ang libo libong iba pa ay mayroong katapat.
“hindi mo naman kailangang mag-isa eh”
Tumingin ka sa kanya at napansin mo ang ngiti sa kanyang mata.
“Andito lang naman ako lagi eh. Masyado ka lang ata naging busy sa pagiisa mo.”
“Pasensya na kung marami akong nagawang mali, nahihiya na kasi ako, sa dami kong nagawang mali sa buhay ko, andyan ka pa din. Na napapansin lang kita kapag may kailangan ako, pero pag masaya ako wala, nakakalimot din. Pasensya na sa lahat.”
Nagtanong ka sa sarili mo, kung kaya mo pa. Ngayon kahit papaano may liwanag ka na nakita.
04/18/2011
bookmarked. :))
ReplyDeletehahaha. salamat?!
ReplyDeletein the end talaga kasi sarili mo lang makakatulong sayo eh.. kung aasa ang tao sa tulong para san pa ang experience na binigay Niya devaaaaaaa.
ReplyDeleteun pala e. inlablog pala to. haha!
ReplyDeletehindi yan inlabablog. tae
ReplyDeletekablog?
ReplyDeletemedyo kablog sr. hahahaha
ReplyDelete