ang pag-ibig.
love sa ingles.
"merong mga naghahanap, nakakita na, at yung iba sumuko na. "
yan ay galing sa isang kataga sa isang magandang palabas. totoo kung tutuusin, pero ano nga ba talaga iyon?
ung ibang lalaki, matatabil ang labi at matatamis ang mga sinasabi sa mga babae, pero hindi naman tutupdin at sa huli mangiiwan lang. yung iba naman, sa umpisa lang tapos pag tumagal, parang wala na lang. merong nagpapaasa na lang para mang power trip o katuwaan lang. ang mga katangiang ito, hindi lamang panlalaki pero sa mga kababaihan din. pwedeng dahil lang sa natural na ugali ng isang nilalang, pero pwede din naman na dahil sa isang traumatic experience dahil sa kagagawan ng nasa kabilang kasarian.
pero hindi naman natin maikakaila na meron din namang mga successful. nakita nila ang taong gusto nilang kasama panghabang buhay at hindi na nila pinakawalan ito. pinangalagaan, at papangalagaan ang isa't isa, hindi lamang sa pisikal na aspeto pero sa lahat. bakit kanyo? nakita nila ang isang katangian na hindi na nila makikita sa ibang tao, hindi dahil sa maganda ang pangangatawan, o dahil sa pananamit o sa natapos nito. nakita nila ang katangian na hindi lamang siya partner kung hindi kaibigan, kapatid, magulang, at kasintahan sa isang tao.
kaso meron din naman, na ayun na. malapit na eh. kaso kinapos, hindi kinapos sa nararamdaman para sa isa't isa pero dahil kinapos sa lakas ng loob. kabaliktaran ito ng nauna na puro lakas ng loob pero walang substansya. ito puro substansya pero walang lakas ng loob na iparamdam sa nagugustuhan. masakit man. pero siguro, kung sila talaga ang magkakatuluyan, magagawan din nila ng paraan yun, pagkakataon lamang ang kailangan. hindi ito kailangang hintayin dahil kung talagang hindi mo na mapigilang lumabas ang nararamdaman mo, lalabas ng kusa ito. depende na lamang sa pagsasabihan kung paano ito tatanggapin.
maraming kailangang ikonsidera. pero ang pagibig, puro risk dahil hindi ka nakakasigurado kung ano ang mangyayari sa mga susunod na kabanata. nakakatakot mang isipin pero pwedeng may masaktan at may makasakit, depende sa kanila kung kaya nilang gawin yun sa taong nagturing sa kanila na sa kabanatang nagdaan ay naging pinakaimportante sila sa mundo ng isang tao. ang pagibig ay hindi madamot, nagbibigay ito ng init sa kalooban. masarap umibig at ibigin. masarap magmahal. nakakatakot pero ayus lang lalo na kung suportado ka ng mga tao sa paligid mo. ang pagmamahal ay hindi lamang para sa dalawang taong nagmamahalan pero para sa mga taong mahal ang mga tao sa paligid niya. ang pagmamahal ay ang mainit na araw na sumisikat sa umaga, ang bulaklak na umuusbong sa tamang panahon. ang pagibig at pagmamahal ay lahat. nabubuhay ang tao sa pagibig kahit na sabihin pa nito na puot ang nasa puso ng isa. pwedeng minamaskarahan lamang ito noong taong iyon pero sa loob loob niya, pagibig pa din ang bumubuhay sa kanya. matabunan man o hindi. ang pagibig at pagmamahal ay nandyan. ang pagibig ay may respeto,
at higit sa lahat. ang pagibig at pagmamahal ay ang pakiramdam na nararamdaman mo habang binabasa mo ito.
No comments:
Post a Comment