Wednesday, September 30, 2009
Tuesday, September 29, 2009
Monday, September 28, 2009
when dragonflies fly near the tree
so andito nanaman ako sa harap ng computer. type type type... mainit ang ulo dahil sa napanood ko sa tv...
yung vice mayor na nakatira sa decastro village (lalaki at medyo may edad pero kaya pa eh) nakisakay pa sa rubberboat na nilaan para sa mga bata at babae at may sakit... yung tubig kayang lakarin ng lalaki...
ang kapal ng muka mo parekoy... ung mga kagaya mo ang hindi nirerespeto. baka nasapak ko na yun eh.
nanggaling ako kanina sa puregold agora. balak ko dapat humiram ng vcd sa video city... pinapahiram ako ni mama... wala akong choice kahit na wala ako sa mood manood... magchecheck din dapat ako ng balance sa malapit na bdo atm.
maraming naglalakad, maraming may dalang supot, busy medyo magulo. hindi normal
lakad pa... maraming nakapila sa atm ng ibang bangko... hmmm handa na akong pumila. kaso pagdating ko sa may atm, walang pila.... sarado, may problema daw sa koneksyon so inaadvice nila na pumunta sa broadway... malapit lang kaya hindi ako pumunta... baka abutan ako ng gabi... so tuloy lang sa video city...
lakad lakad, kalat... oi may kalat pa... aw... meron pa ulit... yung mga kalat na yun ay mga tumpok ng basura. yung agora wet market na located sa ilalim ng puregold. sarado pa din. puno pa ata ng tubig, ang masaklap may mga bangkay daw sa ilalim nun. ngayn ko lang nakita yung bakas ng baha... mataas pala talaga. kung nandun ka sa baha... lulubog ka. yung wet market nasa plaza na... konti lang ang tinda. marami ang bumibili. trapik... iba ang pakiramdam ng kapaligiran... may tension...
merong mga fire truck na humihigop ng tubig sa lubog na palengke... nakita ko yung isang branch ng lbc... naglilinis. maraming sinasakay sa truck pero hindi mga idedeliver. mga basura... lakad lakad..dmating ako sa video city... oi bukas. kaso nakalagay close tinignan ko yung loob. nakakalat lahat ng mga vcd, dvd... sayang...
lakad lakad pauwi... nakauwi na ako
hindi maganda yung mga nakita ko... mga bakas na iniwan ni ondoy.. sa amin hindi gaanong kita ang bakas pero sa ibang lugar.... posibleng 40 times ang hagupit.
contemplate....
isip
bukas ng computer, nakita ko ung mga updates sa face book.
mas malala... masakit man sabihin parang walangpakialam
ano na nangyari sa atin...
may pasok ba bukas?
yes walang pasok bukas...
movie marathon.
bilhin niyo ako sa friends for sale
tranformed their ugly duckling into a beautiful swan in FarmVille!
at ilan pang status tungkol sa pagibig
ano na... mga teenagers, masaklap man sabihin, dito din sa bahay ganun...
may sarili nga tayong mga buhay... hanggang dun na lang?
may mga tutubi na lumilipad sa daan. nakita ko yung nung pauwi ako... so yung ibang hindi naapektuhan... patay malisya?
sa mga hindi naapektuhan... hindi niyo talaga alam yung sitwasyon. hindi mo naranasan.ikaw kaya ang maglakad sa baha.. ikaw kaya ang mastranded sa bubong at kahit anong sigaw mo walang dumadating na tulong. hindi mo alam yung pakiramdam na basa ka buong araw...
kung ikaw ang maipit sa sitwasyon nila? at ang ibang tao ang sabihan ka sa muka mo na wala kaming pakialam... ano gagawin mo? ang saya no?
Sunday, September 27, 2009
Saturday, September 26, 2009
september 26,2009
it was a simple day. unforgettable
6:46 "ay shet late na ako!"
i remembered it perfectly,
pagmulat ko, dali dali kong inabot yung cellphone sa sidetable... linsyak ang lamig... masarap matulog. buong gabi palang umuulan kaya masarap matulog kasi last night 7 pm tulog na ako...AYUN! malupet.nagmamadali kong inabot yung towel ko. takbo pababa ng hagdan para mligo. nakita ko si papa na naglalaba... ligo na ako kahit malamig. yun buti nakasurvive sa paliligo ng malamig. paglabas ko ng cr. tingin sa orasan. yes! 6:52... nagdalidali na akong mag ayos ng gamit at sumibat sa bahay...
buti nlng yung nasakyan kong bus hindi marunong umapak ng break... palibhasa walang trapik dahil walang sasakyan sa daan. ayun... naka dating ako ng skul ng 7:16... nakita ko si classmate sa 7 eleven sa may skul... naghahantay kay rachel (isang classmate din sa aming art app) YUN around 7:20 dumating din at kami ay pumunta na sa cs gate ng adamson... kami ay naghintay sa mga tao para pumunta sa venue... kasama yung isang class ni sr. so masaya kahit na walang almusal... sumakay nga pala kami ng bus na papuntang pandacan sa harap ng sm manila. jumojoke tym pa nga kami eh... pag baba namin sa may church ata ng pandacan... ayeh! naglakad kami papuntang.... ahhh... hindi ko alam yun lugar eh... para sunduin yung parang mag aasist sa amin sa venue... tapos un... malakas na yung ulan eh... saya saya... naglakad ulit kami papunta sa binabaan namin... in short were back from where we started.... tapos sumakay kami ng jeep... 2 jeep yung sinakyan namin... comedy nga eh... puno at dalawa kaming sumabit... pag dating ko sa venue basa na yung damit ko kasi malakas yung ulan...XD tumengga pa kami sa venue pagdating namin. kwentuhan, chitchat...you get the point. after sometime. nagumpisa na kami sa aming dapat gawin... ang paggawa ng mural. may naglinis, mag nagdrowing, may nagsagawa ng art class sa baba ng venue kasama ang mga tsikiting... yung isa nga naming kaclase eh nadulas pa sa hagdanan... pero in the end kahit na masakit ang balakang naging ok naman... so thats good.
drawing drawing... tapos nag check ako ng cell... sabi cancelled ung praktis para sa g.a. pati g.a. cancelled kasi daw malakas ang ulan.... it was around 11... so dapat paalis na ako sa venue nun eh... tinuloy ko na lang sabi ko pa nga eh... sr. dito na ako buong araw...marami magagawa...but...
around 11:30... sabi ng prof namin.... stop na lahat kasi daw gagawing evacuation site yung ginagawan namin... so lahat na ng kalat niligpit namin... hindi ko napansin yung oras... oo nga pala kaninang umaga pa yung ulan.... pero naenjoy ko kasi yung paggawa and it's for charity...eh di yun.. lumakad na kami... yung mga may pera nag taxi... yung iba kasama namin... wala kaming masakyan paalis sa venue... wala akong hint sa mga pangyayari at tuloy pa din ang pag jojoke... since na matagal na kaming nakatengga.... nag decide na lang kami na lakarin hanggang taft... yan na.... WHOAPAK! baha pala... kung susumahin mga 15 kaming naglalakad... masaya kahit baha at umuulan... 6 kaming lalaki kasama yung prof... tapos rest girls na.... shempre kami ginaguide namin yung mga kasama naming gurls... lahat ng streets na daanan namin pata na yung height ng baha.... maraming tumitili.... ako jumojoke pa din at kahit na mukang wasted lahat... tawa lang...tumiklop yung payong namin palabas... tawa ulit... marami naman kami eh... yung isa namin natumba sa baha... lahat basa pati prof... tulungan..walang iwanan at may kumuha pa ng footage habang naglalakd... solid! ... durogista pero oks lang kinausap ko nga yung isang manong may dalang mga tabo eh
"kua kamusta naman ang baha at ulan"
ito ang lakas basa na nga ako eh kanina pa
kami nga kuya may payong nga, hindi naman ramdam... XD
naghiwahiwalay kami sa sa quirino station. the class, si manong na may bitbit na tabo at ako... i made friends... but then i am alone again. naglakad papuntang adamson... tubig kahit san ako tumingin.... tuhod high ang baha... nang...
nakita ko ulit si maeko (other class ng art app na kasama namin) maglalakad din pala siya papuntang dorm sa nakpil.... lakad, yes may kausap na din... ganun pa din jumojoke at natatawa naman kahit na parehas basa... dumating kami sa kanila... at nagpahinga na muna around 2 pm na yun... maraming ngyari... sandaling panahon...
kumain kami ng lunch... recharge ako ng lakas walang almusal eh... chit chat... si ate ay isang ba... kwento kwento... mataas ang baha eh. malamig na ako... nagbihis ako ng tshirt sa cr... basa pa din ang shorts ko... sauce! ayun natpos na kami at naglakad papuntang dorm nya.. tetengga pa sana ako kaso baka lumalim pa...need to move on.... may dumaan na bus...
linsyak hindi nagpasakay! magbabayad naman ako eh... ayaw leche
so lakad lakad sa taft. padre faura. un... malapit na ako sa adamson... habang naglalakad ako
may nakita nanaman ako na naglalakad... nakisabay at nakipagusap... ok lang pero hindi siya gaanong friendly kaya nag gm nlng ako kahit baha...
tumechnic ako eh... sa gitna na ng daan ako naglakad... sa may island... kasi.... ahhh... yun iwas na sa mga bukas na manhole at malayo sa poste. mahirap na....
may mga lumulutang na dahon, sanga, condom at kung ano ano pa. madumi yung tubig. ok lang... hindi ako nandidiri... basura ng tao... basura ko... nakalutang. pgh... lubog. mukang lawa.... pwu... hindi ko kita pero lubog din... hmmmm.. nu pa ba? pcu ata... lubog din.... oi! nakita ko na yung un station... yeh! ginanahan ako ng malupit... malapit na ulit sa stop over... lakad lakad... oooopsss. montik ng madapa... muntik lang... lakad lakad lakad... WALKWAY! yun o.... lakad lakad... ay linsyak
baha ang sv pati sa may simbahan hanggang tuhod. ayus... cge lang... nampucha... lakad lakad... oy hangin... lakad pa... yun! umabot na din sa st...
ate pwede pa cr.... estudyante naman ako dito eh.... ah, cge pero sandali lang ah.... naglakad na ako palayo ng sinabi
id mo nga pala... pinakita ko ...
cge cge...
sumi-ar ako (kailangan ba na kasama ito?) bumalik ng st gate... nakita ko ung ka vibes ko na guard...
kuya bukas ba yun cs gate?
oo naman
pwede lumabas dun?
shempre
ayun pumunta ako ng cs... oppps... paglagpas ng falcon bridge...shet yung estero de balete... hindi na estero... ilog na... waw nag evolve eh... dumeretso ako ng jp... baka may pag asa eh... ayun nakita ko yung s.a. ng soc sci... nagaalangan na lumusong....
klasmet. ano tutuloy ka ba?
oo naman.
ahhh ok (smiles)
lumusong na din ako.... masaklap... hanggang bewang... pupunta ako sa btmt (beneath the mango tree) ang official na studio ng banda... kakilala ko kasi yung nandun... umaasa na makakasilong... aun! sarado pati yung boarding haus nila... waw... balik ako sa adu... walang pag asa eh... so ayun... tumengga na ako sa cs gate... ayeh!
STRANDED yan ang gm ko.... kasi yun naman talaga ako eh... hindi malakas yung loob para sumagupa kasi pagod ako kakalakad sa baha... pahinga... si kuya guard na ka vibes ko... tinulungan ako magsampay ng basang tshirt at pantalon (nabasa yung pantalon ko sa bag... basa din yun shorts ko kaya handa na talaga akong matulog sa skul) tawag sa bahay... txt konti... may stranded din sa skul niya... si udre... kilala nung iba yun pero hindi pwede ibunyag baka magalit... so ayun... nandun sa cs gate yun s.a. ng archi, 3 guard... mga dumadaan na tao... basa... yung iba magsusundo ng highschool na anak niya.. sa labas, mga tumirik na trak, tumirik na jeep, tumirik na sasakyan... lahat tumirik na, buti na lang walang tumirik na mata ng tao... awts...
naghintay ako... tanggap ko na na starnded nga ako...
4:15. shet nilalamig ako... basa lahat ng gamit ko... basa damit ko... malamig ang paa ko.... yung mga guards ok lang friendly... yung sumasagot ng telepono... ng adamson...nagpabili ng tinapay. nagsasaing na sa rice cooker kasi hindi daw sila uuwi. may isang classmate... emo... hindi nagsasalita... dismayado sa panahon,,, ako... nagisip isip na... uuwi ba o hindi... tanggap na stranded pero para sa akin ba ito? nag cr ulit ako (again? kailangan ba talagang isama ito?) ngayon sa cs building... walang tao... nakita ko yung muka ng isang lugar na tahimik na madalas maingay, magulo at busy. malinis, tahimik. takbo papuntang cr sa third floor... dahil sa part na yun... ayb decide...
uuwi ako...
kahit na handa ako na matulog sa cs kasama ang mga guards at ung dismayadong klasmet... -_-... siguro kakayanin naman na umuwi...
ewan ko, may certain feeling na pinapauwi ako... kaya ko daw eh... ~_~
dali dali na akong bumaba... sinabi ko kay ate...
"pack up na ako... ahhhmmm... pupunta po ako sa dorm ng classmate ko"
palusot ng gustong lumusot... aba suportive sila... go daw... kung sa tingin kong kaya pag hindi... balik nlng daw ako... suntok sa buwan kasi shure na pag bumalik ako... basa. pero tuloy lang... si classmate dismayado... kinausap ko na
oi klasmet.. san ka ba?
ahhh ako, sa may tip lang...
aw, malapit lang pala so ano? ako sisibat na
sabay na din ako, kanina ko pa pipaplano kaso. alanganin eh... wala akong payong...
ako basta ako kahit basa uuwi ako, hindi kaya dito. basa na ako... lalamigin lalo ako. kaya imbis na mag paabot ako ng gabi... batsi na ako, kasi hindi ako sigurado na bababa tong baha bukas eh.
sabay na ako... magshoshorts n din ako
ayun! si klasmet dismayado ang kasama ko sumagupa sa second part ng adventure. hindi lang talaga siguro makapal ang muka tulad ko kaya hindi nag sasalita... umalis kami ng adamson... baha sa san marcelino. hanggang bewang... pero tuloy lang ang lusob... wag makakamali na sumuko. kasi kapag kahit konti na pag aalinlangan baka kung ano mangyari sa amin sa gitna ng dagat. as usual sa gitna ng daan ang tinatahak namin sa parehas na rason. si lester zaragoza ata yung name (klassmet emo) ece student... so kwinentuhan ko siya at inencourage sa course niya
magshift ka na...
joke lang. shinare ko ang mga totoong experience ko sa kurso at sinabihan na kailangan niyang yakapin ang pagsosolve. hindi madali at hindi biro ang tatahakin mo. kailangan buo ang loob at desidido. nakalampas na ng matinding baha parang pupulikatin pero tuloy lang... lakad lakad. kwento kwento... hindi ako nainip, hindi humina ang loob... kaya yan... susulong talaga sa baha... andyan na... nakadating na siya sa paroroonan niya... lumingon kami eh... ako? 1/4 ng pakikibaka... lakad lakad... stranded stranded... baha, ilog, sapa at ocean... lahat bodies of water. cge lang... walang aayaw. think positive... kahit na nag iisa, walang kasama... isa lang ang nasa isip. pota... kahit na anong mangyari... titibagin ko to kahit malapit nang dumilim... kaya yan...
sa may mendiola... yes malapit na akong lrt... nagpapasakay kaya sila ng basa? lakad lakad... ang daming naglalakad... naramdaman ko na lang na... bumibigay na yung sira kong sapatos. shet... parang going merry... sabi niya sa akin kaya ko pa... lakad lang... tangna... solid talaga. may dumaan na truck ng softdrinks... marami nakasabit... tinanong ko yung isang nakasabit...
manong pwede pang sumabit?
oo lika, sabit na...
yun kumapit ako sa isang rod sa may likod...shet hindi makaakyat... bigat na ng bag ko eh... may payong pa... talon talon... tangna hindi kaya... buti nlng inabot ako ni manong... tinulungan ako... yes umandar yung truck, tapos huminto... gumitna, may sumabit ulit at naapakan yung paa nung isang ale
aray ko paa yan
ay sori po
yung isa gumatong... akala daw luya... linsyak comedy eh
umandar na ulit yung service. umabot sa legarda... legarda na ako! yes (kahit na konti lang yung inandar ng truck... yung truck papuntang bustillos. sabi ko kay manong na kapwa ko nakasabit at tumulong sa akin
kuya dito nlng ako... lrt ako... salamat po
ngiti lang si manong...
tumalon ako sa truck (splash)... nakikita ko na yung lrt.. walang ilaw, shet baka hindi nagpapasakay o walang kuryente... pero tuloy pa din... nandun na ako eh... maraming sasakay... chineck un bag ko... aba... parang makakasakay ako ah.... pag akayat... tinanong ko yung kasabay ko... nagpapasakay po ba sila ng basa (kahit na basa ang marami... nabobo na ata ako dahil sa tubig baha)
oo nagpapasakay sila ng basa.
may byahe po kaya?
oo hindi naman brownout eh
yes makakasakay na talaga...pag akyat ako ng station, pinadiretso na kami ni manong guard ng station
"wala na pong ticket, diretso na po kayo. sa station kung saan po kayo baba, dun po kayo magbayad"
diretso sa taas. hintay ng tren. maraming tao... pagdating ng tren... siksikan... hindi na ako makasiksik... pero kumumpas ung guard na pumasok ako sa tren. nag give way ang mga tao... nakasakay ako, tnx god... makakauwi na ako... masaya... crap.. ibang pakiramdam...pero nung nakita ko yung dadaanan ko... halos maiyak ako... daming stranded. dumaan ng nagtahan, baha at may mga truck na ng militar. pureza, baha. stranded lahat ng sasakyan sa flyover at walang makadaan na tao... malamin... lagpas bewang... altura... baha... maraming stranded.. waist high ang baha... sta. mesa... nakakaiyak at kalunos lunos... walang makadaan kahit truck... baha at muka nang ocean... hanggang leeg ang baha. yung iba nasa second floor na... sm centerpoint maraming stranded... sa uerm, baha. lubog yung mga sasakyan... wala akong makitang tao. yung ilog malapit dun... umapaw na ata. dahil yung mga bahay sa gilid eh talagang wala ng makitang first floor...
parang day after tomorrow ang eksena... nakakaiyak, nakakapangilabot...
station ko na... ok lang na mastranded ako... atleast malapit na sa bahay... pero nakita ko. walang baha... mataas pala talaga ang part namin... maiiyak na talaga ako kasi ang swerte... makakauwi ako at maiboblog ko ang nangyari sa akin... complete day was a gift... an experience...
excited akong makauwi, maiyak iyak nagpapasalamat sa diyos. dumating ako sa bahay. madilim. sakto lang. umabot... salamat po talaga lord... hindi ako nagsasalita tungkol sa diyos sa madla... ngayon lang.
basa lahat, shorts, jacket, pantalon, bag ko...buhay pa yung cellphone, yung soundtrip ko. buhay pa ako... yung iba. naglakad sa maduming lugar. hindi biro ang pinagdaanan ko at hindi biro ang dinadanasan ng mga nasa marikina... marami nawalan ng buhay... marami nasiraan ng sasakyan.. maraming natataranta. maraming malungkot...ang dami kong naging kakilala... pwedeng kaibigan... kung sa mga taong nagpapatakbo ng lahat parang isang skirmish game lang ito... subukan ninyo lumusong sa baha... try lang...
salamat po sa lahat parekoy... may mga namatay... may baboy na naligtas sa bingit ng kamatayan... si ondoy? bagyo yan... ano ba ang mangyayari sa atin pag katapos nitong pangyayari na tila ay wala sa iba pero sa iba ay masaklap na pangyayari...
maraming stranded. maraming nawalan ng bahay... maraming na stranded sa lrt stations...sira ang mga sasakyan...
ako... wala akong magawa... wala akong pera, walang kagamitan...
dasal lang ang kaya kong gawin...
dasal...
september 26,2009 date ngayon... <sigh>
Tuesday, September 22, 2009
Monday, September 21, 2009
Wednesday, September 9, 2009
Thursday, September 3, 2009
untitled
there was a girl that has a pretty face
that no one can match around her place
liked by all; talented, witty and smart
put together like a piece of art
on the other, there's also this boy
he is misjudged; his presence brings no joy
he is silent, solitary and weak
traits that you cannot be proud to speak
the time had passed like any other
the hot and cold don't seem to bother
but destiny is tired, it wants to play
meeting of this two; it makes a way
in a library, home of a busy mind
the souls of the two will seem to bind
the weak seated opposing to the perfect
he is busy drawing; nothing to expect
but as time pass that boy seemed to find
a beautiful face that seem to shine
the cold start to sweat; uneasy at his seat
'cause for once in his life that heart began to beat
the boy began to smile; even for a while
that feeling began to pile, it was not his style
his eyes is fixed, all he can do is to stare
but the girl is in a bad mood, she replied with a glare
the girl seemed to be angry she walked away
and the boy was left alone, he decided to stay
a notebook was left by the girl on his dream
he took it and left with hapiness like a stream
history repeats; they met again at that place
the boy glimpsed at the beauty of that face
today it seemed different, she's glad and not irate
the boy's scheme will be successful, he thinks, at this rate
the dark stood up, and began to walk away
the light just looked, and decided to stay
he left a notebook that looks familiar
it's mine she thought, that boy is so peculiar
there is a note posted on the cover
"look at the back", there is something about to be discovered
the girl smiled like never before
it was beautiful, it can never be ignored
in a place so warm there's was this boy
others misjudged; his presence brings no joy
he is silent, solitary and weak
traits that you cannot be proud to speak
th owner of the place was a girl with a pretty face
that no one can match around her place
she was appreciated more than like any other
by a person they thought was not going to bother
Subscribe to:
Posts (Atom)