take a break...
linggo ngayon, sunday sa inglish at hindi ko na alam kung ano pa ang translation nito sa ibang lenggwahe. anyweys nag punta kami sa laguna ngayon, pinuntahan ang isang binyag ng anak ng kapatid ni papa. in short anak ng tito ko. kahapon ko pa sinasabi na tinatamad ako na pumunta dun. hindi ko alam basta madalas na ang dalaw ng mahiwagang katamaran sa sistema ko. sabi ko nga kaninang umaga eh parang tinatamad ako dahil una sa lahat, malayo dahil sa laguna pa yung venue. pangalawa. ang aga kong gumising, nakakaantok pa. pangatlo, mahal ang pamasahe. pangapat, hindi ko gusto yung tshirt na suot ko. panglima, eh maygagawin pa ako (kahit na nasesense ko na hindi ko rin magagawa). ayon nga sa mga sabi sabi eh, kung gusto may paraan, at pag ayaw eh maraming palusot... sinubukan kong lumusot hanggang sa huli pero sa huli, talo pa rin. wala na akong nagawa
matagal ang byahe pero hindi ko ramdam, tinulugan ko ang halos kalahati ng buong byahe, well bumaba kami sa pacita terminal, naghanap ng regalo at bumili. kumain sa jolibee at nag jeep papuntang simbahan.
pagkatapos pumunta sa bahay nila, kainan. nakipagusap sa mga tao lalo na sa lolo ko, nakakamiss na rin kasi. ang kaso mo, hindi naman ako makapagopen ng maraming topic kasi wala naman talaga kaming time para magkausap ng masinsinan. laging bitin sa oras. so pagkatapos, umuwi at hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko, lumipas ang oras na parang sa araw araw eh walang nangyari.
naalala ko na sa pagbyahe pauwi, ang ganda ng tanawin (nung huli akong pumunta sa laguna, ayun na nakita ko... maganda na.... at pagdaan kanina ng pangalawang beses. maganda pa rin.)... napaisip kahit na mahirap mag isip (pero atleast sa wakas eh dinalaw ako ng sipag kahit konti.)...
matagal ko ng maraming iniisip, problema sa pera, sa grades, sa maraming bagay, i sama mo na yung nunal na malaki ni... pero sa tingin ko marami ng stagnant na mga baga sa utak ko na kailangang ilabas.
napakaganda ng mundo, napagaling ng pagkakadesenyo. walang duda. it's one of his great works( malay natin baka meron pang iba?)... una sa lahat, perpekto ang lahat, lahat may silbe at lahat may patutunguhan. pero higit sa lahat. isa sa kanyang marvels eh ang tao mismo,,, bakit.
bakit nga ba?
una sa lahat, ang katawan ng tao kung iisipin, eh lahat may silbe. paa, ribs, intestines, pati na buhok sa ilong. lahat may silbe. isa pa sa mga da best eh ang utak mismo. ang lahat ng may gawa ng calculus, differential equations, design ng mga bahay, kotse, computer lahat ng nakikita mo ngayon na gawang tao. nagumpisa sa malilikot na pagiisip. isa pa. hindi mo na kailangang isipin na kailangan mong huminga at mag pump ng dugo para mabuhay. parang desenyo na, na gumana ang mga ito sa dapat niyang kagalawan depends sa silbe niya. hindi pa tapos. isa pa sa pinaka magandang features eh ang pakiramdam. galing. nasasaktan, nagiisip, natatawa. lahat minsan otomatik pero minsan pagiisipan pa.
ang galing talaga. galing dyan ang achievements ng isang tao, pagiisip, pakiramdam. nagiisip ka, magmamahal ka, mabibigo ka. pero kung iisipin, dahilan din ng pagiisip ang paghihinagpis ng isang tao. ang pagkatalo ay hindi makikita kung walang panalo. na kung iisipin eh equal ang mga possibilities at hindi one sided. nagiisip ka at nabubuhay. natatalo, nananalo.
matagal ko ng gustong magblog, sayang yung mga chances na yun. hindi ko naisulat. nawala ng parang bula. konti lang ang naisalba ko. kasi tamad ako(may naalala nanaman)
sipag. sabi ni kuya tomaning, god given ang sipag. lahat tayo meron niyan. ang minsan eh kinakapos lang eh tyaga. sipag ka nga ng sipag, pag naubusan ka na ng tyaga. tatamarin ka na. tatamarin ka kasi walang nagmomotivate sa iyo. talo na!... kailangan mo ng inspirasyon. ikaw lang ang makakahanap nun. pwede din na gawin mong inspirasyon ang magulang mo. na nahihirapan sila. pwede ka ding huminto sa pagaaral, magyosi ka at magdrugs pero sa huli talo ka. kasi wala kang pinagaralan. hindi ka aasenso.. magiging patapon na walang napatunayan sa buhay. tyaga lang sa pag aaral. wala kang ibang tutulong sa iyo na tumayo kung hindi sarili mo. magbasa ka o magpaturo ka sa kaclase mong matalino. sa trabaho hindi naman puro sipag at tyaga ang kailangan mo.kailangan mo din ng talino. kasi baka dumting yung panahon kapag naghahanap ka ng trabaho tapos hindi mo nasagot ung isang tanong na iyon par makapasok ka sa magandang trabaho eh mapapasabi ka ng sayang at hindi mo pinagaralan eh alam mo yun. sayang talaga. kung tinatamad ka na... sabihin mo lang sa sarili mo na konting tyaga pa.
konting tyaga.
tyaga.
ok lang nabumagsak, sabi ng kaclase ko yan. nakasalamin, "tama ang pangangatawan", magaling na gitarista ng multimetro band. na kasama kasi sa pag tanda at pag mature ng isang tao yan. tama.
ayus lang na bumagsak, kahit na umulit, kahit na pangit ang transcript.. ang importante. grumadweyt ka ng may alam sa papasukan mo. preparation kung baga.
hindi ko naman sinasabi na mag aral ka ng matagal. pero sikapin na magkaalam at hindi mangmang.
ang utak, pinapakain ng katalinuhan, pag hindi mo ito ginawa.
ikaw ang kakainin ng sarili mong katalinuhan
-_-
LETSE
ReplyDeleteyan na edited na... hindi na payat/
ReplyDelete