Wednesday, September 28, 2011

scallywag!

kasalukuyang naka english(pirate) yung language ko sa pesbook.

senseless addiction, kasi bawat is isa sa atin, gusto maging sociable at makipag-konek sa mga kaibigan, kapamilya at kung sino mang chicks o hottie dyan sa tabi-tabi pero nothing's accomplished. magiging "friend" mo lang naman sila ulit pero ano pagkatapos ng konting mensahe at kamustahan?

anyway.

...

teka nakalimutan ko yung ibabahagi ko.

...


Thursday, September 22, 2011

september 23, 2011

around 7:15 in the computer's watch

masasabi ko na talaga na pakalat kalat ang kwento ng buhay ko (hahahahahahaha!), kasi naman meron akong blog dito sa internet, at kagabi, bago  yung supposed to be na "idlip" na nauwi sa "tulog", nagsulat ako isa sa mga luma kong notebook, ng isang journal. pwede na ngang ituring na jigsaw yung mga nakasulat eh, pag nakita mo lahat ng aking mga pinagsusulat, pwede nang malaman kung sinu ata talaga ako. anyway.

nagkaroon kami ng isang maiksing paguusap ni mama kagabi.
napagusapan namin yung estado ng buhay namin

"parang ang ganda ng taon ngayon no?"
"oo nga eh parang ayus lahat, parang magaan sa pakiramdam"

tama naman, kasi matagal na silang parang nag-su"struggle" at ngayon lang parang naging maayos yung flow ng lahat para sa kanila. maraming salamat dahil nagkaganoon. maraming salamat o diyos dahil nakita ko na ganun magulang ko, they all deserve that.

pero hindi dun talaga yung kwento, ang kwento eh umikot sa time table ng buhay. sa pananaw ni mama, may time table ang lahat. tama naman, pero parang dun sumesentro sa time table na lang yung buhay, unending goals to reach.

tama naman diba?

totoong meron dapat, pero bumanat ako kasi ng..

kung puro time table na lang ang nasa isip mo, "dapat meron na akong ganito by this time", "dapat meron na akong ganun by this time"," maglolook back ka sa mga panahong nasayang mo". genuine ba yung happiness mo sa goals mo? kung imiikot sa pagpapayaman yung buhay mo? hindi ko na matandaan kung nakasagot siya eh. pero may pahabol pa ako nun eh.

"diba dapat ding iwasan eh yung mag lolook back ka at sabihing, worth ba nung lahat ng time na yun yung ginawa mo? at sa estado mo ngayon masaya ka ba? o may mga pinalampas ka na panahon para maging masaya ka?"

(letse, parang nalungkot ako amp. hahahhahahahahahaa)

pero hindi eh.as i notice in my life, lahat talaga is interconnected eh. kung hindi ako nagshift ng architecture, i'm stuck sa bagay na walang essense sa akin. kahit na ngayon eh naiisip ko na masarap nga sa engineering dahil mas malamang sila na nagsosolve ng problems kesa sa sandamakmak na projects. mas masaya pa din dito, ewan ko. parang mas hiyang ako dito sa architecture. mas may magagawa ako dito kesa sa ibang course. pinagpala din ako, sa mga magulang, sa kapatid, sa girlfriend, sa pagkakataon. lahat.

sa tingin ko, hindi ito dapat sayangin.. maraming salamat sa lahat, maiksi lang ang buhay pero oks na oks ito.















Saturday, September 3, 2011

whut ifs

around 8:14 am. 

medyo maalinsangan. kasing alinsangan ng panahon ang laman ng utak ko. endless what if's. playing scenarios endless thinking, like any normal day. parang naging addiction na yung pagiisip. magulo, magulo ang pagiisip ko, halo halo, makalat, parang bagoong. sa bawat bagay na ginagawa ko, nagiisip ako, kung ano ang makukuha ko dito, nagsisimba, nagmamasid, nakikipagtalastasan. trying to figure out something, something na hindi ko alam. 

hindi natin napapansin na malaki ang influence ng social media sa takbo at pananaw ng isang tao sa buhay. kaya  kung gusto mo na mabuhay sa buhay na talagang gusto mo at hindi dahil naiinggit ka sa ibang tao, friendly advice. wag mong sayangin ang oras mo sa panonood ng tv, or, piliin mo kung ano ang mga papanoorin mo. 

nakikita ko sa local tv, 

sa balita, all those bad news, edited to become more gruesome at maging mas lalong masaklap

ang sinasabi nilang pang-masa na shows, yung iba, nakita mo ba kung paano ang arrangement ng mga audiences? nasa harap yung mga may kaya, at nasa kasulok sulukan lang ang mga talagang nangangailangan. ang mga merong nakakalungkot na estado sa buhay, lalong nakakalungkot tignan. parang isang tao na nanlilimos sa bahay bahay sa pamamagitan ng pagdungaw sa labas ng malalaking gate. 

pagnabiyayaan ka ng limos, sapilitan pa na pinapasabi na maraming salamat sa ganito. sa ganyan.

mga drama tungkol sa pagibig at buhay kuno daw. pero pareparehas lang naman ang nangyayari, may kontrabida, may bida. hindi uso ang tulungan, mas uso pa yung inggitan at papatay dahil sa inggit. mga baluktot na sistema ang pinagbibigyang halaga.

pugad ng chismoso at chismosa, walang takas kahit yung kuyukot na malakas magpawis... tutuligsain. 

gumagawa sila ng pera, gamit ang mga ito, at aliw na aliw naman tayo sa ginagawa nila. parang hindi sadyang nabebrain wash ang mga tao. i can say that media can easily manipulate yung mga tao... minsan parang naiisip ko na ako din siguro. 

tapos biglang pumasok sa isip ko...

are these all my thoughts don't have sense? XD