Sunday, April 17, 2011

untitled

dear buhay,

Ikaw ang bida sa sarili mong istorya.

Sabi nila “ganun talaga ang mga bida, sa umpisa nagpapagulpi at sa huli bumabawi.”

Sa mga pelikula ganun ang nangyayari, pero sa tunay na buhay? medyo magiisip-isip ka. Sa buhay natin, nagugulpi tayo ng kalungkutan, problema, mga bangungot na ayaw tayong tantanan. Aahon ka pa lang sa isa, andyan nanaman yung second wave. Minsan nga eh tandem pa sila ng tropahan nila at duduruin at pagtatatadyakan ka nila ng malupit. Yung mga taong inaasahan mo, wala. Akala mo magisa ka lang, lugmok. Ang mukha mo ay nakahilahod sa daan, duguan, hindi ka na makatayo sa dagok na ibinigay sa iyo.

Pero hindi ka din makakatiis, magtatanong ka sa sarili mo, san ka nagkamali? naging masama ka bang nilalang para parusahan ng ganun? Marami kang tanong habang tinutulungan mo ang iyong sarili na kahit papaano eh tumihaya. Sa daming tanong na pinakawalan mo, hindi ka nga hilahod ang mukha sa dumi ng daan, gulong-gulo ka naman. Hindi na masakit ang katawan mo, dahil unti unti nang nanoot ang sakit ng mga tanong mo sa loob ng katawan at isipan mo. Dahil ngayon, mas masakit na yung mga naiisip mo at tuluyan ka nang nilalamon nito, nang sarili mong kadiliman, ng sarili mong bangungot. Isa sa mga panahon na alam mong bibigay ka na. Pitik na lang, tiklop ka na.

Naaalala mo na yung, mga taong minahal mo, minamahal mo at mahal mo. Kasi alam mo sa sarili mo na importante sila sa buhay, na mas importante pa sila sa buhay mo. Pero ngayon, kailangan mong pansinin ang sarili mo, na hindi mo napansin pero napabayaan mo na pala yung sarili mo ng hindi mo namamalayan. Hindi ka sigurado kung tama ka o mali, pero ganun kasi sila kaimportante na kahit sarili mo ay mapabayaan mo maasikaso mo lang sila, dahil alam ng puso’t isipan mo, sila lang ang kaligayahan mo. Hindi naman siguro masama na pansinin mo din ang sarili mo paminsan minsan, pero ngayon, parang pansin mo, huli na ang lahat.

Kadiliman lamang ang nakikita mo, yung lakas na kailangan mo, wala na. Magisa ka na lamang sa krusada mo. Madilim. Nakakatakot. Magulo na ang lahat. Nakapikit ang mata mo, pero sa kinahihigaan mo, ramdam mo na patuloy pa din ang ikot ng mundo, hindi siya huminto para sa iyo. Nararamdaman mo na lahat ng tao sa paligid mo’y gumagalaw at dinadaanan ka lang. Ramdam mo na ang lahat ng galaw sa paligid mo ay slow-mo.

Madilim pero susuriin mo ulit ang sarili mo, kaya mo pa ba? Para sa mga mahal mo sa buhay? Babalikan mo ang mga nagawa mo na, at magiisip ka. Sapat na ba yun sa pinapangarap mo para sa kanila. Na kahit napabayaan mo ang sarili mo para sa ibang tao ay sulit naman pala ito. Kakayanin mo pa ba? Walang katapusang tanong ng simpleng nilalang na kagaya mo.

Masakit, mahirap, pero ginawa mo. Pilit mong tinaas ang kanang kamay mo, sinubukan mo. Hindi mo sigurado kung ano ang mangyayari, pero ginawa mo pa din. 

May humawak ng kamay mo, isang tao na hindi mo naman kakilala. Inakay ka niya, at pagmulat mo. Nakita mo, maraming tao, may kanya kanyang laban. Na yung gumulpi sa iyo at ang libo libong iba pa ay mayroong katapat. 

“hindi mo naman kailangang mag-isa eh”

Tumingin ka sa kanya at napansin mo ang ngiti sa kanyang mata. 

“Andito lang naman ako lagi eh. Masyado ka lang ata naging busy sa pagiisa mo.”

“Pasensya na kung marami akong nagawang mali, nahihiya na kasi ako, sa dami kong nagawang mali sa buhay ko, andyan ka pa din. Na napapansin lang kita kapag may kailangan ako, pero pag masaya ako wala, nakakalimot din. Pasensya na sa lahat.”

Nagtanong ka sa sarili mo, kung kaya mo pa. Ngayon kahit papaano may liwanag ka na nakita.

04/18/2011


Saturday, April 9, 2011

10

Cold hearts and Hot heads never solved anything. I heard this quotation from my sp*cial s*meone. Sure short quote really means a lot to me, maybe to us. 

Sure, trying to be logical while you are hurt is a really hard thing to do and being stubbornly cold is a lot easier. Sure, that making the other person guilty about what he/she had done to you makes you feel a lot better than eating your pride and letting that go. 

But maybe one should think about what is more important, the thing that that person did to you or the person himself. No one is perfect for everyone has a flaw. 

I know being hurt is really hard. It makes someone standing up turn into a person face down with a flick of a hand. 

Love isn’t flawless either but for sure it’s worth it.

nothing is accomplished when revenge is put in mind, it’s just creating a cycle of hate towards each other. 

out.

Thursday, April 7, 2011

09

ang pag-ibig.

love sa ingles.

"merong mga naghahanap, nakakita na, at yung iba sumuko na. "

yan ay galing sa isang kataga sa isang magandang palabas. totoo kung tutuusin, pero ano nga ba talaga iyon?

ung ibang lalaki, matatabil ang labi at matatamis ang mga sinasabi sa mga babae, pero hindi naman tutupdin at sa huli mangiiwan lang. yung iba naman, sa umpisa lang tapos pag tumagal, parang wala na lang. merong nagpapaasa na lang para mang power trip o katuwaan lang. ang mga katangiang ito, hindi lamang panlalaki pero sa mga kababaihan din. pwedeng dahil lang sa natural na ugali ng isang nilalang, pero pwede din naman na dahil sa isang traumatic experience dahil sa kagagawan ng nasa kabilang kasarian. 

pero hindi naman natin maikakaila na meron din namang mga successful. nakita nila ang taong gusto nilang kasama panghabang buhay at hindi na nila pinakawalan ito. pinangalagaan, at papangalagaan ang isa't isa, hindi lamang sa pisikal na aspeto pero sa lahat. bakit kanyo? nakita nila ang isang katangian na hindi na nila makikita sa ibang tao, hindi dahil sa maganda ang pangangatawan, o dahil sa pananamit o sa natapos nito. nakita nila ang katangian na hindi lamang siya partner kung hindi kaibigan, kapatid, magulang, at kasintahan sa isang tao. 

kaso meron din naman, na ayun na. malapit na eh. kaso kinapos, hindi kinapos sa nararamdaman para sa isa't isa pero dahil kinapos sa lakas ng loob. kabaliktaran ito ng nauna na puro lakas ng loob pero walang substansya. ito puro substansya pero walang lakas ng loob na iparamdam sa nagugustuhan. masakit man. pero siguro, kung sila talaga ang magkakatuluyan, magagawan din nila ng paraan yun, pagkakataon lamang ang kailangan. hindi ito kailangang hintayin dahil kung talagang hindi mo na mapigilang lumabas ang nararamdaman mo, lalabas ng kusa ito. depende na lamang sa pagsasabihan kung paano ito tatanggapin. 


maraming kailangang ikonsidera. pero ang pagibig, puro risk dahil hindi ka nakakasigurado kung ano ang mangyayari sa mga susunod na kabanata. nakakatakot mang isipin pero pwedeng may masaktan at may makasakit, depende sa kanila kung kaya nilang gawin yun sa taong nagturing sa kanila na sa kabanatang nagdaan ay naging pinakaimportante sila sa mundo ng isang tao. ang pagibig ay hindi madamot, nagbibigay ito ng init sa kalooban. masarap umibig at ibigin. masarap magmahal. nakakatakot pero ayus lang lalo na kung suportado ka ng mga tao sa paligid mo. ang pagmamahal ay hindi lamang para sa dalawang taong nagmamahalan pero para sa mga taong mahal ang mga tao sa paligid niya. ang pagmamahal ay ang mainit na araw na sumisikat sa umaga, ang bulaklak na umuusbong sa tamang panahon. ang pagibig at pagmamahal ay lahat. nabubuhay ang tao sa pagibig kahit na sabihin pa nito na puot ang nasa puso ng isa. pwedeng minamaskarahan lamang ito noong taong iyon pero sa loob loob niya, pagibig pa din ang bumubuhay sa kanya. matabunan man o hindi. ang pagibig at pagmamahal ay nandyan. ang pagibig ay may respeto, 


at higit sa lahat. ang pagibig at pagmamahal ay ang pakiramdam na nararamdaman mo habang binabasa mo ito.

Friday, April 1, 2011

8

paano kung yung buhay natin ay parang karera ng mga sasakyan tulad sa isang laro sa pc/game console. maraming normal na sasakyan na tumatakbo at kayo andun, naguunahan para makamit ang tagumpay

sabihin na nating mahalagang karera nga. pero sa sitwasyon na yun. hindi ka propesyonal, isang hamak na malalaro ka lamang.

diba importante na alam mo yung tinatahak mo? paano kung hindi mo pa nakikita ang mapa? importante na sa patutunguhan ka titingin at hindi sa kung saan saan. diba parang magmakakatakbo ka ng mas mabilis? ayus din kapag hindi na nangbabangga ng kapwa, o kahit sinong nakaharang sa daan mo, kung trak man o yung ordinaryong sasakyan, diba mas maganda kung iiwasan mo na lang kesa sa banggain ito dahil siya ay nakaharang sa daan mo?.

pero sa sobrang bilis mong magmaneho, hindi mo maiiwasang bumangga. sa mga pader, sa poste, sa puno o kahit san man. hindi na siguro bale. kasalanan mo naman eh kahit na sabihin natin na makakapagpabagal ito sa iyo at mawawala ka sa tamang landas. may chance naman para makabalik ka at makahabol diba? ang mananatili lamang na katanungan para sa mga kakompetensya mo, kung sasama ba sila sa pagbangga sa pader. o iiwas lang para tumuloy sa patutunguhan nila. hinahangad mo nga ay nasa harapan mo, at nagmamadali kang kuhain ito. 

ang problema lang eh kung nakita mo ba talaga yung dinadaanan mo. o dahil sa pagmamadali, wala kang nakita kung hindi yung gusto mong makamit.

ang tanong lang naman eh kung ano na ang mangyayari sa iyo pag nakuha mo na yung gusto mo. yung pakiramdam na masarap ba eh pangmatagalan. o simbilis lamang ng takbo mo nung sumabay kang kumarera sa iba.