Wednesday, June 2, 2010

8:57,06/02/2010

it's been a while. kala ko hindi na ako babalik dito... buti na lang bumalik pa ulit ako. 

akala ko din hindi na ako babalik dito na ginagawa ang mga dati kong ginagawa. pero mali ako. hindi talaga siguro ako yung taong nagsasabi na may tuldok sa lahat ng sentence. siguro comma lang

ewan ko kung down ako dahil sa kanta na naririnig ko ngayon o sa mga bagay bagay na biglaan na lang pumapasok sa isip ko.

june na, pasukan na. malapit na. pero ayun pa din ako, hopeless romantiko na wala pang napapatunayan sa sarili. isang tae na tinatapak tapakan ng karamihan at isang bahid ng dumi sa lipunan. tao ako. ata. may utak na gumagana, katawang gumagawa. pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit ba may mga tao na pilit na sinasabihan ako sa kung ano ang dapat kong gawin, bawat minuto, bawat segundo.

nakakabingi, nakakatorete.... ganun ba ako kabobo para hindi kumilos sa mga dapat kong gawin sa bahay? hindi ba sapat sa kanila na tumutulong ako dito sa bahay at ang gusto nila iusog ko pa ang bahay o tumulay sa sampayan para sa ikaliligaya nila?

minsan...

bullshet.

yan ang tingin ko sa mundo.


optimistic naman ako kadalasan eh, pero sumusumpong talaga yung mga oras na nakakayamot lahat. tapos pag nagumpisa na. parang mga tao sa lrt na pagnatumba ang isa sa loob ng tren, sunod sunod na.

ganun ba ako kapanget, at hindi worth yung kahit isang reply mo sa akin? bakit hanggang ngayon, parang delayed yung maturity ko. manhid na ba ako at pinatigas ng panahon? ganun ba ako ka gago para gaguhin din ng pakonti konti ng mundo? magkano ang ipod nano na 3rd gen? may magbibigay ba sa akin ng libre nito dahil kailangan ko / gusto ko ito dahil ito yung magiging kaakibat ko sa paggawa ng plates magdamagan...

gusto kong magwala, pero hindi ko magawa, medyo pagod na ako eh.

kahit na ilang beses ko isaksak sa sarili ko na

"dapat ikaw ang umintindi dahil ikaw ang nakakaintindi"

minsan nakakapagod din na makinig, at gusto mo, kahit minsan, may makikinig sa iyo ng seryoso, kasing seryoso ng pagbigay mo ng mga payo at kung ano ano sa mga taong humingi sa iyo ng payo...

hindi ako clown, na andyan pag malungkot ka, na laugh trip lang lagi ang ibinabato, na kinakatakutan ng karamihan sa mga bata, na magaling mag magic... 

tao din ako. kahit papaano may pakiramdam, hindi ako yung kumot na andyan kapag nilalamig ka. 

masakit man isipin pero paminsan minsan, kaibigan mo lang ba ako kapag kailangan mo ako? 



kasi kahit hindi sinasadya, ganun yung nararamdaman ko.


hindi ako yung cleverbot na sumasagot sa mga seryosong tanong mo ng pabalang. seryoso ako, hindi lang halata...






minsan masarap talagang manahimik ka na lang.


kahit na minsan, minahal ata kita. hindi ako sigurado, kaya hindi ko sinubukan. dahil ang trato ko sa lahat ng relasyon eh hindi parang mainit na kanin na pag mainit at nakakapaso eh iluluwa mo.


dahil tao yan, hindi mo maihahambing sa kahit anong bagay yan... hindi laruan, hindi alaga. 






down, mabigat ang dibdib, magulo ang utak, inaantok.






9:19 pm 

06/02/2010

5 comments:

  1. nobela. :) basahin ko. wala naman akong ginagawa. hahaha.

    ReplyDelete
  2. welcome back pala to MULTIPLY. hahahaha. :)) namiss ka nya. haha

    ReplyDelete
  3. ahahaha. humaba lang yan dahil sa overused spaces, maiksi lang ata yan. ewan. XD

    ReplyDelete
  4. di naman pala ganun kahaba. hahaha.

    talagang naglabas ka ng sama ng loob mo ah. :p sa pamilya at buhay pag-ibig ba yan?

    ReplyDelete
  5. kung may problema ka. magsuot ng maskara. jabawakis lol

    ReplyDelete