at kung ano ano pa.... marami pa yan eh... mga simpleng labels sa iba't ibang tao. "labels in each other makes everything a lot harder" title ng blog ko at habang tinatayp ko at pinagiisipan ang mga bagay na ito.... nagpaplay yung walang kasing gulo kong playlist.
mga labels sa iba't ibang tao... ay alam mo ba yan? si ganyan, bestfriend ko yun... o kaya friend ko yun.
minsan minsan nilalagyan natin ng mga labels yung isa't isa. kaclose natin o kahit hindi. ang tanong lang naman is -->> kailangan nga ba ng label?
marami kang kaibigan? tapos maglalabel ka ng kaibigan mo yung isa pero hindi yun isa. yung pagkakaibigan ba ay nakaenclosed sa bestfriends na label?
sa magsingirog, magshuta. kailangan nga ba ng label? mahal, sugar, sweetiepie, bukopie,pinaypay? nandun ba nakaenclosed sa pangalan yung paghanga, pagibig ninyo sa isa't isa?
sa work, sa pamilya. pwede ang may label pero pwede din ang wala. depende sa tao. kung mababaw ba siya o malalim.
minsan kasi napapaisip ako... kailangan nga ba talaga lalo na sa mga taong hindi mo kaano-ano pero gusto mong magbuild ng bonds. hindi mo ba nararamdaman na minsan eh nakakapressure... tulad na lang na pagnalabelan ka na magaling, mabait. parang nakakapressure na i-sustain yung expectations.
yun! expectations. kalakip yun paminsan minsan ng mga labels mo sa isang tao... GF/BF... hindi ba pwedeng walang labels pero alam ninyo sa isa't isa kung ano ang estado ninyo... walang pressure pero may commitment, may pag mamahal. katulad din sa kaibigan, may commitment at may pagmamahal, pero hindi mo ginagawa ang isang bagay dahil sa "kaibigan" mo o "GF/BF" mo siya pero ginagawa mo dahil may concern ka, dahil gusto mo.
maybe. hindi nga applicable to sa lahat ng tao. hindi lahat pareparehas ng paguutak, hindi kaparehas ng mga naiisip mo o naiisip ng iba,
bakit ko nga ba naitype ito? sobra sobra sa mga period at wrong gramming pa...
kasi ganito ako. ayaw ko ng labels, at sana maintindihan mong nagbabasa na hindi ako masyado sa pageexpress ng feelings through verbal. pero sana maintindihan mo na nageeffort din ako. hindi dahil napepressure ako pero gusto gawin yung mga ginagawa ko para sa iyo, sa sarili ko at para sa atin. marunong naman akong ngumiti pagkasama ko ang mga kasama ko kahit na yung iba ay hindi sa personal o sa chat lang.
magulo ang mga tinayp ko...
baka hindi niyo din maintindihan... XD
ang haba mo magblog! haha. :)) teka, basahin ko nga. lol
ReplyDeletecheck
ReplyDeleteNakuha ko nman ang point mo. haha. Ganyan talaga. People love labels e. Gusto nating bigyan ng pangalan o label ang lahat ng bagay sa mundo(both the tangible and intangible things). Kaya siguro nabuo ang dictionary dahil sa kagustuhan ng tao ng bigyan ng kahulugan ang lahat ng bagay. Di ba nga pag may bagong nadiskubre ang science, e binibigyan kagad ng pangalan. Labels are there to specify or define things including relationships. :)
ReplyDeletenaguluhan ako sa sinabi ko.
hahahaha.... pero parang sa relationships ng mga tao.. hindi ba pwede yung magkaroon sila ng sarili nilang position para sa isa't isa hindi na kailangan ng mga labels... hindi naman way of assuming pero yung tipong alam nila na magkaibigan sila o something like that.... ahahah ang gulo!
ReplyDeleteyan naman gusto ng marami e. haha. kung iisipin mo nga naman, ok rin. kasi no pressure. walang commitment pero parang kayo na. :)) LOL. But that also means no assurance. Yung isang tao pwedeng kumalas dun sa relationship kagad kasi ano nga ba kayo? wala. walang label. walang rin assurance. haha
ReplyDeletetama. sumasangayon na ako sa iyo teej.
ReplyDelete