Wednesday, April 1, 2009

bwakanangwalanjoe

ang lufet ni manung drayber....

pauwi na ako... ayun! o may paalis na na jeep so kahit na puno eh pumasok ako sa loob... ang kaso mo, ang malupet yung mga nasa loob ayaw umusog, wala manlang kong makitang kahit malit na espasyo na kahit yung kalhati ng kalhati ng kalahati tayms two ng pwet ko eh dadampi, makulit yung dispatcher ng dyip eh, ipipilit hindi naman ako kasya... sabi ni manung drayber, "toy, dito sa harap merun" ayun o! opportunity... so takbo paharap... ayun o... meron na akong naupuan, ok lang na nakalabas na yung kalahati ng katawan ko dahil meron ng nsa loob. understandabol kahit na pag nabundol galing sa gilid yung dyip eh ako ang frontliner. so ayun na harurot to the max. para akong asong nakalabas ang ulo sa bintana mahangin eh... nung malapit ng lumiko sa may santolan (yung malapit sa greenhills ah) meron isang desenteng tao (yung sabi nila eh mukhang tao, nakalong sleeves at slacks tapos maayos ang buhok at may wheels) na nagtanong

" kuya, san po ba yung papuntang boni serano?".
" diretso ka sa susunod, tapos, kaliwa... nandun yung sinasabi mo"
sabi ni manung.

"hindi ba papuntang crame daw yun?" sabi ni DT (disenteng tao)
"hindi diretso yun."

so bumalik na si DT dahil mag go go na yung signal...

kumaliwa si Dt na sinabi ni manung... ang sabi ko sa sarili ko, ay tae... bakit siya kumaliwa, dapat nagtiwala siya sa kanyang sense, na papuntang crame yun dahil dun talaga yun, dapat kumanan siya, tapos diretso. makikita niya yung karatula na nagngangalan na boni serano... hindi ako pwedeng sumingit sa usapan lalo na kung hindi ko kakilala at hindi naman ako ang tinatanong at lalo na... sinagot na ni manong.

nung kumaliwa yung sasakyan biglang bumanat si manung

"putangina. ang tanga naman nung bobong yun, nagtanong tapos hindi susundin. sabay hingi ng simpatya sa katabi ko. tapos hinabol niya at huminto sa gilid nung sasakyan dahil nagtanong ulit sa mga by-standers. nakasara yung bintana nung DT so sumigaw si manung. HOOOY!! (weyt there's more) HOOOOOYY!!! nagbukas. at sinabi nanaman ni manung yung direction... sabi niya ngayon in additional, lumiko ka nlng dito sa susunod. tapos diretsuhin mo na ( naawa na ako kay DT walang bawi sa maling direksyon na binigay ni manung, hihirit sana ako kaso humarurot nanaman si manung.) sabay banat ulit na...

"baka dumeretso yung bobong yun ah. AHAHAHA. magtatanong tapos hindi maniniwala"

** ok lang sanang magyabang pero wag sobra, at kung magsasalita ka sana accurate at hindi makakaperwisyo. kaso mayabang, maingay, tapos mali pa. haaays

but weyt agen ders mor.

nung lumagpas kami sa may parang minipark sa amin. may mga sumabit na mga bata.

biglang huminto at sumigaw si manung

"bwakananginaniyo!!!! magsibaba kayong mga hinayupak kayo dyan!!!!"

ayun pag baba nung mga repapips... humarurot...

natawa lang ako


ginagamit ko yung bwakanangina pero mas pang wholesome yung akin eh



bwakanangwalangjoe.




XD


si manong,

hmmm, hindi na ako magsasalita...
msamang mang judge eh...


malapit na ang holy week.

sana. . .

4 comments:

  1. dapat sa drayber na yan.. ginigilitan.. ganyan ung mga Pinoy na masrap batukan paulit2 eh

    ReplyDelete
  2. ahahaha.... easy men... ang altapresyon mo eh lagpas bubong... XD

    ReplyDelete
  3. pwede rin para medyo magalang nu? kaso wag ganun... XD PUtAraGIS!

    ReplyDelete