Wednesday, October 1, 2008

anong oras na?!?!?!

wasting time... kt boys nung highschool at isang ugali na hindi ko matanggal tanggal. tipong ayan na... ramdam ko na may gagawin, importante... pero may mga panahon na talagang kumikitil ako ng oras na dapat ay inilalaan ko sa iba pang mas importanteng mga bagay. kada segundong nawawala ay may malupit na kabayaran. kaya nga importante eh. tulad ngayon, malamig kasi may bagyo daw. madilim nga sa labas at mukhang nagday off si fafa sun.
 
habit+lamig+mga bagay na nakakadistract= walang ginagawa sa mga dapat gawin= failing marks...


patay...

pag katapos mo akong makita sa ganitong sitwason eh makikita mo naman akong nagka-cram, nagmamadali na mukhang natatae, namamawis ng malamig dahil kabado sa posibleng mangyari. tapos makikita mo na half-cooked ung gawa...

laging sablay sa diskarte. hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. tamad nga siguro ako, tamad na ayaw mag aral. pero hindi pwede to. ang pagaaral ng libre (sponsored ng mga magulang) ay minsan lang dadating. sabi nga eh chances are like a flowing river, once it passed, it will never return. pausong kowt lang pero totoo. kasi paglipas mong magaral sa kursong kinuha mo o kagaya sa lagay ko na kinuha ng mga magulang ko para sa akin. panahon na yun ng pagbabalik ng utang na loob. pwedeng oo pero pwedeng hindi. buti nga eh dumaan ang chance na ganito, kesa sa ibang tao na hindi dinaanan ang ganitong sitwasyon.

so bakit ba ako tamad? hindi ko alam, siguro walang inspirasyon... yata. walang tyaga??? pwede din. wala talagang inspirasyon para gumalaw ang katawan ko. kung meron man. hindi ko alam kung san patungo yung inspirasyon ko. kung iisipin siguro parang nanlamig lang. pero nasa gitna na ako, may inspirasyon man o wala. wala na akong magagawa kung hindi lumakad pasulong. kahit na nakakatakot ang tatahakin. pikit matang kailangan suungin. pero hindi naman kailangan na ipikit ang mga mata kasi may posibilidad naman na magandang pangyayaring pwedeng lumabas na hindi ko makita. marami na akong napagtanungan pero parang wala paring tumutumbok sa tinatanong ko sa kanila. may sagot sila sa ibang katanungan ko, pero ung mismong tinatanong ko eh hindi masagutan. pwede din naman sigurong nasabi nila yung sagot nakakapul sa tanong ko pero hindi ko narinig.

sa mga ibang bagay tulad nito, ang dami kong sipag. (marami namn pala eh, kaso hindi sa mga dapat gawin). pero tamad sa mga bagay na kailangan. isang katangahan.

sloth... isa sa mga seven deadly sins. katamaran ito. ngayon ko lang napagtanto kung paano namatay si juan tamad. maraming nagsabi na dahil hindi kumain sa tagal bumagsak ng prutas sa kanyang bibig. mali ata... napagisip ko na bumagsak yung prutas sa bibig niya. sakto, eh tinatamad siyang ngumuya so sinubukan niyang lunukin ng buo. ayun nabulunan. tapos, iniluwa na lang niya. so hindi siya nakakain. pero hindi pa siya patay. namatay siya kasi nung naglalakad na siya pauwi at hinahanap niya kung nakauwi nga yung mga katang na pinabibili sa kanya, eh bigla na lang siyang nahilo pero hindi sa kagutuman. so umupo siya. tapos namatay.... kasi tinamad huminga...

ganyan siguro ang mangyayari sa akin... sa sobrang tamad ko... anong oras?!?!?! wala pa akong nagagawa.!?!?!

No comments:

Post a Comment