oyeh! tapos na ang aming pag hihirap ( para lang sa mga hindi gaanong katalinuhan katulad ko na nasa ECE ) para sa first sem, isang mantinding paghihirap na natapos sa kasiyahan at muling mag uumpisa para namn sa second sem...
natpos na ang exam sa physics, calculus, at (sorry for the term kasi parang mura na rin sa amin) technical writing na ang professor ay si (sorry ulit for the term kasi talagang kasumpasumpa) hindi ko na sasabihin baka kumalat pa ang pangalan niya. basta. masyadong masama ang nangyari na pag binabalikan ko eh binabangungot ako. tulad nlng kaninang umaga dahil nakita namin nila lex sa clasrum namin kaninang umaga... oyeh! montik na namin siyang kuyugin eh. 5 kami nun na nasa fire exit...
well pumasok ako kanina sa iskul ng 7 in the am. yebah! ang aga, pero dahil inspired eh nag aral ng konti sa bus ng physics. fluid mechanics. ang saya. kung kelan na enjoy ko na ang pagaaral ng p6 eh huling araw na pala ng semester. marami paalng masasayang topics sa physics. hindi lang naituro o nadaanan maybe next sem sa p6 2. ginawa namin ang ritual namin nung 1st sem at sinubukan ulit kung gagana ngayon... ang paglalaro ng kahit anong computer game bago mag exam sa kung anong subject. nung first sem kasi, lagi kaming naglalaro bago mag exam lalo na sa trigonometry,,, ang masiste dyan eh lagi kaming pumapasa at matatas ang grades kahit na late ng konti paminsan minsan ang aming dating... isang weirdong gawain pero gumagana. kung baga eh aplicable sa mga bagay bagay...
nag exam kami. masaya naman nung natapos kami. at least natapos na ang exam... habang nag eexam ako eh wala naman bahid ng kahit anong kaba. sagutan nlng yung mga kayang sagutan at ang mga hindi, wag baliwalain ang kapangyarihan at lakas ng tsamba! oyeh... pero hindi nman ako garapalan na hulaan na ilalag-lag ang bolpen tpos kung san tumamang letra yun ang sagot... nagcocompute ako... at awa ng dyos ang ibang sagot eh nasa multiple choice...
tapos ng exam bandingan sessions ulit ng mga kaclase na hanggang ngayon eh wala parin pangalan ang samahan. sa sm manila. ang sayasaya namin. celebrate, enjoy kahit wala kaming pera. nag ikotikot lng kami at super laugh trip, konting window shopping solb na...
natapos ang lahat, pati ang first sem pero sana hindi matapos ang mga bagong kaibigan. masya pero magiging malungkot sa paghihiwalay pero ika nga eh kitakits hindi sa mcdo pero sa second sem na dadating....
ang isang matinding pala isipan nlng eh kung ano ba ang magandang gawin sa second sem... free section ba para maiba o block parin...
isang tanong na naguumpisa na akong pag isipan...
hindi pwede ang bahala na si batman dahil 1 sem namin pwedeng maenjoy o kainisan ang resulta nitong gagawin namin...
united we stand--- united we fall... grupong wala pang pangalan pero nag sasama na para sa mga panahon na may nangangailangan ng super laugh trip...
sino pa kaya ang sasama sa amin? dyan papasok ang phrase na " bahala na si batman" bwahahaha....
livelyflessordinary™
No comments:
Post a Comment