Sunday, February 6, 2011

3

i hate deaths.

may dumating na masamang balita sa amin kanina. namatay ng yung tita ko sa mother side.

hindi ko alam kung bakit pero parang medyo masaya ako, siguro dahil bed ridden na siya for 3 years dahil sa stroke. nakita ko yung hirap niya at yung hirap ng mga nag aalaga sa kanya. pero mabigat pa rin talaga ang pakiramdam ng may mawawala. 

as much as possible, ayaw ko na may mamamatay na malapit sa akin, kaibigan man o kapamilya. i remembered yung time na namatay yung kaibigan ko dahil sa sakit, lola ko dahil sa katandaan, at ngayon yung tita ko. ayaw ko ng lamay, yung kape na iinumin, yung pagmemeet ng pamilya namin dahil lang may namatayan, yung kabaong. pero mas mabigat sa pakiramdam yung iyakan, kwentuhan, yung huling misa, yung paghahatid sa huling hantungan, yung malungkot na kanta.

ayaw ko nang may nagbibiro ng tungkol sa pagkamatay. ayaw ko ng thought na pumapasok sa akin na may mamamatay pero hindi ito maiwasan lalo na pag meron ng namatay. ayaw kong may mamatay sa magulang ko, yung kapatid ko, yung girlfriend ko, yung mga kaibigan ko. ayaw ko din na may nahihirapan dahil sa sakit. ayaw ko. kung pwede akuin ko na lang lahat.

wag lang sila. 

ayaw ko talaga ng ganito, nakakaiyak, nakakalungkot. nakakainis dahil wala kang magawa, yung mata mo eh parang gripong sira, tulo ng tulo. 

habang pauwi, napapansin ko ang mga crematories, mga memorial chapels, may nakasalubong kaming 2 set ng prusisyon ng patay. may malungkot na kanta. nakakainis, naalala ko yung nang yari kay lola. 

binagsakan ako ng langit at lupa ngayon. naiisip ko yung mga mahal ko sa buhay. nalulungkot ako, sira ang present ko ngayon dahil sa pangyayari. mabigat sa pakiramdam. nakakabuwisit. 





ang magagawa ko lang siguro ay ang magdasal. 

6 comments:

  1. :( condolence roch. nakakalungkot talaga pag may namatay na malapit sayo..

    ReplyDelete
  2. thanks sr. pero ang hirap lang kasi naiisip ko na pwedeng mangyari yung sa iba pang malapit sa akin. TT^TT

    ReplyDelete
  3. it could happen to anyone naman e. even to you... una-unahan lang. :) kaya live life to the fullest. and don't just spend your time making your own life better or happy. make other people's lives better or happier because of you. :D kasi di natin alam kung kelan tayo mawawala.

    ReplyDelete
  4. mga payong malupit. galing sa nakakatandang si Teej.

    ReplyDelete
  5. from ashes to ashes, dust to dust.. death is inevitable.. guguho tlaga ang mundo mu.. xD

    ReplyDelete