Tuesday, February 22, 2011

6

so i wake up this morning.

SHET! 7:30 na!

ampota, wala na akong nagawa. my goals are constantly not being achieve this second semester. tinatamad akong gumawa ng plates, inspired naman ako sa mga bagay bagay pero hindi sa gawain na kailangan kong gawin. tamad tamad tamad. ang dami kong tamad. nakakainis. i'm blaming this to myself, kasi kasalanan ko naman na maging tamad. GAWD! 

pero hindi naman ako ganito last sem ah. well maybe nung final stretch last sem. pero bakit ganito ako ngayon?

dapat tayo ang nagaadapt sa working environment at hindi ito yung nagaadapt sa atin. and i think, this is the worst working environment i have. it is the "star section" of our batch. block 201. ngayon inaamin ko, hindi ko trip ang trip nila, hindi ko sila makasundo, hindi ko trip yung working environment. isa itong rant ng mareklamong estudyante. nag kamali ako ng pinili ko yung section na yun, sabi ko kailangan ko ng thrill, pero bumagsak yung thrill level ko into 1 from 7 last sem. haay, hindi naman sila lahat hindi ko gusto pero marami yung hindi ko gusto. isang classroom na grupo grupo, misfit ako dito sa klaseng ito, mataas ang tingin ko dati sa ilan sa kanila pero bumaba dahil sa pinaggagawa nila. haays, wala kang machallenge na thought. walang willing. 

siguro dahil sa age gap and that's shit. 

hindi ko na papansinin yung working environment ko, i'll move in my own will, decisions. wala na akong pakialam sa karamihan.

by the way, ok lang din naman yung iba, nagkaroon ako ng mga bagong tuklas na kaibigan sa 201, solb din naman kahit papaano. minsan masaya, pero minsan lang. i officially say that i don't belong in this group. 

tangina, yan ang masasabi ko sa sarili ko.

galaw galaw men. kailangan mong pumalo dahil finals na. 

next sem, hindi na ako pipili ng section dahil sa naghahanap ako ng thrill, kukuhain ko yung section na sa tingin ko magiging masaya ako.

Tuesday, February 15, 2011

5

F you!!! i'm back! 

ang problema kasi sa akin ay puro doubts ako sa lahat ng bagay, sa karamihan ng tao. hindi din siguro maiwasan dahil sa mga nangyari sa akin. ayaw ko ng magkaroon ng doubts na sobra sobra dahil hindi ko alam na nakakasakit na ako ng tao lalo na sa mga tunay na nagmamahal sa akin. kulang ako sa tiwala sa sarili ko, sa tiwala sa ibang tao, tiwala sa mundo.

kailangan ko nang magumpisang magtiwala, na hayaan na magopen ng konti. na wag mahiya sa kung ano ako. wala akong napapala sa puro doubts, sa pagiisip ng negative. nakakasama ng loob, dagdag sa stress ko. nakakapeste. nakakainis. 

minsan din kasi, may mga taong nakadepende sa iyo, yung tipong pag nagdududa ka sa kanila, pinanghihinaan sila ng loob. ayaw ko na ng ganun.

may isisingit ako.

iba daw ang first love sa true love. paano ba yun kinaclassify? 

Sunday, February 13, 2011

4

this is one of those emo/rants that's bugging me this past few weeks.

sabi nila mother knows best... pero grabe, iba yung nandyan para gabayan ka at ibang usapan na din pag ang nanay mo ay isang control freak. 

ilang taon na ba ako? 20 turning 21, pati pagtulog ko pinapakialaman, kesyo gabi na at kailangan ko na daw matulog. hindi ako gago na hindi matutulog ng walang dahilan at dahil trip ko lang. nangangailangan din ako ng pahinga. 

gagawa ng plates, hindi naman makagawa sa dami ng sumbat na sinasabi sa akin. yun na nga lang daw pinapagawa eh. alam mo ba yung sinasabi mo? kesyo hindi daw ako nag aaral. kulang na lang lagi, laging kulang. hindi ko maabot yung P**********  mong standards.  nakakasama ka ng loob alam mo ba yun? 

puro pressure na lang at puro pakikipagcompare na lang sa iba yung ginagawa mo at ibinibigay mo sa akin. ito ba yung kapalit ng so-called mong support na nagsusupply ng gamit? i'm emotionally drained. kahit na mahaba ang pisi ko. minsan may time na masarap lang talaga mag mura. sa ikabubuti ko? o dahil para may maipagmalaki ka lang? wala ba akong karapatang maging masaya o kahit manlang mag ka time para sa sarili ko? amp.

isa pa. wag kang magtataka kung balang araw, walang matitira sa iyo. sa ginagawa mong panghusga sa lahat ng taong nakakahalubilo mo, sa mga pamatay mong pakikitungo/pakikiplastic. pakitignan po yung ugali mo bago ka magreklamo sa mga taong nasa paligid mo. wag kang magugulat kung pati ako, walang tiwala sa iyo. sa mga dinidikdik mo sa akin.

minsan masarap lang talagang isipin ang pagpapatiwakal, buti na lang. 

Sunday, February 6, 2011

3

i hate deaths.

may dumating na masamang balita sa amin kanina. namatay ng yung tita ko sa mother side.

hindi ko alam kung bakit pero parang medyo masaya ako, siguro dahil bed ridden na siya for 3 years dahil sa stroke. nakita ko yung hirap niya at yung hirap ng mga nag aalaga sa kanya. pero mabigat pa rin talaga ang pakiramdam ng may mawawala. 

as much as possible, ayaw ko na may mamamatay na malapit sa akin, kaibigan man o kapamilya. i remembered yung time na namatay yung kaibigan ko dahil sa sakit, lola ko dahil sa katandaan, at ngayon yung tita ko. ayaw ko ng lamay, yung kape na iinumin, yung pagmemeet ng pamilya namin dahil lang may namatayan, yung kabaong. pero mas mabigat sa pakiramdam yung iyakan, kwentuhan, yung huling misa, yung paghahatid sa huling hantungan, yung malungkot na kanta.

ayaw ko nang may nagbibiro ng tungkol sa pagkamatay. ayaw ko ng thought na pumapasok sa akin na may mamamatay pero hindi ito maiwasan lalo na pag meron ng namatay. ayaw kong may mamatay sa magulang ko, yung kapatid ko, yung girlfriend ko, yung mga kaibigan ko. ayaw ko din na may nahihirapan dahil sa sakit. ayaw ko. kung pwede akuin ko na lang lahat.

wag lang sila. 

ayaw ko talaga ng ganito, nakakaiyak, nakakalungkot. nakakainis dahil wala kang magawa, yung mata mo eh parang gripong sira, tulo ng tulo. 

habang pauwi, napapansin ko ang mga crematories, mga memorial chapels, may nakasalubong kaming 2 set ng prusisyon ng patay. may malungkot na kanta. nakakainis, naalala ko yung nang yari kay lola. 

binagsakan ako ng langit at lupa ngayon. naiisip ko yung mga mahal ko sa buhay. nalulungkot ako, sira ang present ko ngayon dahil sa pangyayari. mabigat sa pakiramdam. nakakabuwisit. 





ang magagawa ko lang siguro ay ang magdasal.