Thursday, December 9, 2010

12-10-2010:reminder o paalala para sa iyo.

alas kwatro ng umaga. ito na yung araw na binanggit ko sa isa kong blog. ito na yung hagupit nung isa kong professor. 

design, ang tagal kong magisip ng floor plan, mahilig pumetix, kung ano anong shit ang ginagawa at ito na nga yung consequence. just 12 hours away in passing that plate. malayo pa sa posibilidad yung gawa ko. alam kong may time pa ako para makahabol para sa deadline, pero mas binigyan ko ng halaga itong log na to. bakit? kasi gumugulo na yung utak ko, stressed na ako masakit ang likod, masakit ang ulo. nagkukumahog na humabol at habulin ang kailangang habulin. 

nahihiya ako sa tag team ko na itago natin sa initials na Jsp. isang babae na ubod ng sipag, lately ko lang nalaman na ganun pala talaga siya. at ako ang kanyang complete opposite, isang easy go lucky na lalaki, maingay at parang barya. siya, tahimik, pero gumagawa. siya ay perang papel at ako ay hamak na piso, barya na nagmamayabang sa sarili na hindi makakabuo ng isang libo kapag wala ako. pero barya lang ako, isang makalansing na barya. parang langaw na dumapo sa ulo ng isang giraffe, kala mo kung sinong magaling. langaw lang naman sa lipunan.

hindi ito self pity sa pagcocompare ko sa tagteam ko na si Jsp. pero isang kaldag sa akin ng mundo, na nagkaroon lang ako ng konting alam, kala mo kung sino nang magaling. 

SHIT! lumaki ulo ko dahil sa mga pangyayari last semester. dahil sa pagiging main contender at presidente ng klase. dahil ako ay nakakakuha ng pinakamataas na grado sa mga major subjects ko, kala ko kung sino na akong magaling. dahil sa ako ang tanungan ng mga kaclase ko para sa kung ano yung mga suggestions ko para sa plates ng iba. at ang pagtawag sa akin na ako ay imba, magaling, master, idol at kung ano ano pang papuri.

aba'y ISA TALAGA AKONG SHIT! kapal ng mukha ko. kapal ng mukha ko para umastang malupet, pero wala namang pinapatunayan. at ngayon, wala talaga akong mapatunayan. 

"hard work beats talent if talent doesn't work hard."

ako ngayon yung kuneho sa laban namin ni pagong, yung bangaw na nasa ulo ng giraffe, si tipaklong sa tipaklong at ang langgam. 

sa mga panahong ito, ito na yung patunay na hindi ako imba, hindi ako idol, master o kung anong shit ang tawag sa akin ng ibang tao. isa akong normal na estudyante ng architecture, wala pa akong alam, wala akong dapat ipagmagaling dahil maraming mas magaling sa akin. na kaya akong ilampaso sa saglitang oras lang. marami pa akong kakaining kanin. 

hindi pa ako nawawalan ng pag-asa na makahabol. at wag ka na rin munang magrereklamo na dapat iyon yung ginagawa ko imbis na magblog ako dito. hindi pa ako sumusuko. pero ito yung mga panahon na nakakuha ako ng lesson sa dulo ng kwento. 

at pwede kong iapply dahil naranasan kong mabigo. 

sa tag team kong malupit! keep up the good work. 

2 comments:

  1. oh musta yung plate natapos mo? :D
    okay lang yan.. sabi nga sa txt.
    "A lesson is repeated until it is learned. A lesson will be presented to you in various forms until you have learned it. Then you can go on to the next lesson.
    Learning lessons does not end. There is no part of life that does not contain lessons. If you are alive, there are lessons to be learned."

    ReplyDelete
  2. Hold your head up high but always keep your feet on the ground. :) Baka masyado ka lang naging kampante. At totoong daig ng masipag ang taong may talent. :) Pero pag talented ka na at masipag ka pa, for sure you'll be going places. :D Good luck master! hahaha

    ReplyDelete