ahhhh. hindi ko alam. pero bumabalik ako sa multiply. medyo nakakamiss na mag blog. saktong sakto pa kasi classical music yung pinakikinggan ko. dapat gumagawa ako ng perspective ngayon pero dito na ako nauwi sa pag boblog. hindi ko nga alam kung marunong pa akong mag blog or there is such a thing na "hindi na marunong mag blog".
dito nanaman ako sa mga random thoughts ko.
nakakainis minsan eh. ung tipong hindi mo maintindihan yung sarili mo. you tend to oppose your self. when you tend to joke around, you are or you're looking serious. but when you become serious, you end up joking around. mahirap talagang mag express ng kung anong feelings lalo na kapag harapan na. kung galit ka, kung inlove ka, kung gutom ka.
kanina gumagawa ako ng plate. na realize ko nanaman na wala nanaman yung efforts ko. tama nga na sabihin na hindi mo dapat ginagawa yung mga bagay na gusto mo para i-please yung mga taong nasa paligid mo. dapat pini-please mo ang sarili mo. pero minsan lang talaga. maghahanap ka ng magiging proud sa mga gawa mo. specially yung mga ineexpect mo na maging proud, or kahit masuklian manlang yung efforts mo. siguro nga that's the irony of life.
tapos na yung philosophy class namin. enjoy yung bawat klase. sulit yung 1 lang na ipinapasok ko every wednesday. sa philo ko naintindihan o pahapyaw na nasunggaban na wala nga talagang recipe sa buhay.
"life's happiness is like grasping water"
for a moment, masaya ka. mamaya hindi na kasi badtrip ka na, depressed o natatae. may pera ka, may kaibigan ka. nasa iyo na ang lahat. pero palagi. palaging parang may kulang. may tendency talaga ang mga tao na hindi makuntento sa kung ano ang meron sila.
nakakagulo ng utak ang philosophy, pero in a good sense. hindi mo alam kung ididirect ka nito sa tamang landas o talagang nantitrip lang ang gumawa nito, na talagang nanggagambala lang.
sabi ng prof namin lagi pag maguumpisa ang klase.
"ang diyos eh hanggang sa labas ng pinto lamang, mamaya niyo na siya balikan pagkatapos ng klase"
pero nagdadasal kami bago mag klase. mapa personal prayer pa yan o kung ano ano lang. mga nagdadasal ng tungkol sa love life, grades, pera, o sana tapos na yung klase. nakilala ko sa immanuel kant, epicurus, aristotle at yung mga tropahan nila. masayang nakakagulo.
tamang trip lang.
patapos nanaman ang second sem. 2nd year na ako pag pasok. 2nd year ulit. matatapos na yung mga sleepless nights. mga tipong hindi ka makatulog dahil kailangan mong tapusin yung plate. o hindi ka makatulog dahil may iniisip ka. o yung makakatulog ka tapos pag gising mo. wala ka pang nagagawa na dapat ipasa mamaya. O_O . daming bagong kaibigan. ang tanong lang naman eh kung nawawala din ba ang mga ito. magulo sa akin. hindi ko alam kung yung iba kong naging kaibigan eh andun pa din ba? sila pa din ba yung nakilala ko dati. o sila yung mukhang nakilala ko dati at hanggang dun na lang. may mga ibang ganun pa din. pero sa iba. hindi ako sigurado. may instances na pag bumabalik ako sa kanila. nao- OP na ako. hindi ko alam. masasabi ko nga na "that's life".
do friends last forever??? maybe for some. depende ata sa tao yun.
nung may sinubukan akong survey sa facebook. tapos binasa ko yung result. may part dun na. nag sabi (hindi eksato itong sasabihin ko). na merong part ng personality ko na, madaling makipagclose ang mga tao sa akin pero pag dating sa part na yun. na makikipagclose na sila. bigla daw akong nawawala... napaisip ako...
oo parang may part sa akin na ganito. wala akong consistency. ako yung may problema ata. hindi yung iba.
hindi ako magaling sa mga bagay bagay. siguro may alam lang. hindi naman ako mabait. minsan may topak ako. pangit ko pa (hindi counted yung sinabi ng nanay ko na pogi daw ako). seriously. hindi ko kilala ang sarili ko. wala akong acceptance sa mga bagay bagay. hindi din ako marunong mag appreciate ng mga bagay bagay. maingay ako sa harap ng tao. pero tahimik talaga ako. selfish ako. hindi ako masaya sa nangyayari sa buhay ko. masaya ako sa ginagawa ko. pero sa pangkalahatan. hindi ata. hindi ako marunong umibig. hindi ako marunong manligaw. maraming negativity sa akin. kailangan ko na ata ng psychiatric help O_O.. hindi applied dito yung kasabihan na.
"the more you say you are. the more you are not. "
balik nanaman ako sa pagiging emo. anong masama sa pagiging emo? parang sa pagiging pangit, sa pangungulangot sa daan, sa pag sisinungaling. sa lahat.... walang masama. depende na lang sa reaksyon ng ibang tao. sa sasabihin sa iyo ng lipunan.
parte ng pagiging tao ang lahat ng bagay. kahit pagiging emo. hindi ka naman kasi masaya parati eh. may times na malulungkot ka talaga. hindi maiiwasan yun... living a life is inevitable. parang sa mga exams din yan. required isulat ang name.
being rational is hard, no one is perfect in making decisions. no one is always praised for being rational. because being rational or making rational decisions, it's created for only not the good of one's self but for the common good.
living a life is so complex. no recipe is created for living, like no life is forever. happiness is grasping water, for at a moment you thought that you already grasped water itself but it already slips away.
that's the complexity of happiness. being happy or contented.
it's enclosed in the moments that will live forever.
everyone is chasing after happiness, not money, not fame, not superficial objects, not petty dreams. but the happiness that they thought enclosed in those. some said that achieving happiness requires little.
nasa iyo na kung paano mo hahabulin yung sarili mong happiness.
everyone is chasing happiness not sadness.
everyone deserves one,